(Vince P.O.V)Pagkagising ko palang sa kama ko medyo nabibigatan akong tumayo, dih ko alam kung bakit pero Nararamdaman ko talagang nay mali sa araw na ito
...
Pumasok ako sa bahay ni Elio pero busy sa kaka tulala
Dih ko talaga na fe-feel ang sarili ko ngayon, at kahapon sinabi na sa amin ni Kei ang mangyayari ngayon
Alam na daw ni Mei ang lahat
Nung pumasok na kami sa school bigla kong nilapitan si Henry ka-klase namin, may kapangyarihan kase siyang maka alam kung ano ba ang pakiramdam nang isang tao ngayon
Para siyang manghuhula
Kaya gusto ko sanang malaman kung bakit ako ganito
Medyo nagulat siya sa una nung lumapit ako sa kanya kaya napipilitan lang siyang lumapit sa akin kase di ko naman siya pinapansin kaya ata ganito reaction niya
Nang pagkatapos niya akong hulaan, bigla nalang siyang nagulat ulit at tsaka binulong sa akin kung ano ba talaga ang nangyari
Nagulat nalang ako nung pagsabi niyang yun
Ako? Ginayuma? Nino?
...
Nandito na kaming apat sa meeting place namin, ang tagal naman nang apat nayun, pinag hihintay ba naman kami
'tsk' -Elio
Narinig ko yun kaya naman napatingin ako ngayun sa gawi niya, nakatayo tsaka ako lumabas
Bat ba kasi kami pinag hihintay?
Hindi naman kalayuan at nakita na namin sila
Nung nahagip nang mga mata ko si Ira bigla nalang tumibok nang malakas ang puso ko at doon ko nalaman na siya pala ang may kagagawan nang lahat nang ito
Pasalamat siya nakakalaban nang mga mahika ko ang gayuma niya sa akin kaya medyo na kokontrolado ko ang sarili ko
Nang nasamalapitan na sila tsaka ako bumalik sa loob para naman makapag handa na
Pero naramdaman ko na parang iniiwasan niya ako ngayon kaya parang alam ko na kung bakit
Wala na pala 'parang' iniiwasan na niya talaga ako for sure
Si mei lumapit naman kay kei tapos si Blaire naman ayun nakikipag bangayan kay Jb si caya naman namaalam na kukunin niya daw si elio, kaya naman mag isa niya lang ang nakakaupo doon sa gilid
Ako naman walang kasama kaya lumapit nalang ako doon sa tabi niya at umupo
May patawa tawa pa siyang nalalaman kaya mas tumitibok ang puso ko
Napalingon siya sa gawi ko kaya naman mas nagulat siya doon kaso mabilis niyang binawi yun at iniwasan ako
"Aalis muna ako, babalik ako agad kung completo na" paalam na sabi niya sa amin
Nagulat naman ako kung bakit siya aalis kaya kailangan niya nang kasama para siguradong makakabalik talaga siya dito
"Samahan-" hindi pa man ako nakakapag tapos nang sasabihin ko bigla nalang siyang tumanggi na magpasama
Sa totoo di ko rin naman alam kung ano ang tumatakbo sa utak niyang yun
Ngayon nag babangayan sina Caya pati elio, dahil tinawag siya nitong 'dark guy' haha
Kaya naman tinawanan din niya yung dalawa, pero nung nakita niya ako bigla nalang siya umalis at tumakbo
Ako na nga ang ginayuma niya, siya pa ang may ganang tumakbo? May klase bang gagayumahin ka tapos iiwasan karin pala? Aba sosyal naman niya
YOU ARE READING
Crystal Academy (The Magical World)
FantasyMay isang paaralan na tinatawag nilang Cristal Academy Kung saan naninirahan o nag aaral ang mga may iba't ibang mahika at ang mga apat na brilliante yun ay ang brilliante ng hangin, tubig, apoy at ang lupa paano kung isang araw may apat na babae n...