"Hihi." ngiwi ko na lang sa pinagsasabi ni tita.

Ngunit sa kabilang banda ay muli akong nangamba sa naunang sinabi niya. Dahil kahit anong iwas ko man para hindi masaktan si Clover, nakatadhana na iyong mangyari.

Matapos kong makapagbihis, sabay na kaming lumabas ni tita Lovie. Dinala niya ako sa unit ng anak niya. Naabutan pa namin sina Clover at si tito Oliver na naghahanda ng kung ano-ano sa paligid ng unit niya.

May mga lobong nagkalat maging mga petals na parang kinalat lang talaga sa paligid. Sumatotal, nagkalat lang talaga sila ng ama niya. Tsk.

"Hon your so sweet." kinikilig namang sambit ni tita habang amaze pa na nakangiti sa mga kinalat ng asawa niya. Napapanganga akong tumingin sa kanya dahil sa reaksyon niya. Sweet na pala ang tawag sa pagkakalat. Ikalat ko kaya ang mga gamit dito ng impaktong si Clover baka matawag na niya akong sweet. Naalala ko kasing wala man lang siyang binanggit na magandang katangian ko habang sinasabi niya ang mga bagay na namiss niya sa akin.

Napailing na lang ako habang binalingan na ng paningin si Clover na kibit-balikat namang sumenyas sa akin upang bigyan ng space ang mga magulang niyang naglalampungan este nagyayakapan sa tabi ko.

Lumapit ako sa kanya ng nakataas ang kilay ko. Pinakita ko pa sa kanya ang singsing na sinuot niya sa daliri ko at ang impakto ngumiti pa habang proud na pinakita din sa akin ang suot suot niyang singsing na kaparehas din ng sa akin.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing na sinuot niya tsaka niya ito masuyong hinalikan. Takte, bakit pati init ng labi niya ay nararamdaman ng kamay ko?

"It means, your my moon First. You light up my darkness night.." masuyo niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko.

"It is you Clover.. your my moon." sambit ko na nagpanatili ng tingin niya sa mga mata ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kaunting liwanag ang madilim kong mundo.." dagdag ko pa bago ipakita sa kanya ang suot kong kwentas na binigay niya.

May dinukot siya sa ilalim ng kwelyo ng damit niya. Nakangiti niya itong pinakita sa akin na ikinakagat ko ng labi ko. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang kwentas niyang iyon na kahati ng pendant na buwan nang kwentas ko.

"Couple." sambit ko patungkol ko sa mga kwentas naming suot.

"Yeah.. we're couple.." nakangiti naman niyang sambit na ikinabaling ko sa mukha niya. "Wala ng bawian."

Halos matanga na naman ako sa sinabi niya. Napanganga pa ako dahil hindi pa ganap na naproseso sa utak ko ang ibig niyang sabihin.

Nanlaki na lang ang mata ko ng mabilis siyang panakaw na humalik sa labi ko. Takte! Nahampas ko ang dibdib niya dahil sa gulat ko at mabilis na bumaling sa mga magulang niyang kasalukuyan na palang nanonood sa amin ngayon.

"A-ah hihi." nahihiya kong sambit habang parang biglang nagkaroon ng imaginary kuto ang ulo ko. Napakamot pa ako doon dahil sa hiyang tumubo sa balat ko. Animal naman kasi itong si Clover parang hindi alam ang privacy. Manang-mana talaga siya sa mga magulang niya.

"We're officially couple, mom.. dad.." nabalik ang paningin ko sa pagsalita ng impaktong nasa tabi ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"A-anong pinagsasabi mo?" pabulong na panggigil ko sa kalokohan niya.

"Di ba ikaw mismo ang nagsabi.. we're couple." tinaas-taas pa niya ang kilay niya na parang tama talaga ang sinabi niya.

"Tang— 'yung juice niyo Clover.." pigil ko sa pagmumura ko dahil naalala kong bawal pala ang magmura sabi ng ama niya noon. "Di mo ko niligawan impakto ka!" gigil kong bulong sa kanya kalaunan. Pasimple pa akong pekeng napangiti sa magulang niya dahil nakangiti itong nanunuod lang sa amin.

"Don't worry love, I will court you every day, every night, every hour, every minute and every second of our life.." malambing niya pang sambit na ikinatili ng mommy niya.

"Omg honey.. they will going to celebrate their monthsary just like us." sambit ni tita lovie. Kaya pala kilig na kilig siya pero sana all may monthsary.

Masinsinan ko nang hinarap ang impakto ng mabusy na naman sina tita lovie at ang asawa niyang makipaglampungan este makipag-usap sa harap namin. Para tuloy kaming nag double date sa gitna ng makalat na lugar dahil sa mga lobong hindi mo alam kung anong design at ang mga nagkalat na petals na parang hinangin lang ng bentilador kaya nagliparan.

"Magkalinawan nga tayong impakto ka.. alam ko namang sobrang ganda ko kaya ka inlove na inlove sa akin.." napatango pa siya sa sinabi ko. Parang ako pa tuloy ang nahiya dahil sa pagtango niya. Nagbackfire pa ata sa akin ang kabaliwang sinasabi ko sa kanya ngayon.

Tumikhim muna ako bago ibahin at ulitin ulit ang pinupunto ko.

Magsasalita na sana ako ngunit inulit na naman niya ang pagnakaw niya ng halik sa akin kaya bigla akong walang masabi.

"Yeah.. your so beautiful First.." puri pa niya sa akin matapos niya akong halikan sa harap ng mga magulang niya. Takte talaga.

"Mahiya ka naman Clover.. sa harap talaga nila?" bulong kong sambit habang pasimpleng tinitignan din ang mga magulang niya.

"It's okay.. this is normal for us as a couple love." napangiwi ako sa sinabi niya. Na-carried away na talaga siya.

"That's enough baby, ituloy niyo na lang yan mamaya after the celebration, okay?.." napalingon ako kay Tita lovie na nagsalita para kasing may iba pang i-cecelecrate bukod sa monthsary nila ni tito sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Let's wait for a second, dadating na din ang hinihintay nating other couple." dagdag pa nito na kahit pinagtakhan ko ay nginitian ko na lang din dahil sa matamis na pagngiti nya sa akin.

Minutes later ay may kumatok nga sa pintuan kaya masaya naman itong pinagbuksan ni tita lovie. Ngunit kung akala kong masaya na ang lahat sa mga sandaling iyon, siya namang pagdating ng hindi ko inaasahang tao.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now