She clicked her tongue. "Kailan mo planong mag apply?"

Napabuntong hininga ako. That promise!

"Nauna na ako ng isang taon dito sa Dasma kase ang sabi mo ay hindi ka pa handa. Hiring ang school namin ng teachers. Pwede ka magdemo rito tapos magiging part ka ng faculty sa susunod na school year."

Napakamot ako sa aking batok.

"Bakit ba naman kase diyan pa sa Cavite? Eh may mga school din naman dito sa Batangas. Pwede namang magturo sa St James o kaya St Jude," reklamo ko.

"Andito nga ang boyfriend ko, Ysabelle! Long distance din kami ano! Siya pa nga ang pumupunta diyan sa Batangas nung college tayo eh hindi ba? Nakakahiya naman kung puro siya lang ang nag eeffort."

Hindi naman ako obligado pagkadating sa relasyon nila! Pero the fact still remains na may pangako nga kami sa isa't isa.

"Saka mas malaki ang sweldo rito kaysa sa normal na bayad sa teachers. Diba kailangan din ni tito ng pang maintenance sa high blood?"

Pagtatricycle ang trabaho ni papa. Nang magkaroon ng high blood ay kinailangang tumigil. Baka pa himatayin sa daan sa sobrang init. Mabuti na lang at may babuyan kami kaya kinaya naming mamuhay.

"Oh! Eh mabuti yan! Isang taon ka na ring tunganga rito sa bahay. Magtrabaho ka na para makatulong ka na sa gastusin natin. Para saan pa at pinag aral ka namin hindi ba?" ani mama habang nagsasandok ng kanin. Inabot niya sa akin ang plato at inilagay ko naman sa lamesa.

"Ayos lang ho? Kahit sa Cavite?" ulit ko, dahil mukhang hindi narinig ni mama kung saan ko planong magtrabaho. Ang napakinggan niya lang ay ang plano kong magtrabaho.

Natigil ang usapan nang pumasok sa kusina si Clarence.

"Bulanglang nanaman ma? Wala na bang iba? Kaya ako pumapayat eh. Araw araw akong nadadiet," hinila niya ang upuan at umupo.

Mama and I looked at each other and both shook our heads.

"H'wag kang mag alala, magtatrabaho na ang ate mo. Sumipsip ka rito sa ate mo para makahingi ka ng budget. Magluto ka ng sarili mong ulam," biro ni mama.

Papa entered the dining. "Ano 'tong naririnig ko? Magguguro ka na anak?" galak niyang tanong. Niyakap ako ni papa. "May teacher na kami!"

"Anong ituturo mo ate?"

"English," sagot ko. "Ayon ang major ko eh."

"Anak," mama squeezed my hand. "Iwasan mong nerbyosin habang nagtuturo ha. Baka umiyak ka habang nagtuturo?"

Kinagat ko ang pang ibabang labi.

"M-medyo kaya ko naman na po sa ilang taon ko sa education sa kolehiyo."

Mayroon akong speech anxiety. Kahit na sigurado ako sa material na ippresent ay natatakot akong magsalita sa harap ng marami. Maaari akong kumuha ng ibang kurso na hindi gaanong nagrerequire ng public speaking, ngunit pagtuturo talaga ang gusto kong gawin. Hindi na ako magpapakumbaba pa, alam ko ang kapasidad ko pagdating sa academics. Kaya gusto kong gamitin ito par matulungan ang mga studyante.

Sa buong buhay ko ay si Thelma pa lang ang natuturuan ko dahil wala naman akong ibang kaibigan. Masaya sa pakiramdam kapag nakikita mong nagkakaroon ng resulta at may natututunan ang taong tinuturuan mo. It feels good to be of service to someone who needs it.

"Oh siya, dito ka muna tumuloy sa amin ng boyfriend ko hangga't hindi ka pa nakakahanap ng apartment. Sabi ko naman sa'yo, ayos nang dito ka na. Gagastos ka pa sa renta," bit bit ni Thelma ang isa ko pang bag. Mabibigat kase ang bitbit ko.

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon