Unang Halik

14 7 2
                                    

"Halos isang taon at Kalahati na kami ni Jessica akala ko sya na akala ko sya Yung magiging Ina Ng mga anak ko Hindi pa pala Ang masakit pa nito matagal na nya pala akong niloloko isang taon na pala sila Ng kaibigan nya kuno arghhh Ang tanga ko para Hindi mahalata na may relasyon sila" malungkot na Ani ni Kyle habang iniinom Ang hawak nyang alak.

"alam mo pre payo ko Lang sayo ah Ang pag ibig Kasi dapat iniintay Hindi Yung ikaw na mismo Ang nag hahanap Ayan tuloy tingnan mo sarili mo ngayon nag hanap ka Ng jowa tapos ngayon sawi ka hayyst" seryosong payo ko sa kaibigan ko,Nakilala nya Lang Naman Ang ex nya sya social media.

"Eh pre nasasabi mo Lang Yan Kasi single ka atsaka Hindi mo pa nararanasaan Ang pag ibig mag hihintay ka Ng mag hihintay eh paano Kung Hindi dumating diba?HAHAHAHA alam mo tantan panahon na siguro para mag hanap ka Ng jowa Ang tanda tanda mo na mag 26 kana sa isang buwan Hindi ka parin nag kakajowa since birth" humahalakhak na asar sa akin ni Kyle habang umiinom ulit Ng alak nya.

"Alam nyo mga pre uminom nalang Tayo cheers" sabat ni Kenneth.

"Cheers" malakas na sigaw naming tatlo habang tinataas Ang kanya kanyang bote sa itaas.

kasalukuyan kaming andito ngayong gabi sa isang sikat na bar para damayan si Kyle at mag lasing,8 years na Ang aming pag kakaibigang tatlo nakilala ko sila noong first year college palang ako naging kaklase ko sila at Doon na nag simula Ang aming pag kakaibigan.

"Wait lang ccr lang ako" paalam ko sa kanilang dalawa Ng makaramdam ako Ng pag ihi

Nag aayos Nako Ng buhok ko at gusot ng damit ko dito sa male restroom Ng biglang may pumasok na babae at mukhang lasing na lasing nasya mabuti nalang at walang umiihi ngayon dito at ako Lang mag Isa Ang tao.

"Ahh excuse me miss I think Mali ka nang pina--" diko na naituloy Ang sasabihin ko Ng bigla nalang nya akong hinalikan.

Hindi ko alam sa sarili ko Kung anong gagawin ko kaya tumugon nala mang ako sa halik nya dahil narin sa kanyang mapang akit na halik tumagal Ang halik nya sakin Ng 10 Segundo at humiwalay na Ito Hindi ko alam Kung anong maramdaman ko dahil ngayon palang ako may nahalikan at pinag sisihan Kong tumugon ako sa halik nya dahil madami palang Tao sa labas Ng pinto at kitang kita Ang pag hahalikan namin Ng babaeng ito at Ang iba pa ay may hawak na cellphone na sa tingin ko ay pinicturan Ang aming pag hahalikan.Sa gilid Naman Nakita ko dito Ang mga kaibigan ko na Hindi tumgil sa pagkurap kurap Ng Mata.

"Woahh pre namamalik mata lang ba ako?HAHAHA tantan malakas ba epekto Ng alak sayo?hahaha ngayon lang kita nakitang humalik! HAHAHAHA" mapang asar na Sabi ni Kenneth.

"Tol pakigising ako nananaginip ata ako hahahaha dipa Naman ako lasing na lasing Noh?tantan natin mag kakajowa na ata Hahahah Wala na first kiss mo pre hahahahah" mapanuksong Sabi Naman ni Kyle sabay apir pa Kay Kenneth.

Mabilis akong umalis sa cr na iyun at iniwan Ang mga tao Doon sobra akong hiyang hiya sa ginawa ko una dahil Hindi ko kilala Ang babaeng iyun tapos hinalikan kopa pero Yung babae Naman Yung nauna eh kaya Wala ka dapat ikahiya Nathan Santiago,Pero naiinis ako Nawala na first kiss ko kahit lalaki ako nangangarap din ako na maging maganda Ang first kiss ko at gusto ko sa kasal ko iyun.

"Arghhhh nakakahiya" napahilamos nala mang ako sa mukha ko at ginulo Ang buhok.

Papunta nakong parking lot ngayon uuwi Nako dahil Hindi ko Rin kaya pang humarap sa bar na iyun paniguraadong pinag chichismisan Nako dun dahil may Ilan din kumuha Ng picture samin.tinext ko Yung dalawa na umuwi nako at dahil inaasar nila ako at tawag Ng tawag pinatay ko nalang Ang cellphone ko.

Alas-dyis na Ng makauwi ako sa condo ko, traffic din sa byahe kaya pagod na pagod ako, dahilan Kung bakit dumeretso Nako sa kama ko.

Pinipilit Kong ipikit Ang mata ko pero Hindi parin ako makatulog dahil laging pumapasok sa isip ko Ang babaeng iyun Kung paano nya ako halikan at Kung paano nawala Ang first kiss ko sa isang iglap.

"Argggh damn bakit Dika maalis sa isip ko,kinuha mo na nga first kiss ko tapos dimo pa ako papatulugin " inis na sigaw ko sabay takip Ng unan sa mukha para nakong bakla nito

Hanggang ngayon amoy na amoy ko parin Ang pabango Ng babaeng iyun at lasang lasa ko parin Ang strawberry lipstick nya kaya tumayo ako at naligo at uminom nadin ako Ng kape para nadin makatulog

"Please patulugin mo Nako alas dose na may pasok pako bukas" parang baliw na Sabi ko sa hangin habang nakahiga.

Dealing With The ActressWhere stories live. Discover now