I felt her pushing me but I made my embrace even more tighter.

"Bakit nakikielam ka?! Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko!" Sigaw niya habang paulit-ulit na pinupukpok ang dibdib ko.

"What the fuck are you thinking?" Mahina iyon ngunit gumuhit pa rin ang inis na naramdaman ko.

I was so mad at her actions. Gusto ko nalang siyang ikulong sa bisig ko nang matagal.

"Fuck! Fuck! Fuck!" She cried.

Nagpupumiglas pa siya ngunit hindi ko siya hinayang makawala. I then held the both of her shoulders only to see her eyes red and teared up. She looked miserable.

"Ano bang ginagawa mo?" May diin kong sabi.

Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Paano kung hindi ako dumating? Paano kung hindi ko naisip na umakyat dito? Paano kung nawala na siya sa akin? Sa amin?

Tangina...I would continuously think that it was my fault. For not coming here earlier.

Nanginginig pa rin ang aking tuhod habang tinitignan siyang mawalan ng pag-asa. Nakayuko na siya ngayon at tahimik na umiiyak. Naramdaman ko ang pagkawala ng kaniyang lakas.

Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa kaniyang mukha. Pinunasan ko rin ang kaniyang mga luha at pinagmasdan siyang muli.

I'm still scared. Hindi ko naihanda ang sarili ko sa ganito. Hindi ko inakalang mararamdaman ko ang ganitong klaseng takot sa buong buhay ko.

"Michelle...sumadal ka sa akin. Please, huwag ganito...please, huwag..." pagmamakaawa ko sa kaniya.

Napaupo siya at tinakpan ang kaniyang mukha. Humikbi siya nang malakas. I went down to level her face. Marahan kong tinanggal ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Noong una ay tinitigasan pa niya ang pagkakakapit ngunit nagawa ko pa rin itong matanggal.

"I'm here...I'm here," I uttered and held her cheeks.

Makailang ulit siyang umiling. "Hindi ko na kaya...hindi ko na kaya..."

"I'm here...Michelle, makikinig ako. Share your pain with me...please share it with me," desperadong-desperado akong makuha ang kaniyang tingin. Hinanap ko ang kaniyang mga mata ngunit kahit anong lingon ay nanatili iyon sa lapag.

"It's so unfair...bakit gano'n? Bakit 'yung mga nanakit sa akin ang saya-saya nila? Bakit ako hanggang ngayon lubog na lubog pa rin? Why does it feel like I don't deserve to be happy?" She sounds so weak. Like fragile vase.

I hugged her tight again. I felt like I want to be selfish. I want to lock her in my arms forever to keep her safe and to ward off all the waves that would hit her.

"Don't do that again, please... don't fucking scare me like that again."

Nagtagal ang yakap na iyon. Pinikit ko lang ang mga mata ko habang pinapakinggan ang bawa't hikbi niya. Tumitibok ang kaniyang mga balikat sa sobrang pag-iyak. It seems like my heart is crushing into ashes as I hear her sobs. It felt so painful hearing her cry.

Na kung p'we-p'wede kong hugutin ang lahat ng sakit mula sa kaniya ay ginawa ko na.

"Tama na!" I was startled when suddenly yelled.

Napabitaw ako sa kaniya nang marahas niyang tinakpan ang kaniyang tainga. Matagal bago magproseso ang lahat ng nangyayari.

"Tama na! Tama na! Lumayo kayo! Layo!" She continued roaring.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay na nakatakip sa kaniyang tainga habang palinga-linga naman ang ulo niya.

"I-it's okay...Michelle, I'm here."

The Monster Inside HerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ