Chapter 3

406 16 31
                                    


Michelle's PoV

A week had past and it's Monday. Hindi na hinintay ng Avanzado ang buwan na lumipas at pinagsimula na ako ngayon. Though it's great dahil may work na ako at sweldo sa katapusan, but you know the feeling na gusto mo munang magbakasyon? Like I've been studying for ages, can I rest? Pero charot charot lang naman. Hindi naman kami mayaman para maging tamad ako.

I just wore a white blouse, a ruffled A-line baby blue skirt, and a three-inch-heels with the same color. Hinayaan ko lang na nakalugay ang maikli kong buhok. Light make up lang din ang ginawa ko para naman hindi ako magmumukhang pupunta sa isang debut.

"Ready?" Dean asked.

Siya kasi ang maghahatid sa akin sa Avanzado since wala pa siyang class for his law course.

"Si Ophelia?" He asked after noticing that my friend is not around.

"Job interview," sagot ko naman.

Nagpaalam na kami kay papa t'yaka umalis. Napuno ng kaba ang dibdib ko habang palapit kami nang palapit sa Avanzado. Pakiramdam ko ay hihigupin na ng puso ko ang buong pagkatao ko sa sobrang kaba.

"Relax," he smiled.

"Nakakakaba pala kasi talaga, 'no?" I said.

"Gano'n talaga. You just have to relax, love. Hindi ka naman siguro kakainin ng boss mo," he laughed.

"Ikaw sira ulo ka talaga," sabi ko naman.

"Pinapatawa lang kita. You look so pale pa naman," anya.

"Mabait kaya 'yung magiging boss ko? Sana naman mabait," puno nang kumpyansa kong sabi.

"Mabait 'yan kung mabait ka. Ikaw na ata pinakamabait na nakilala ko," pambobola pa niya.

"Hindi naman lahat ng tao mabait sa mabait," I said.

"Huwag ka nang magpakanega. Hindi bagay," he chuckled.

"Leche ka talaga!"

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa opisina. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko sa laki ng gusali na nasa harapan ko ngayon.

"Good luck, love. 'Wag ka nang kabahan, you can do this! Okay?" He cheered me up and kissed my forehead before smiling.

"Thank you...I love you," aniko.

"I love you more and more baby ko," he smiled. "Sige na, baba na. Baka malate ka," anya.

Bumaba naman ako at nagpaalam na sa kaniya. Muli akong binalot ng kaba habang binabaybay ang lobby ng Avanzado. Iba-ibang tao rin ang nakikita ko. They're all busy and rushing na mas lalo kong ikinakaba.

"Good morning, Michelle Zobellano...new employee sa story lab," pagpapakilala ko sa front desk.

"Good morning, ma'am. Check ko lang po muna...for awhile," malumanay na sagot niya.

"Sige, thank you!" Sabi ko naman.

"Nakita ko na po ma'am, here's your ID po," anya at magalang na iniabot ang isang puting ID na may kulay asul na ID lace.

"Salamat miss," pagpapasalamat ko bago umalis.

Tinap ko lamang ang ID'ng hawak at kusa nang bumukas ang harang na tila nasa MRT. Muli nanaman akong namangha dahil doon. Kahit pa nakakausap ko ang iilang tao sa Avanzado ay hindi pa ako nakakatungtong sa mismong office nila. Parati kasing malapit sa UP ang mga meet up namin, para na rin daw mas convenient sa akin.

Magaborbo ang disenyo ng labas ng gusali ngunit mas pinagarbo naman ang loob. Nakakita rin ako ng iilang mga artista na bumababa galing sa elevator at may roon din akong mga nakakasabay. Patuloy na kumakabog ang dibdib ko sa pag-akyat ng elevator mula sa isang palapag papunta sa mas mataas.

The Monster Inside HerWhere stories live. Discover now