Chapter 11

253 17 11
                                    


Michelle's PoV

I was fuming after that call. Kahit sa sumunod na araw ay masama ang loob ko sa kaniya. Hindi pa rin ako nakatanggap ng text mula sa kaniya kahit pa mag-a-alas dose na. It's a Sunday, inaasahan ko na sasamahan niya akong magsimba sa Cathedral but he didn't even send a single text. Instead of calling him si Moira nalang ang sinama ko.

I am not a religious person. But I have fear in Him...and I believe in Him. Pakiramdam ko kasi sa tuwing pupunta ako sa Cathedral ay gumagaan ang lahat. I just speak my mind at nagkwekwento sa Kaniya. Hindi ako 'yung klase ng tao na tuwing Linggo ay present sa simbahan. Sa tuwing pagod ako, sa tuwing naiisip ko na malapit ko nang 'di kayanin. I would always seek His comfort.

"Ate si kuya Dean po hindi sasama?" Tanong ni Moira habang sinusuklayan ang kaniyang buhok.

"Hindi," simple kong sagot sa kaniya.

Nang matapos kami magsimba ay ibinaba ko si Moira sa may Vicente Cruz dahil magkikita raw sila ng mga kaklase niya. Binigyan ko nalang siya ng pera at tinanong kung anong oras ang uwi. Habang nagd-drive ay naisip kong puntahan si Dean sa condo niya. Naalala ko kasing dapat uuwi siya sa kanila tuwing Linggo.

"Pa," bungad ko nang sagutin ni papa ang tawag ko.

"Naihatid mo na si Moi?" He asked.

"Opo...pa daanan ko lang si Dean saglit pero uwi rin ako agad," pagpapaalam ko.

"Sige, mag-iingat ka."

Nang makarating ako sa condo niya ay nakita ko ang mga damit niyang suot noong pumunta ako sa Diliman na nagkalat sa sahig. Napahilot nalang ako sa aking sintido dahil nakita ko rin ang mga bubog sa sahig. Maybe it's from a glass. Iinom siguro siya at hindi na niya kinayang magbalanse.

"Dean!" Sigaw ko, tinatawag ang kaniyang atensyon. Ilang beses pa akong sumigaw pero walang sumasagot.

When I opened the door of his room, I saw him lying on the cold floor, half naked. Napabuntong-hininga nalang ako habang nilalapitan siya. He's wasted.

"Dean, wake up..." marahan kong tinapik ang magkabila niyang pisngi. "...hey babe."

Hindi siya nagigising kaya napagpasyahan ko nalang na akayin siya papunta sa kaniyang kama. Inilagay ko ang isa niyang braso sa aking batok para maging suporta. Hinawakan ko rin ang kaniyang baywang. Nang tatayo na sana kami ay buntikan pa kaming sumubsob. He's heavy and fucking asleep. His huge and toned body is not helping.

"Hey, ang bigat mo, wake up," bulong ko habang dahan-dahan siyang itinatayo.

Nang hindi ko na kayanin ang bigat ay napagpasyahan ko nalang na hilain siya papunta sa kaniyang kama. Para akong may bitbit na pitong sakong bigas. Imagine, I'm small and carrying a big masculine man.

Matapos kong maiayos ang higa niya ay lumabas ako para kumuha ng bimpo at maliit na planggana. Wala pa akong nakitang planggana kaya tabo nalang mula sa cr niya ang kinuha ko. I washed the towel and put water on the deeper.

Inilapag ko iyon sa side table niya t'yaka piniga ang bimpo at marahan iyong pinunas sa kaniyang mukha. Napansin ko pang mapulang-mapula ang tenga niya. Sunod kong pinunasan ang mga braso niya at ang katawan. Kumuha rin ako ng bagong T-Shirt. Nahirapan pa akong isuot sa kaniya 'yon dahil mabigat ang ulo niya at braso. Iniikot ko na nga lang siya patagilid para lang maiayos ang pagdadamit sa kaniya.

Habang okupado sa pag bibihis sa kaniya ay narinig kong nag-ring ang cellphone niya. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay si tita Gracia pala kaya sinagot ko na.

"Hello tita, si Michelle po 'to," I greeted.

"Ija! Magandang tanghali. Si Dean?" She asked.

"Ah, tita...tulog pa po e. Lasing na lasing po ata siya kagabi. Nadatnan ko nga pong nakahiga na sa lapag," I explained.

The Monster Inside HerWhere stories live. Discover now