"Trust me, kaya ko."

"Okay, I trust you," I mumbled.

"Thank you," she uttered.

We continued eating but my eyes were still focused on her. Memorising every bit of her even though I already did a few years back. I couldn't understand why does Dean hurt a woman as precious as she is.

Kung p'wede lang na ipasa nalang niya sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. It frustrates me that I can't do anything to ease her pain. She doesn't and will never deserve the kind of sorrow she's feeling.

After our lunch, I saw Claudia entering our building. I texted her awhile ago if we could talk and she insisted na siya na ang pupunta. Hindi lang talaga ako mapakali sa pag-aalala.

"Alam mo, Drei...I really want to help her. Gustong-gusto ko siyang gumaling at maipanalo ang laban niya. But if she's refraining herself from healing, wala akong magagawa roon," Claudia said.

"Wala na ba talaga tayong p'wedeng gawin?"

"If she won't help herself, then our help is useless, Drei. Gusto ko man siyang tutukan, I have more patients. Halos araw arawin ko na ang pagpunta sa opisina niyo. Siya lang ang makakatulong sa sarili niya," she added.

"I wanted so bad to help her..." I whispered.

I bit my lip and my eyes were stuck on my shoe.

"I know. Nakikita ko 'yon Andrei. Just be there for her, at least she would know that someone's willing to listen to her. 'Yun nalang ang magagawa mo...you can't force her if she doesn't want to. Let her endure the pain, but keep your eyes on her as much as possible..."

Wala sa sarili akong napatango. Gusto ko mang gumawa pa ng higit doon ay hindi ko maipipilit kung talagang hindi pa siya handa. It may make everything's worst if I did that.

"Bibisitahin ko muna siya saglit and I'll go back to the hospital," Claudia stood up and got her purse. Iyon din naman ang ginawa ko.

"Thank you, Claui. Thank you," aniko.

Tumango lamang siya at tipid na ngumiti.

After a long day facing papers, I decided to go to the rooftop with unknown reason. Masyado ata akong na-stress sa mga paperworks. Nahawa na rin siguro sa kay Michelle. The rooftop suddenly brings me comfort. Maybe because It's the place where I saw her in her most vulnerable times.

Nakalagay ang aking kamay sa magkabilang bulsa. Sinalubong ako ng malamig na hangin. Niluwagan ko ang aking necktie at kinuha ang vape mula sa aking bulsa t'yaka ito inilagay sa bibig. The air is calming. Idagdag pa ang sensasyong dala ng vape.

Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid hanggang sa matagpuan ang upuang madalas niyang inuupuan. Lumapit ako roon at umupo.

Ito ang lugar kung saan siya nagpapakatotoo sa kaniyang sarili. Ang lugar na hindi niya kailangang magtago. Maybe because of that I admire this place more. It helps her in some way to release her pain. Iyong mga tinatago niya sa mga tao.

This place witnessed her truth.

Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng hikbi sa kung saan. Tumayo ako at hinanap sa kung saan iyon nanggagaling. Halos makarating ako sa kabilang parte ng rooftop.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makumpirma kung sino iyon. Bigla na lamang akong napatakbo nang makita siyang nakatayo mula sa barandilya. Humihikbi at hawak-hawak ang dibdib.

Ni hindi ko na naisip na maging marahan. Buong lakas kong hinatak ang kaniyang braso. My heart was beating fast and cold sweat build up on my forehead as I hugged her tight.

The Monster Inside HerWhere stories live. Discover now