DULO

6 1 0
                                    

Minsan akala mo
para na sa atin
akala mo
eto na yun

pero di pa pala
ito lang pala ang simula
simula ng pagbitaw at paglaya

kasama na ang pangako at alaala
ngunit di naman natin mapipilit
hahayaan nalang nating mapansin

na nauubos na ang lahat
luha at mga salita
siguro hanggang dito nalang
di talaga sapat

ito na ang hinihintay
pagwawakas ng ating paglalakbay
lahat naman ay ating ibinigay
pero baliwala na ang lahat
paalam

kailangan na natin itong harapin
hindi talaga ito para sa atin
mahirap tanggapin pero
hanggang dito nalang talga tayo

mahirap wag na tayong kumapit
mahirap ipilit ang di para sa atin
iintayin nalang nating maramdaman
nawala na at dito nalang tayo
hanggang dulo

tama na wala ng sumbatan
at paalam
haharapin na natin ang
bagong umaga

ito na ang dulo
paalam, sa ating
dalawa

1000 TULA PARA SA ATINWhere stories live. Discover now