Ako na ang iyong kaibigan noong nagsisimula ka pa lamang.
Tagapag-ingat ng iyong yaman.
Tagapag-ingat ng iyong mga liham.
Tagapag-ingat ng iyong mga bayarin
Tagapag-ingat ng iyong mga lihim.
Tagapag-ingat ng larawan ng iyong nililigawan.
Tagapag-ingat ng listahan ng iyong mga utang.
Tagapag-ingat ng mga bisyong iyong kina-aadikan.
Tagapag-ingat ng larawan ng pamilya na iyong sandigan.
YOU ARE READING
Kalupi: Beyond and Within
PoetryAng kahalagahan ng isang bagay ay hindi madalas makita ng lahat ng tao lalo na kung ito ay ang mga bagay na walang buhay subalit paano kung ang isa sa mga pinakamahalagang materyal na bagay sa mundo na madalas mong gamitin ay nagsabi ng kanyang mga...
