Chapter 35 - Evasive

Start from the beginning
                                    

"Kinakabahan ako, Pret. Feeling ko talaga masyadong daring 'yong solo dance ko para kay Gab."

"Ano ka ba, Ate! That's tamed pa nga kasi may consideration pa akong ginawa na may audience." Pretzhel smiled, glad of the changed of topic. "Tell you what, I'll teach you a different step, a real lap dance you can do on the first night of you being husband and wife. You will be twirling, pumping, grinding, dropping that gorgeous body, moves that will surely make my brother lose his mind. I'm sure he won't let you leave your matrimonial bed." Pretzhel laughed heartily. 

Riah blushed but joined in her laughter. 

And then Pretzhel's brain played a wicked trick on her - a memory of a real daring, borderline dirty, lap dance played on her mind. 

And fate decided to be cruel with her when the man she'd been avoiding for several weeks appeared in the middle of the cemented pathway. Sa pagkakatayo pa lang nito doon ay halatang hindi aalis kaya napilitan ang driver ng cart na huminto. 

"Kararating mo lang, Cliff? Nasa restaurant sila. Then they will be swimming daw, then sa evening naman heading sa bar for a boys night out," ani Riah. 

Tumango ito pero nanatili ang tingin sa kanya. "Siguro naman ay hindi ka na masyadong busy ngayon, sweetheart. Kasal na nina Riah bukas kaya tiyak tapos na ang lahat ng preparation na idinadahilan mo sa akin sa tuwing natawag ako o napunta ako sa bakeshop at sa bahay ninyo." 

Alam niyang lahat ng kaanak, maging ang magulang, ay nagtataka sa biglang pag-iwas niya kay Clifford. At sa tuwing may nagtatanong ay sinasagot niyang busy siya sa wedding preparations para sa kasal ng kuya niya kay Riah. 

Kung meron mang natutuwa sa balita na hindi na siya sumasamang lumabas kay Clifford ay ang kuya niya. Pero alam din nito na weekly ay napunta sa kanila ang binata, may dalang regalo at bulaklak. Kaya kahit sinasabi niyang hindi sila nalabas dahil busy siya ay pinaalalahanan pa rin siya ng kapatid na dumistansya kay Clifford. 

"Busy pa rin ako, Clifford. May importanteng gagawin kami ni Ate Riah. Nakakaabala ka. Kaya kung pwede lang, tumabi ka na."

"Hindi pwede. Hindi ako tatabi hangga't hindi tayo nag-uusap," seryosong salita nito. 

Tumikhim si Riah. Bumulong sa kanya, "I can recognize the look. Ganyan si Gab kapag may gustong hindi pwedeng hindi masunod. Why don't you talk it out?"

"Hindi pwede ngayon, Clifford. We have last minute preparation pa."

Timiim ang bagang ni Clifford. "Kung hindi pwede ngayon, anong oras tayo pwedeng mag-usap?" 

Pretzhel shrugged her shoulders. "Later. Maybe tonight. Basta hindi pwede ngayon."

Matagal na tumitig sa kanya si Clifford. At nang akala ni Pretzhel ay hindi ito kikibo ay muling nagsalita. "Okay. I'll see you later tonight, sweetheart."

Pagkasabi niyon ay umalis na sa gitna ng pathway si Clifford. At napahugot ng hininga si Pretzhel nang marinig ang sinabi ni Clifford nang tumapat ang golf cart dito.

"I'll make sure we will be together again, sweetheart."

*******************************

"Bye!" Kumaway pa Pretzhel sa mga kasama sa eight-seater golf cart na naghatid sa kanya sa Casita. 

"Bye girl friend! See yah tomorrow!" ani Billie. Kasama pa nito roon sina Yasmien at Eunice. Ang tatlo ang huling ihahatid ng golf cart dahil sa kasunod na Casita na tinutuluyan niya ang inookupa ng tatlo, kasama ang iba pang bridesmaid ni Riah.

Pretzhel enjoyed the day despite the earlier encounter with Clifford. Dancing really helps her loosen up. Halos naubos nila ang buong umaga, hanggang alas dos ng hapon, para ma-perfect ang dance routine nila bukas. Pretzhel initially wanted to have a last minute meeting with the Wedding Coordinator after their dance practice but Riah said she got it covered. Gusto raw nito na mag-enjoy naman siya. Kaya pagkatapos ng practice ay itinaboy na siya ni Riah, kasama ang ibang bridesmaid. Wala naman na daw silang gagawin kaya mag relax na muna at i-enjoy ang resort dahil bukas ay busy na naman sila. 

With her new found friends in tow, they took a trip around the resort. And Pretzhel was left in awe with the scenery and most of all, the world class amenities! Sabagay, with the price tag of this resort, hindi na niya dapat pagtakhan iyon. Alam naman niyang may daungan ng yate at airstrip para sa private plane ang resort, dahil iyon ang hinanap ni Riah para maka-attend ang Lola nito, pero ibang bagay pa rin ang alam niya lang, kaysa sa nakita niya nang personal ang mga world class amenities na available sa resort. The Casitas. The Restaurant. The Beach. Everything in this place screams beauty! And hefty sums of money.  

This resort is really a wealthy man's playground. 

But the price of staying in this resort is well compensated by the hospitality, top-notched service, as well as the breathtaking scenery. 

Nang masiyahan sa pag-iikot sa resort ay sa dagat naman sila naglunoy. They spend a few hours frolicking in the fine white sand and pristine, crystal clear waters. Then they treated themselves with a body massage. And their last stop was at the restaurant where they had dinner together. 

And now, Prethzel felt so energized and excited for tomorrow's event. 

Bukod sa masaya siya para kina Riah at sa Kuya Gab niya, masaya rin siya na makatagpo ng mga bagong kaibigan. She's glad that the camaraderie they had in their group chat was carried over when they had dance practice together. Walang ilang. Puro lang tawanan. 

"Have a good night's sleep!" sabi ni Yasmien na kumaway din sa kanya. 

"You, too, girl friends! See you tomorrow!" kaway niya bago umakyat sa ilang baitang ng Casita. Pero ang ngiti sa labi niya ay nabura nang makita kung sino ang kausap ng ama. 

"O, ayan na pala si Pretzhel," anang ama niya na tumayo sa pagkakaupo sa bangkong katapat ng inuupuan ni Clifford. "Papasok na ako at kayo na ang bahalang mag-usap."

"Salamat, Papa Ron," tugon ni Clifford na tumayo kaagad sa pagkakaupo at sinalubong siya. 

Ang ama naman niya ay tumango lang saka pumasok sa Casita. Bukod sa ama ay ang Mama niya, siya at ang Kuya Gab niya ang umuokupa roon. Wala pa lang tiyak doon ang Kuya Gab niya at nasa boys night out pa, kasama ang mga mistah, kaibigan at ilang pinsan nila.  

"Kumain ka na ba? Dinner muna tayo, sweetheart."

"Tapos na ako. I'm planning on sleeping early. Marami pa rin kaming gagawin bukas," tanggi ni Pretzhel. Sinubukan niyang lampasan ni Clifford pero hinawakan siya nito sa braso. 

And Pretzhel felt as if a live wire touched her. 

"Please, sweetheart," bakas ang desperasyon sa boses nito. "Ilang linggo na tayong ganito. Hinayaan kita noon kasi sabi mo busy ka sa kasal ni Gab. Ayos na ang lahat ngayon. Nariyan na si Riah at sa nalaman ko kanina ay siya na ang direktang kausap ng wedding coordinator nila. Wala nang dahilan para ipagpaliban pa natin ito. At hindi ko na rin kaya, Pretty. Talk to me, please."

Bumuntong-hininga siya. "Can we not do it tonight? Tomorrow night perhaps? Or the other day na lang. Tiyak na pagod pa rin ako bukas."   

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Clifford. "Sabi mo sa akin kanina ngayon tayo mag-uusap."

"Pagod ako ngayon. Kita mo naman, kababalik ko lang galing sa labas."

Inabot nito ang kamay niya. Ikinulong sa palad nito saka dinala sa mga labi. Mataman itong nakatitig sa mga mata niya saka nagsalita. "I love you. I really do, sweetheart. Please, believe me." 

Kinagat ni Pretzhel ang labi. Ilang beses siyang huminga nang malalim saka nagsalita, "Hindi ko pinagdududahang mahal mo ako, Clifford. Naniniwala ako doon. Kung may pinagdududahan man ako ay ang intensyon sa likod ng pagmamahal na iyon."

Bumagsak ang magkabilang balikat nito. "Then just tell me what I need to say. What do I need to do to prove to you that I need you because I am so desperately in love with you. I'll do it, sweetheart. I'll do anything you tell me," Clifford asked, helpless.

Pumikit nang mariin si Pretzhel. She can't stand to see the helplessness in Clifford's face. Nadudurog din ang puso niya. Ang totoo at gusto niya itong abutin at yakapin. Pero hindi maaari.

Nang magmulat siya ng mga mata ay iniiwas niya ang paningin sa binata. Hinigit niya ang kamay saka tumalikod. 

"That's the problem, Clifford. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat mong sabihin at gawin para maniwala ako," pabulong na sagot ni Pretzhel saka pumasok sa Casita.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now