Fifty Six: Unusual Suitor

Start from the beginning
                                    

"W-wag na busog pa naman ako eh, p-pwede bang p-patawag nalang ako? hindi na kasi ako makapaghintay tawagan sila Nanay eh, naiwan ko kasi yung cellphone ko hehe" napakamot nalang ako ng batok dahil sa hiya, dios ko na-e-excite na talaga akong matawagan uli sila.

"Sure no problem..." agad naman nyang inabot yung cellphone nito sakin at halos manginig ang kamay ko ng hawakan ko to dahil first time ko makahawak ng ganito kamahal na phone, dios ko mukhang mahal pa ata to sa buhay ko.

"Balik mo nalang bukas, gusto ko na talagang umuwi ╥﹏╥ para makapagpahinga, napagod ako sa presensya ng hayup na Shin na yun eh, so see you tommorow bukas nalang, keep safe and thanks again mwa" tatanggi pa sana ako kaya lang nagmamadali itong kumaway at tumakbo palayo sakin kaya wala nakong nagawa at inopen na'to para matawagan sila Nanay, naku pag nawala koto baka ako isangla pangbili ng kapalit nito naku po...
 

*Phone Rings....
 

{Magandang araw po sino ho sila?}


"Nay si Vinsoy po ito, nakitawag lang po ako sa kaibigan ko"


{Ay nako anak kanina ko pa inaantay ang tawag mo, katatapos lang ba ng klase mo?}

"Opo, kalalabas ko lang din po, sya nga po pala yung pera po ba nakuha nyo na?"


{Eh, anak matanong nga kita?...}


Nagulat naman ako sa pagbabago ng boses ni Nanay sa kabilang linya ng telepono dahil yan ang gamit nyang boses pag may magawa man akong kasalanan na nabalitaan na nya.

"A-ano po yun?" dyos ko, sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginawang kabulastugan dito, saka kung meron man, pano nalaman ni Nanay eh ang layo-layo na ng Pangasinan dito?

{G-ganito ba talaga kalaki ang napanalunan mong pera anak? anlaki naman masyado nito!}


Dyos ko, yun lang pala akala ko pa naman kung ano na...

"Ahh opo Nay, saka nakapagtabi narin po ako ng perang gagamitin ko sa paglipat ko ng paupahang bahay, nakwento ko naman na po sainyo ang layo ng school dito kaya balak ko po lumipat, idagdag nyo nalang po yang naipadala kong pera sa mga gastusin nyo dyan sa bahay "

Hindi biro ang limang libong napanalunan ko sa chess competition nung nakaraang araw, sobrang laking tulong na nun sakin at sa pamilya ko kaya nga laking pasalamat ko sa itaas dahil naipanalo ko yung laro at first place pa.


{Kalahating MILYON anak? Ganun kalaki?!}


Muntik-muntikan ko ng nabitawan ang cellphone ni Terence dahil sa gulat sa sinabi ni Nanay

"K-kalahating MILYON po as in 500 thousand po?!"

Napalunok pako ng sarili kong laway dahil sa pagkaka-alam ko, tatlong libo lang yung pinadala ko at KALAHATING MILYON!!??? san naman ako kukuha ng ganun kalaking pera para ipadala aber!?
 

{E-eto nga't bit-bit ko ireng plastic na sandamak-mak ng pera, nakipagtalo pako kanina dun sa may babae dahil hindi ako naniniwalang may ganito kang kalaking pera, pero pinagpipilitan nyang sakin daw to ipinadala, tapatin mo nga ako Vinsoy saan mo nakuha ireng kwarta?(*pera)}


"N-nay t-tatlong libo lang po talaga yung pinadala ko-" kinakabahan narin ako sa kinatatayuan ko dahil hindi biro ang KALAHATING MILYON na yun, naguumpisa narin akong mag-alala para kila Nanay dahil baka mapagbintangan pa sila ng kung ano.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now