Pagkatapos ko kumain, dumiretso na 'ko uli sa banyo para maligo at magayos bago bumaba at tanungin si Drake kung nasaan ba ang phone ko.

'Di pa tin ako makapaniwala na may girlfriend na si Drake. He don't do girlfriends kasi kaya nabigla kami ni Audrey kagabi. Sa kanilang magbabarkada, 'di uso ang girlfriends, busy rin kasi sila sa tournament, competitions at gig.

Since they're now an incoming college students, ginamit nila ang summer para gawin na lahat ng gusto nila gawin bago pa sumikip ang schedule nila dahil sa pag-aaral.

Pagkatapos ko mag ayos, dumiretso na 'ko sa kwarto ni Kuya Drake para itanong kung tinago ba niya ang phone ko o naiwan namin kila Fourth. Baka kasi nag aalala na rin ang nanay ko dahil wala pa rin akong update na binibigay sa kanya.

"Drake?" Tanong ko dito habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. "Yung phone ko, tinago mo ba?" dagdag na tanong ko.

Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa tawa niya.

Ano ba ang nakakatawa?

Hinahanap ko lang naman 'yung phone ko, 'di ba?

"Why are you laughing?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"You don't remember anything?" Natatawang tanong niya, "Nothing talaga? Okay," hindi pa rin ito tumitigil sa kakatawa.

"Ano ba, Drake?! Nasaan nga kasi phone ko?!" I exclaimed out of frustration.

"It's not with me nga! You left it ata kila, Fourth," natatawa pa rin niyang sabi habang inaayos ang pinaghigaan niya.

"Anong it's not with you? You brought me home last night, Drake!" I exploded out of frustration.

"Ba't mo 'ko sinisigawan? Tone down your voice, Anastasia," aniya.

"Nasaan nga kasi? Baka nag aalala na si Mommy, ilabas mo na," mahinahon kong sabi.

"It's not with me nga, and alam ni Tita na inuwi kita kagabi dahil lasing na lasing ka na naman. She called  me last night, you're not picking up your phone raw."

"Duh? I passed out, paano ko sasagutin tawag niya, sige nga? You should've explained things for me, Kuya!"

"Mukha bang hindi? Syempre pinaliwanag ko kung ano ang nangyayari, init agad ng ulo mo, e."

This is so frustrating.

Hindi dahil baka nag aalala na ang nanay ko, kung 'di dahil baka kung ano pa ang makita nila sa phone ko kung titignan man nila kung kanino 'yon!

Wala naman akong tinatago pero kinakabahan pa rin ako. Ayaw kong may ibang humahawak sa phone ko, pakiramdam ko kakalikutin nila 'to.

Hindi naman siguro gano'n si Fourth, 'di ba?

"Paano pumunta sa bahay ng kaibigan mo?" Umirap ako at umupo sa dulo ng kama niya.

"Hatid nalang kita," sabi ni Drake. "Ay, 'di mo nga pala ako Kuya, so ba't kita ihahatid?" nakangising sabi nito.

Nagtataka ko siyang tinignan at napatakip na lang ako bigla sa bibig ko nang maalala ko ang sinabi ko sa kanya kagabi.

'Look for Audrey, siya ang ihatid mo. I'm not your sister, Drake.'

"I-I'm sorry, gago! Lasing lang ako," hiyang-hiya kong sabi sa kanya at napamasahe sa sentido ko.

"Ikaw na nga nag-s-sorry, minumura mo pa 'ko? Tss, Anastasia." Umiling ito.

"Sorry, Kuya." Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan.

"I'll take a bath lang then let's go, baka umiyak ka pa d'yan," paalam nito bago pumasok sa banyo.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now