Tinitigan ko sya. Mahimbing ang tulog nya pero kita sa mukha nya ang hindi magandang nararamdaman nya. 


Hinawakan ko ang noo nya. Ang init! 


Bigla syang gumalaw. Inalis ko agad ang kamay ko mula sa noo nya. Tatayo sana ko kaso na-out of balance pa ko at napaupo sa sahig! 


Tumagilid ng higa paharap sakin si Micki. Kinabahan ako. Makikita na nya ko eh! Pero.. di naman sya nagising. Nagpatuloy lang sya sa pagtulog. 


WEW.. Nakahinga ako nang maluwag dun. Natawa rin ako nang mahina. Para kasi akong tanga dito. 


Muli kong tinitigan ang mukha ni Micki. 


Sa pagtitig ko sakanya, parang nanlalambot ang puso ko.. Parang gusto ko na syang patawarin.. Pero.. tsk.. Sila na ng Lou na yun.. At niloko nya ko dahil lang sa tarantadong yun.. 


Tinakpan ko ang mga mata ko. Pero ang mga kamay ko, nauwi sa pagsabunot sa buhok ko. Yung galit, yung lungkot at yung sakit na naramdaman ko nung araw na nahuli ko sila ni Lou na naghahalikan, naramdaman ko na naman ngayon. 


Tsk.. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari nun? Paanong nagawa sakin ni Micki ang bagay na yun? 


"Mm.." biglang umungol si Micki. 


Agad akong lumapit sakanya at hinawakan ulit ang noo nya. Mainit pa rin sya. Tsk.


Uminom na ba sya ng gamot? May gamot nga ba dito? Tangna. Malagyan na nga lang basang towel tong noo nya! 


"Mm.." ungol nya ulit. Ibinaba ko naman ang kamay ko sa pisngi nya. Tapos.. hinalikan ko ang noo nya.. nang mariin at matagal.. 


Di ko alam.. bigla ko na lang toh nagawa.. 


"Saglit lang ah, Micks.." bulong ko pa sakanya habang hinahaplos ang ulo nya. Tsaka ko tumayo para bumaba at kumuha ng basang towel. 


At saktong pagbukas ko ng pinto, nagkagulatan kami ni Haji! Papasok sya nitong kwarto! 


"Oh Kiel? Ba't ka nandito?" pagtataka nya. 


"Ah.." ISIP KA NG EXCUSE, EZEKIEL! DALI, ISIP! "Ch-Charger." 


"Charger?" 


"Charger? Ah, yung charger ni Andrea. Hinahanap ko." tinuro ko yung kaliwang kama na puro gamit ni Andrea. "Makikihiram sana ko.. Lobat cellphone ko eh.." 


"Ganun ba.." tuluyan na syang pumasok nitong kwarto habang ako, nanatili dito sa may pintuan. Sinusundan ko sya ng tingin. Sa porma nya, parang nagmadali syang magpatuyo at pumunta dito. 


"Ikaw, ba't ka nandito?" tanong ko rin sakanya. 


"Para icheck tong si Micki." lumuhod sya kung saan ako lumuhod kanina. Hinawakan nya rin ang noo ni Micki. "May lagnat daw sya eh, sabi nina Andrea." 


Para namang nangati at nanggigil ang mga kamay ko. Parang gusto ko sya hatakin paalis sa tabi ni Micki. Ah potek! Kontrolin mo yan, Kiel! 


"Tsk. Kasalanan ko toh eh." tumayo na sya at lumingon sakin. "Kung di ko sya siguro pinilit na magswimming kanina, di sya magkakasakit ngayon." 


OO NGA. KASALANAN MO YAN. ALAM MO NA NGANG SINISIPON SYA, BINATO MO PA RIN SYA SA DAGAT. 


"Kiel, pagbalik mo kina Andrea, pakisabi di na ko babalik ah? Babantayan ko na lang dito si Micki." 


Bigla ko syang binigyan nang matalim ng tingin. Pero di ko yun pinatagal. Yumuko ako agad para di mapansin ni Haji ang tingin kong yun. 


Mali nga kasi toh eh. Maling magalit ako sa ginagawa ni Haji kay Micki. May karapatan na syang gawin toh, na alagaan si Micki. At ako, wala na kong karapatang magalit o magselos sakanila. 


"Sige." yun na lang ang naisagot ko bago ko tumalikod. At kahit labag sa loob ko, lumabas na ko kwarto at iniwan si Micki kay Haji. 




[MICKI's PoV] 


Tahimik.. Sobrang tahimik.. 


Yung panaginip ko na paghawak at paghalik sakin ni Kiel, wala na.. di ko na sya maramdaman kanina pa.. 


Wala na nga yun pero dahil dun, ramdam kong umayos na ang pakiramdam ko habang natutulog ako.. Parang yun pa nga ang nagpagaling sakin kaysa dun sa gamot na ininom ko.. 


Dahan-dahan, napadilat ako. Agad kong napansin na may.. may lalaking nakatalikod at nakaupo sa sahig dito sa gilid ng kama ko! 


S-Si Kiel ba toh?! 


Bigla akong napaupo. May nalaglag na towel mula sa noo ko pero hindi ko yun pinansin. Kinakabahan ako na naeexcite eh. 


Kaso pagkalingon nitong lalaki.. di pala sya si Kiel. 


Si Haji pala toh.. 


"H-Haji.." 


Nginitian nya ko. "Oh? Kamusta na pakiramdam mo?" 


Ay. Oo nga pala. Masama nga pala ang pakiramdam ko kanina. Chineck ko ang sarili ko pero maayos naman na ang pakiramdam ko. Di na umiikot ang paligid ko, di na ganun kabigat ang ulo ko at di na rin mainit ang katawan ko. 


"O-Okay na ko." sabi ko kay Haji. 


Tumayo sya at lumapit sakin. Hinawakan nya ang noo ko. "Oo nga noh.. Buti naman." 


Napansin ko yung bintana. Madilim na sa labas! 


"Haji, anong oras na?" tanong ko. 


Tumingin sya sa cellphone nya. "Ten minutes to seven." 


Naku.. Gabi na pala. 


Tinignan ko si Haji. Nakangiti pa rin sya sakin. Tapos naalala ko bigla yung panaginip ko.


Malinaw ang naramdaman ko sa panaginip kong yun na si KIEL ang humawak at humalik sakin. Kaso, si Haji tong kasama ko eh. Hindi kaya... 


"Uhm, Haji.." 


"Mm?" 


"Kanina ka pa ba nandito?" 


"Oo. Bakit?" 


Kinabahan ako. Kanina pa raw sya nandito. Hindi nga kaya sya ang humawak at humalik sakin at hindi si Kiel? Pero.. hinde! Magkaibigan lang kami kaya napakaimposible nun! Di yun gagawin ni Haji! Kaya malamang, PANAGINIP lang talaga ang naramdaman kong yun. 


"Wala lang.." nginitian ko si Haji. "Binantayan mo yata ko dito.. Salamat ah.." 


"Okay lang. Kasalanan ko naman kung bakit nagkalagnat ka." kinuha nya ang nahulog kong towel at tumayo na sya palayo sakin. "Tara dinner na tayo. Kaya mo bang tumayo?" 


"Oo naman noh." natatawa akong tumayo at sabay kaming lumabas ng kwarto. 


Naghilamos muna ko sa CR dito sa taas. Hinintay naman ako ni Haji at sabay ulit kaming pumunta sa dining. Nakahanda na ang hapunan sa mesa pero tamang papwesto palang ng upo roon ang buong barkada. 


Sina Candy at Andrea, tumakbo muna sakin at niyakap ako. Ang kulit nila! Kung makareact, parang ang tagal na naming di nagkita! Pero nakakatuwa. Masaya raw sila eh kasi magaling na ko. 


Syempre, napansin ko si Kiel. Nakaupo na sya sa pwesto nya kausap sina Luke at Kristine. 


Napangisi ako. Nagsakit na ko't lahat, wala pa rin syang pakialam sakin. Pero ayos lang.. Makakasanayan ko rin toh.. =/ 


Habang kumakain kami, napag-usapan namin ang tungkol sa inuman dapat namin ngayong gabi. Naisip pala nila na dito na lang sila mag-iinuman at di na sa resto bar nina Kristine para raw di nila ko maiwan. Sweet talaga nila. 


Pero dahil magaling na ko, pinilit ko sila na ibalik ang original plan namin. And YES! Nagpapilit naman sila! 


So after dinner, tuloy ang plano namin-- kasama ako, pupunta ang buong barkada sa bar nina Kristine at magpaparty-party kami! 




oxoxox TBC~ 

sarreh hanglabo! XD at dame pa arte. HAHA. wait lang.. XD 

salamat sa nagread~ ;3

That BreakupWhere stories live. Discover now