"Puta pre.." reaction pa ni Krys na marahil ay hindi din makapaniwala sa pinagsasabi ng impaktong karera na ito.

"Tsk! Kanina pa kasi kayong seryoso. .hindi lang ako sanay.. hihi. . nagkamot pa siya sa ulo bago ulit ako balingan ng tingin. ..We miss you First. .lalong lalo na ang isa diyan na muntik nang malunod sa alak dahil sa lungkot. ." baling nito kay Clover na nagpatay-malisya lang sa sinabi niya.

"I miss you too First. ." malambing namang sambit ni Tork.. "..can I come to you now?, please.." pakiusap pa niya na nagpatikhim sa kung sinong impakto..

Lalapit na sana siya sa akin ngunit naputol lang iyon ng may biglang malakas na kumatok sa pintuan mula sa labas ng unit ko. Ilang segundo pa kaming natahimik ng muli na naman itong kumalabog mula sa labas dahil sa lakas ng pagkatok ng kung sinong andoon.

"No. .a-ako na." sambit ko kay Craige ng magbalak siyang puntahan ang pintuan.

Napahugot pa ako ng hininga bago ako maglakad papunta sa pintuan. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa paraan ng pagkatok ng taong iyon.

Sinilip ko muna mula sa maliit na butas ng pintuan ko kung sino iyon ngunit natigil na lang ang paghinga ko ng makita ko si Mama sa labas.

"What is she doin' here?" pabulong kong sambit habang napapaatras na mula sa pintuan.

"Who's that?" rinig ko pang tanong ni Clover kaya nanlalaki ang mata kong lumingon sa kanila. Hindi sila pweding makita ni Mama dito baka kung ano pa ang gawin niya sa kanila.

"Y-you need to hide. . Please h-hurry." nanginginig kong sambit sa kanila na pinagtakhan naman nilang ikinatingin sa akin tsaka sila bumaling sa pintuan.

"W-why? What's goin' on First?" si Craige  naman ang nag-usisa at binalak pang puntahan ang pintuan pero mabilis kong hinawakan ang braso niya kaya napatigil siya sa paghakbang.

"Please. .sundin niyo na lang ako. .hide! Pumasok kayo sa kwarto ko. . m-may secret room doon. . doon muna kayo. .wag kayong lumabas kahit anong mangyari. . Please." pakiusap ko na alam kong hindi pa rin nila lubos na naunawaan.

Hinatak ko na si Craige papunta sa kwarto ko. Nakikiusap ko ding binalingan ang iba na kahit nagtataka ay sinunod na lang nila ang pinapagawa ko sa kanila.

Nanginginig kong binuksan ang secret room ko. Ramdam ko ang pagtataka nila ng makita na ang loob nito ngunit wala na akong oras para intindihin pa iyon.

"Ano bang nangyayari First? Bakit ka ba natatakot ng ganyan huh?" tanong na naman ni Clover sa akin habang hawak na niya ang mga balikat ko. Pansin kong nag-iba ang emosyon niya ng maramdaman niya siguro ang panginginig ko na ikinatingin ko sa kanya.

"I- -i'm fine Clover." napalunok pa ako bago tanggalin ang mga kamay niya sa balikat ko. "J-just stay here, .okay? H-huwag na huwag kayong lumabas hangga't hindi pa ako nakakabalik dito. . please. ." pakiusap ko pang muli sa kanila bago ko sinara ang pinto at mabilis na sanang bumalik sa labas ngunit hindi ko pa man napipihit ang pintuan ng kwarto ko ay kakaibang ngiti na ni Mama ang sumalubong sa akin.

"M-mommy." halos pabulong ko na lang na tawag sa kanya na ikinangisi niya sa akin.

"First.." ngiti niya bago ako binigyan ng yakap.

"Mom." sambit ko pa sa pangalan niya. Bumitaw naman siya ng yakap sa akin tsaka niya hinawakan ang magkabila kong braso. Ngumiti siya sa akin ngunit ramdam ko ang kakaibang kahulugan ng mga ngiting iyon.

Unti-unting humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na lalo lang nagpadagdag ng takot ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko bumabalik ako sa dati. Pakiramdam ko nag-iba ang paligid ko at dinala ako sa mansyon kung saan kami nakatira ni Mommy noon. Para akong nasa loob ng isang bangungot habang kaharap ko siya na nagiging dahilan upang kapusin ako ng hininga. Ganito ang epekto ni Mama sa akin. Takot na takot akong makasama siya. Takot na takot akong makaharap siya lalo pa't may ginawa akong masama sa kanya noon. Takot akong saktan niya ako. Bumabalik sa ala-ala ko ang bawat pahirap na pinaranas niya sa akin noon. Ang lahat ng trauma. Ang pagkukulong niya sa akin sa madilim na silid. At ang eksena kung saan nagawa niyang patayin si Yaya Sabel.

"Why are you afraid, hmm?" sambit pa niya habang pinupunasan na ng isang kamay niya ang di ko namalayang luha na tumulo na pala sa mga mata ko.

"Answer me!" singhal niya na kaagad na nag-iba ang emosyong pinapakita niya kani-kanina lang. Bigla niyang sinabunutan ang likurang buhok ko kaya napatingala akong titigan siya habang pinipigilan ko ang paglabas ng hikbi sa mga labi ko.

"M-mama.. I-i'm s-sorry po." nanginginig ang boses kong pabulong na sambit sa kanya.

"Sorry for what?! . .for killing me, huh?!" singhal na naman niya bago pa siya malakas na natawa.

"HAHAHHAHAHAHAHA!!" halakhak niya tsaka niya  ako galit na binalingan ng tingin. "Do you really think na mapapatay mo ako ng ganun-ganun lang First?! Hahahaha!"

"M-mama p-please patawarin niyo po ako. . I j-just wanted to live kaya ko iyon nagawa sa inyo." pakiusap ko pa sa kanya na malakas naman niyang ikinasampal sa mukha ko.

"Who told you, you had right to live?! galit niyang sambit at Inulit niya pa ang malakas niyang pagsampal sa kabila kong pisngi. Hinawi pa nito ang buhok ko bago sundan ang sinabi niya. "Ako ang magdidikta kung hanggang kailan ka na lang mabubuhay First., I own you.. I created you! hindi mo mararanasan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa akin, alam mo ba yun? I plan all of this. . simula ng kinuha kita mula sa tunay mong ina. .nakatanim na dito sa isip ko ang paghihirap na ipaparanas ko sayo. .naiintindihan mo ba?" malumanay niyang mahabang salaysay na parang isa lang akong bagay para sa kanya.

"Bakit niyo ba ito ginagawa sa akin Ma? B-akit ako? Tao rin ako mom, hindi ako bagay na walang nararamdaman." umiiyak kong tanong sa kanya.

Nag-iba na naman ang emosyon nito na animo'y ngayon ay naaawa ng nakatingin sa akin. Marahan pa nitong hinawakan ang pisngi ko bago siya nakangiting nagsalita.

"Dahil kamukhang-kamukha mo ang ama mo First. . ang lalakeng labis kong minahal noon. .ang lalakeng sumira sa buhay ko at ang lalakeng pumatay sa anak ko!" ramdam ko ang gigil sa sinabi niya. Napalitan na naman ang kaninang emosyon niya. "But don't worry. .this time, hindi lang ikaw ang sisingilin ko. ." makahulugan niyang sambit habang nakangisi sa akin. "Don't forget to attend on my birthday.. your friends will be there too."

Lumayo ito sa akin ng mga ilang hakbang. Nagpalinga-linga pa ito na parang may hinahanap siyang iba sa loob ng kwarto ko.

"Where are your friends? I know they're here. .bakit hindi mo sila ipakilala sa akin?" nakangiti niyang sambit na taliwas naman sa nakikita kong totoo niyang emosyon mula sa mga mata niya.

"I already told you First. . always obey what I want you to do pero ang tigas ng ulo mo!" mabagsik na naman itong tumingin sa akin at mariin pang sinambit ang huling kataga niya.

Nagbalak pa siyang puntahan ang kwarto kung saan naroroon ang mga kaibigan ko kaya mabilis akong humarang sa dadaanan niya.

"T-they're not here Mom." ilang beses pa akong umiling upang paniwalaan niya lang ako. Ngumisi naman siya sa akin at bahagya pang napailing. Lalapit na sana siya sa pinto ng bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kasabay ng pagpasok nina Blue, Ivory at Dew.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon