She tried to smile, "Pagod lang sa byahe."

Alam kong may mali, Audrey.

Hindi mo kailangan mag sinungaling sa'kin dahil basang-basa ko na 'yung mga mata mong 'yan. Nasasaktan ka at alam ko 'yun. Kaya kahit gaano pa kalalim ang mga mata mo, alam kong hindi ako malulunod jan, hindi mo ako mauuto kasi ako lang ang may kayang umintindi sa'yo.

Sinandal ko ang ulo niya sa'king balikat, "Pahinga ka muna," malambing na sabi ko.

"Here's your order, Ma'am! Drive safely po, Sir!" nakangiting sabi ng crew habang inaabot kay Audrey ang order namin.

Sa wakas, makakakain na rin ako at pwede nang matahimik ang tiyan ko.

At dahil inaabot na ng crew ang inorder namin sa bintana ni Audrey, umayos siya bigla ng upo para kunin ito.

Halos isang oras rin ang biyahe namin galing airport papunta sa bahay nila Tito Jake. Dito raw muna kasi ako tutuloy since next year pa makakauwi ang Mommy ko.

Anlaki ng bahay nila, nakakapanibago. Isang malaking itim na gate ang sumalubong sa'min. Grabe nga naman ang yaman ng mga Medina and their garden looks so nice, alagang-alaga.

Manghang-mangha ako dahil hindi naman ganito kalaki ang bahay namin sa America. Dalawa lang din naman kami ni Mommy ang nakatira doon, at ang bahay naman namin noon dito sa Pilipinas ay hindi ko na masyadong maalala dahil 5 years old pa lang ako, nag-migrate na kami ng family ko.

"Nako! Inabot na kayo ng madaling araw. Hindi parin nga umuuwi ang Daddy niyo, nasa operating room pa raw ito," nakangiti niya kaming sinalubong. "Ang tagal nating hindi nag kita, nako! Na-miss ko kayo!" Dagdag niya.

Niyakap namin ni Audrey si Nanay Marie saglit at pag tapos ay dumiretso na kami sa sala dahil binababa pa nila Kuya 'yong mga maleta namin ni Audrey.

Minimalist ang design ng bahay nila at pustahan tayo si Audrey ang pumili nito dahil puro kulay white, black, at konting maple color wood ang motif nila.

Paano nakayanan ni Tito tumira rito ng mag-isa at puro kasambahay lang ang kasama? Masyado itong malaki kung mag-isa ka lang naman. Pumasok na rin si Kuya at ang kaibigan niya sa bahay, dumiretso sila sa may kusina para uminom ng tubig, mukhang seryoso rin kasi ang pinaguusapan nila.

"Naabutan mo ba?" Tanong ni Kuya.

"Hindi, e, bigla na lang nawala."

"Iniiwasan ka nun, tol. Sa tangkad mong 'yan? It's impossible na 'di ka niya nakitang nag-hihintay doon." Umiling si Kuya.

He chuckled, "Binagsak pa 'ko ni Sir no'n dahil umalis ako sa kalagitnaan ng exam niya... mauuwi lang rin pala ang lahat sa ganito."

"Do better this time." Tinapik ni Kuya ang balikat noong kaibigan niya. "Umuwi siya, Kazuo. Siguro hindi na para sa'yo pero wala namang masama kung susubukan mo uli, e."

Hindi ko naman ginustong sumagap ng chika galing sa pinaguusapan nila. Malakas lang talaga ang boses nila at sila lang rin ang nag sasalita sa loob ng malaking bahay nila kaya rinig na rinig.

Kaya pala problemado si Kazuo kanina at parang may hinahanap...

Sayang.

Type ko na sana, e.

May iba atang gusto 'to, ayoko naman maging rebound. 'Di porque ayaw ko sa commitment, hahayaan ko nalang ang sarili ko mahulog sa taong may ibang gusto.

Mysterious.

Hmm, thrill.

"Celestine! Audrey! Halina't ihahatid ko kayo sa kwarto niyo. Alam ko namang pagod na kayo, nako," bungad ni Nanay Marie.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz