TFP|| The Female Devil

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinamaan ko ang lalaki na nasa harap ko gamit ang aking dagger. May sumunod agad sa kanya na hindi ko inaasahan kaya nadaplisan niya ako sa mukha. Nakipaglaban ako sa lalaki na yun pero ang lakas niya, parang wala lang ang poison ng dagger ko. Nakakailang daplis na rin ako. 

Nakikipaglaban pa rin ako sa lalaki. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. Tinamaan ko siya sa tagiliran niya pero wala pa rin. May kung anong matulis sa likod ko, patuloy niya ako sinaksak habang nakikipaglaban ako. Kanina ko pa trinatry na tumalikod pero bawat try ko, sinsuntok ako ng lalaki.

Hindi ko na kaya. Unti-unti akong nanghihina hanggang sa......


*blackout*

Sapphire's P.o.V

Pumasok na kami sa loob, sa pangunguna ko at ni Kian. Walang masyadong tao dito sa may likod kaya wala pa kaming linalabanan.

Pumasok kami sa isang kwarto pero walang nakabantay sa kwartong ito. Puno ito ng mga computer. At dahil sinasabi ng isip ko na kalkalin ito.....

"Lock the door" utos ko sa kanila. Lumapit ako sa computer na nasa gitna at kinalkal ito. 

Madaming folder ang bumungad sa akin. Pinangalanan nila ito sa mga names ng mga gangs all over the world kaya hindi ko ito pinakialaman pero isang pangalan ng folder ang kakaiba. Devils' Attack

Naramdaman ko na kailangan ko malaman ang nasa loob kaya clinick ko ito. Pero kung minamalas nga naman, kailangan pa ng password.

"Sapph, what's that?" -Kian

"Isang folder. Pero kakaiba eh" sagot ko naman

"Anong name ng folder Sapph?" -Patricia

"Devils' Attack" sabi ko

"Kakaiba. Anong laman?" -Micael

"Yun na nga eh, kailangan ng password. Hindi naman ako manghuhula para malaman yan" inis na sambit ko

"Password? Patry nga" sabi ni Troy.

Nagpalit kami ng pwesto. Trinatry niya ngayon ang mga posibleng password pero nakakailang minuto na rin at hindi pa rin niya nao-open ang folder.

Dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko ang mga yapak ng tao.

"Troy, bilisan mo!" sigaw ko. Lahat naman ay naalarma kaya nagbantay sila sa pintuan at si Troy naman, binilisan niya ang pagta-type

Rineady ko na ang katana ko kung sakaling makakapasok sila dito. Pinagpapawisan na kami, sa bawat yapak, lalo kaming kinakabahan

"Got it!" sabi ni Troy. Nakita ko na folders rin ang laman nito at puro gang names rin ang mga pangalan nito

Napatingin agad kami sa pintuan. Narinig namin ang pagturn ng pinto. 

"Troy, kopyahin mo lahat!" wika ni Patricia at may binato na USB kay Troy. Nasalo ni Troy ang USB at nagmamadaling kinopya ang lahat ng nasa folder

Napanganga kaming lahat dahil natumba ang pintuan. As in! 

"Should we start the Evil Game?" sabi ng babae na parang leader at ngumisi siya.

After hearing that devil's voice, natauhan agad ako. She's totally a devil. Dati pa siya nanggugulo sa amin. Simula noong lumipat kami sa Plewar University. 

"Tsk. Tsk. Ano nga naman ang binatbat ninyo sa amin? Kahit ipagsama niyo pa ang PGG at FDG" pagmamayabang niya

"E kung lumaban ka nalang imbis satsat ka ng satsat diyan sa tabi?" Inis na wika ni Shaun

Secrets of Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon