Hindi na din naman nagreklamo si Taeyong at nagsimula na din syang kumain after nilang makaalis. Nagugutom na din naman sya eh at wala pa syang kain since kagigising nya lang din dahil nga sa pagod. Sabi nga ng mga kaibigan nya, pwede naman syang humingi ng pera sa parents nya eh pero sabi ni Taeyong para yun sa kagustuhan nya mismo kaya gusto nyang paghirapan. Ayaw nya din naman mangutang since hindi talaga sya ganoon when it comes to his own luho.

Bigla namang may bumukas na pinto at mula doon ay lumabas si Jaehyun na nag-iistretching. Parang bagong gising lang din dahil magulo pa ang buhok nito.

"Asan sila?" Tanong nya.

Dahil sa gulat ay hindi agad nakapagsalita si Taeyong. Akala nya wala si Jaehyun dito dahil hindi nya nakita pagkatapos nyang magising.

"A-Ano, gumagala nanaman. As usual."

"Oo nga pala."

Jaehyun ruffles his hair saka dumiretcho din ng kitchen para tumingin ng pwedeng lutuin pero dumako kaagad ang mata nya sa kasalukuyang kinakain ni Taeyong.

Yun yung niluto ni Jaehyun kagabi lang na tinabi nya para sana kainin nya sana ngayon.

Kinakain na pala ni Taeyong.

Kaagad namang napansin ni Taeyong ang kakaibang tingin ni Jaehyun sa pagkain nya kaya walang hesitant na inalok nya ito.

"Kain ka din oh."

"Akin yan eh." He pouted saka binalik ang tingin kay Taeyong. "Niluto ko yan kagabi. Iinitin ko nalang sana kinakain mo na pala." He added saka umupo sa tabi ni Taeyong.

"Sorry hindi ko alam." Taeyong said at inilapit pa ang pagkain kay Jaehyun. Tatayo na sana sya para humanap ng ibang makakain pero hinila naman sya ni Jaehyun pabalik.

"Hindi ah. Okay lang. Upo ka lang jan, dagdagan natin."

"Nakakahiya wag na."

Jaehyun chuckled at ginulo ang buhok ni Taeyong. "Nahiya ka pa nyan? Parang wala tayong pinagsamahan ah."

"Loko." Natawa na din si Taeyong. "Eh syempre no hindi naman sakin yan eh. Si Ten kasi nagbigay sakin nyan."

"Okay lang naman eh. Teka kasi dagdagan pa natin. Hindi yan sapat." Jaehyun said saka sya tumayo at binuksan ang fridge nila para kumuha ng iba pang kakainin.

"Magluluto ka ba?"

"Mm. Anong gusto mong kainin? I'll cook for you."

"Yung gusto mo nalang din. Ikaw bahala. You need help?"

"Upo ka nalang jan. I know masakit ang katawan mo kaya relax ka lang."

Hindi na din nagsalita si Taeyong matapos non at pinanood nalang si Jaehyun magluto. He's waiting for him just like a child at paminsan minsan din syang tiningnan ni Jaehyun.

Alam din syempre ni Taeyong ang nangyari kay Jaehyun at Autumn. Talagang nakakagalit ang ginawa nya. He used Jaehyun para magpapansin kay Sungchan at hindi nya pala talaga ito gusto.

Tama yung sinabi ni Ten.

Hindi nya pala gusto si Jaehyun, eh anong point Nung argument nila sa beach? Clout chasing lang? Ganun ba?

Ang dami-dami nyang sinabi tapos ganun lang? Kalokohan lang pala ang lahat.

Matapos magluto ni Jaehyun, sya na din ang nag-ayos ng table nila. Nang makita iyon ni Taeyong, parang mas nadagdagan lang yung gutom nya. Hindi nya natuloy yung pagkuha nya ng pagkain kasi naunahan na sya ni Jaehyun na kumuha para mismo kay Taeyong.

"Thank you."

Habang kumakain sila, hindi na napigilan ni Taeyong ang sarili na tanungin si Jaehyun.

Bahala na eh. Okay lang naman kahit hindi nya sagutin. It's now or never.

"Kamusta ka Jae? Okay ka lang ba?"

Natigilan naman saglit sa pagkain si Jaehyun. Hindi nya lang ineexpect na magtatanong si Taeyong since akala nya wala na itong pakialam. Bihira nya kasi itong makita buong week at parang hindi naman sya bothered sa nangyari. Kumbaga lahat na ata ng tropa nya tinanong na sya, si Taeyong nalang yung hindi.

Eh bakit ba kasi nya hinahanap?

Tumango naman si Jaehyun. "Akala ko hindi ka na magtatanong eh."

"Ay, hinihintay mo ba?" Taeyong teased.

"Oo kaya. Tsk. Okay lang naman. Siguro kasi baka yun na din yung karma ko sa panggago sayo."

Muntik nang mabulunan si Taeyong sa naging sagot ni Jaehyun. Kasi naman eh, yung about sa kay Jaehyun at Autumn ang usapan eh. Bakit sya nadamay? Anong kinalaman nya dun?

"I was confused with my feelings. Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit ako pa yung nawalan ng gana satin eh ako nga yung walang masyadong time sayo. Then after our break up, Mingyu asked me na puntahan yung blind date nya since nagbalikan na sila nung jowa nya and there, Autumn and I met. We liked each other's company and decided to date na. But I noticed na nag-iba sya right after meeting Sungchan. Wala akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang nangyari. Niloko nya ako at ginamit."

Matapos ngang magbreak ni Taeyong at Jaehyun, ngayon lang ito sinabi ni Jaehyun sa kanya. Kahit anong isipin kasi ni Taeyong, hindi nya alam kung bakit nakipagbreak si Jaehyun sa kanya. He left him hanging at sinabi lang nyang nafall out of love sya, at hindi nya daw deserve si Jaehyun. Tama sya sa part na yun, pero still gusto nyang malaman ang dahilan.

"Maybe para sayo ang babaw ng reason ko. Pero sakin kasi Yong, sapat na reason na yun para bitawan ka. I'm fucked up, ako din mismo ang may dahilan kung bakit nangyari yun satin. Ngayon, kinarma ako dahil sa mga maling ginawa at desisyon ko sa buhay. Okay lang, lilipas din naman to. I deserve it."

"Jaehyun. Kahit ano pang dahilan nya, mali pa din naman na niloko ka nya at ginamit. Don't invalidate your own feelings. And, napatawad na din kita matagal na. Wala na naman akong magagawa doon eh."

"Ang mali ko talaga, pumayag ako sa blind date na yun kahit kakabreak lang natin. Masyado akong napapangunahan ng emotions ko. Honestly, hindi naman namin ganoon kagusto ang isa't isa. No, we don't like each other." Huminga ng malalim su Jaehyun saka tumingin kay Taeyong. "I wanted to apologize pa din sayo Yong. I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko. I know it's already late pero gusto ko pa ding sabihin yun sayo."

Silence engulfed the whole room but it's a comfortable silence. Parehong nakatingin lang sina Jaehyun at Taeyong sa isa't isa and later then, Taeyong nodded.

"Matagal na kitang pinatawad Jae."

Tipid na ngumiti si Jaehyun and Taeyong did the same saka nila tinuloy ang kinakain nila.

Since masakit nga ang katawan ni Taeyong kahit gusto nyang maghugas ng plato, hindi sya hinayaan ni Jaehyun na gawin iyon. Pinapahinga nya si Taeyong saglit at nagvolunteer na din si Jaehyun na bigyan ng massage si Taeyong.

Nahihiya pa nga si Taeyong eh, pero makulit din kasi si Jaehyun kaya pumayag na lang din sya.

After that, they played games together hanggang sa magsawa sila. It's been a while na din mula nung magbonding sila ng ganito. Di daw kasi normal sa mag-ex yun na nasa iisang circle of friends kaya ayun saka ayaw pati nyang inaasar sila ng tropa.

Hanggang sa makauwi ang mga tropa nila at nadatnan nilang lahat ang parehong natutulog sa couch si Jaehyun at Taeyong, nakacuddle pa nga.

Si Johnny ang unang nakakita dito kaya naggesture sya na manahimik silang lahat bago pumasok.

"Aba putangina." Mahinang mura ni Ten saka palihim na kinunan ng picture yung dalawa.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now