"Okay lang. Crushable sadya ni Taeyong." Sabi ni Ten. "Ang dami kayang may crush don bukod kasi sa ang gwapo din eh ang sipag pa."

"Yabang ni Atuy parang hindi din naging crush si Taeyong." Singit naman ni Doyoung.

"Hoy! Gawagawaan ka ah!" - Yuta.

"Narinig kita dun sa H.E room. Sabi mo pa nga, 'ang ganda pala talaga ni Taeyong. Ang sarap tuloy magcommit.' Tangina ang harot."

"Naks. Ungkatan ng past." - Taeil.

"Nagandahan lang eh! Napaka ano nito!"

"Naging crush nyo pala si Taeyong? Bakit hindi ko alam yan?" Sabi ni Jaehyun at parehong pinadaanan ng tingin ang dalawa. Seryoso lang syang nakatingin.

"Bakit ko sasabihin?" - Johnny.

"Same." - Yuta.

"Oo nga Jaehyun? Bakit nila sasabihin? Edi friendship is over?" Sabi ni Winwin.

"Oh, kung hindi pala sinabi ni Yuta hindi ko malalaman. Di naman ako magagalit ah." Sagot ni Jaehyun.

"Di mo sure. Bakit parang ang bitter mo bigla?" Pang-asar naman ni Ten sa kanya.

"Malamang galing break up." Sagot ni Hansol.

"Luh. Bakit ako malulungkot doon eh ginamit nga ako. Asa naman syang magpapaka-emo ako sa kanya." Depensa kaagad ni Jaehyun.

"Yuta talaga pasimuno ng gulo. Naungkat tuloy ang pareho nyong nililihim ni Youngho." Sabi ni Taeil.

"Clout chasing lang eh."

After nilang kumain, si Taeil na ang nagprisintang maglinis pero tinutulungan naman sya ni Winwin at Doyoung. Then, bumalik na din si Jungwoo at Lucas galing sa 3rd floor kasi doon sila nakisaya at masaya daw ang bonding doon. Parang others eh.

Pumunta sya sadya don para palakasin ang loob ni Mark kasi nga si Mark ang pambato nya para kay Donghyuck. Hindi nya alam na nagpalaya na yung isa.

"Hayop. Nauna pang magkalabel si Jaemin at Jeno kesa kay Xiaojun at Hendery. Taena." Sabi ni Jungwoo, tawang tawa pa.

"Totoo?" - Sabi ni Doyoung at bakas sa mukha nya ang saya.

"Oo nga. May plano na nga akong nabuo kung di pa sila magbabati ngayon eh."

"Ikaw talaga, hayaan mo na yung mga yun sa love life nila. Malalaki na yun ha." Doyoung said.

"Oo na. Hindi na nga. Dito nalang ako samin ni babe." Sagot ni Jungwoo sabay halik sa pisngi ni Lucas.

----

Mag-iisang linggo na noong magbreak na nga si Jaehyun at Autumn pero parang wala din namang nangyari dahil okay na okay naman si Jaehyun. Buti nalang din at hindi sila nagkatampuhan ni Sungchan dahil sa ginawa ni Autumn.

Katatapos lang ng exam nila kaya naman nagdecide ulit silang gumala. Gawain nila lagi after ng nakakaiyak na exam pero nagpaiwan si Taeyong sa dorm since masakit nga ang katawan nya dahil sa part time nito.

"Sayang naman. Hindi ka nanaman makakasama." Sumimangot si Ten. "Pero magpahinga ka ha. Ano? Gusto mo bang i-reheat ko muna yung foods dito bago kami umalis?"

Umiling si Taeyong. "Hindi na. Kaya ko naman gumalaw Ten okay lang. Alis na kayo."

"Sure ka ha? I don't mind naman eh."

"Ayos ah. Bumabawi sya sa pang-aasar nya." Sabi naman ni Doyoung at tinatawanan sya.

"Ewan ko sayo. Wag mokong kausapin kakaldagan kita eh." Inirapan sya ni Ten pero hindi nya sinunod yung sinabi ni Taeyong. Bago sila umalis, hinandaan nya muna ng makain ito.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz