100

28 4 10
                                    

EPILOGUE.

Looking at the Eiffel Tower makes me lonely. It was like the thing I used to dream before, vanished.

I saw huge pair of lovers here. Their eyes glimmers as they focus into each other's sight. Just like this pair of lovers beside me. The man said something that makes his woman giggle. I can't help but feel insecure of what they have.

Meron din ako niyan noon pero wala na ngayon. Sabi ng isip ko.

Parang kailan lang, puno ng pagmamahal ang puso ko. Pero sa tingin ko ngayon, nasa kalahati nalang ito. Who would've thought na mangyayari pala ulit ang nangyari sa akin noon.

Ang dami kong sana sa buhay ko.
Kung sana hindi ko nalang siya pinapasok muli sa buhay ko. Na sana, hindi ko nalang pinaniwalaan lahat ng pangako niya. Na sana sa pagkakataong ito, hindi ko maranasan muli ang umiyak at masaktan.

Sabi nila, mas stronger ka daw sa ikalawang pagkakataon na nalugmok ka. But I think, it doesn't suit me. Lalo lang kasi akong nanghihina at naiiyak sa tuwing naaalala ko lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Lahat ng pinagdaanan ko dahil sa pag-ibig na 'yan.

Sa pagkakataong ito, paninindigan ko na ang mantra ko noong una akong makaranas ng heartbreak, "I'll never ever let my heart fall in love again."

But things does not go according to plan when I saw him again. At first, I wasn't sure kung siya ba talaga ang nakita ko ngunit nang unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin, isa lang ang masasabi ko, marupok na naman ako. Walang panama ang mantra ko sa lakas ng kabog ng puso ko.

"Anong...anong ginagawa mo rito?"

Isang hakbang pa ulit ang ginawa niya bago nagsalita. "Sinusundo ka."

Napailing ako. "Paano mo nalamang nandito ako?" nalilitong tanong ko.

He plastered a small smile. "Your IG."

Nanlaki ang mga mata ko at unti-unting narealize ang katangahan na nagawa ko. E, anong magagawa ko? Broken ako, e. "Oo nga pala."

Tumikhim siya. "Maxine..."

Tumingin ako sa kanya. "Oh? Tapos nyo na ba akong paglaruan?" natawa ako ng pagak at tinalikuran siya.

Maingat niyang hinawakan ang palapulsuhan ko, afraid that he might cause me pain pero huli na. Nasaktan na nga ako, e.

"No...no Beth. I am not fond of playing games anymore."

Inirapan ko siya. "Ha ha. Seriously? Not fond of playing games? Talaga lang ha? Nakasakit ka na nga ng tao tapos sasabihin mo sa'kin 'yan ngayon?"

Napayuko siya at tinikom niya ang bibig saglit, it's like he's absorbing all the things I said.

"It was all Maxine's plan. The screenshots she sent was edited. Nangako ako sa'yo, Beth. Totoo ang lahat ng mga sinabi ko noon bago kita niligawan ulit and you know me, Beth. I'm true to my words. Even your family know that."

"Bakit? Paano?"

I just can't believe how selfish humans can be. All this time, I was crying for nothing? Naniwala ako sa edited photos na sinend sa akin? May mas tatanga pa ba sa'kin? Hindi ko man lang tinanong si Knoa kung totoo ba ang lahat ng iyon and instead, umalis ako. Tumakas ako. Tinakasan ko ang problema na wala naman palang kabuluhan.

"Really? Kuya Axil did that?"

"Yeah and I deserve it so don't worry. Mahina lang naman ang pagkasapak niya."

"And Kuya Ace? Ano naman ang ginawa niya?"

"He didn't do anything. Actually, he's the one who booked a flight for me to arrive here with you on time."

"Paalis na rin sana ako. Ang sakit kasi sa mata ng mga lovers diyan," natawa ako nang kaunti.

He chuckled. "Akala ko talaga hindi na kita makikita, Beth. Buti nalang at tinulungan ako ng parents mo pati na si Vanessa."

"Sinabi nga ni Mama sa akin kanina. Naaawa na raw sila sa'yo kasi hindi ka na raw umaalis sa labas ng bahay namin in hopes of getting a glance of my shadow. I never thought, magagawa mo 'yun."

"I'll do everything just to get you back, Beth. Always remember that. I love you, Beth," he said before claiming my lips.

Knoa and I stayed at Paris for one whole week and decided to go back to the Philippines for our best friend's wedding.

We visited different landmarks in Paris like the most famous monument, the Arc de Triomphe. We also got the chance to seize the moment and take some mind-blowing pictures from one museum to another. And of course, my love of crepe will never be forgotten.

Different creperies that has varieties of crepe flavors which made me drool. I just love the way how Knoa supported me in everything. He's super ready whenever I say that we'll go here and there. And he's also a good photographer. Alam na alam niya kasi kung anong magandang angle every time he took pictures of me.

I thought, I wouldn't be able to experience this. Akala ko, mananatili nalang siyang pangarap but I'm wrong because His plans is always better than mine. Hindi pa pala Siya tapos isulat ang chapter ng buhay ko. He sent me Knoa to fulfill that wild dream of mine.

"What's on your mind, love? Hmm..."

Natawa ako nang kaunti. "Okay na sana, e, pero nagmistula kang Facebook sa tanong mo."

Instead of laughing with me, hinapit niya ako sa bewang at unti-unting inilapit ang labi niya sa labi ko and in just a split moment, I found myself na tinutugunan ang mga matatamis niyang halik.

"I love you, my Bethany."

"I love you most, Knoa. In every blood that my heart pumps."
















***

note:

totoo pala ang sabi nila na hindi mo malalaman na kaya mo kung hindi mo susubukan. Tadaaaaa! Natapos ko na ang story nina Gail at Thadeus. Akala ko talaga hindi ko magagawang tapusin 'to pero ngayon, nandito na ako/kayo sa last part ng epistolary na 'to and I can't be more proud bcos I/we made this far.

Thank youuuu, peeps!

P.S. sorry na kaagad sa typos and errors.

P.P.S. wala akong maisip na pwedeng mag portray sa mga characters. You're free to imagine kung sino ang gusto niyong mag portray. Kanya kanya nalang 'to 😂 charot

P.P.P.S. might edit this part hehe (soon)

note: will possibly write special chapter once this epistolary reach its 500 reads.

note: will publish one special chapter this week or maybe on the weekends. :)

note: tell me your thoughts please via dm or comment.

Buts and Maybes (Epistolary)Where stories live. Discover now