''Yung coat ni---''sagot ko na pinutol ni Zoe.

''Ni Lexir, yung isa sa guy na tumulong samin nung friday'' ani nya.

''Ay si papable na nakita naming kasama mo sa banyo.'' sagot ni J.C

''Yes.'' simpleng sagot ko nang dumating si April ng kunot nakunot ang noo.

''Oh ang aga aga mo namang badtrip girl.'' sabi sa kanya ni Joshuelle.

''Panong hindi? eh ang aga aga ding mang badtrip ng mga seniors, kung hindi lang malapit mag simula ang klase papatulan ko yon e.'' inis na sagot nya.

''Ano bang nang yari?.'' tanong ni Kassy na ngayon lang nagsalita dahil may tinatapos syang Assignment.

''Mga papansin lang! naghahanap ata ng away dahil walang pumapatol sa kanila, mga baliw!.'' gigip pang sabi nito nang biglang pumasok ang prof namin.

*****

Nasa cafeteria na kami, humahanap kami ng mauupuan.

''Ayun teh may table.'' turo ni Joshuelle sa upuan sa gilid kaya pumunta na kami don at umupo.

Ginala ko ang paningin ko para hanapin si Lexir dahil balak kong isauli na itong coat nya, na sakto namang pagtingin ko sa entrance ng cafeteria nang papasok na sila ng mga kaibigan nya kasama si ate Haez at isa pang magandang babae.

''Hello.'' tipid na pagkuha ko ng atensyon nila.

''Hi Solene right?'' nakangiting tanong ni ate Haez.

''Oh so she's Solene?'' tanong ng magandang babae kay ate Haez na sumulyap pa kay Lexir ng tignan ko si Lexir ay sa akin sya nakatingin kaya tinignan kona lang yung babae para makaiwas sa tingim nya.

''Hi, I'm Eirah Alora Morris.'' pakikipagkilala nito na inabot pa saakin ang kamay kaya tinanggap ko ito.

''Hello ate Eirah, I'm Solene daez Rosswels.'' pagpapakilala ko din.

''Wag mo na akong sabihan ng ate ano kaba, baka pati si Lexir ay kinukuya mo din'' ani nito at tumawa pa, ang ganda nya parang si ate Haez lang pero mukhang mas talkative sya. ''By the way you have a nice name, parang kay Ammarie lang Haez...Daez.'' dagdag pa nito.

''Shut up, Eirah.'' sagot nito na masama na ang tingin kay Eirah. At binalingan ako '' What brings you here?'' tanong nito kaya nilapag kona yung paper bag sa harap nya.

''Ayan na yung coat mo'' sabi ko sa kanya kaya pero hindi pa din nya inaalis ang tingin sakin.

''Thanks.'' pagpapasalamat nya kaya aalis na sana ko ng bigla syang magsalita. ''I'm not sorry for taking that from you.'' sabi nya na agad ko namang naintindihan.

''Then don't, kahit naman magalit ako ay hindi mo na maibabalik yon'' sagot ko at bumalik na sa table namin.

''Girl grabe makatingin sayo si papa lexir, sana ako din tignan nya ng ganyan. Buti hindi ka natunaw.'' pagbibirong anas ni J.C ng makaupo nako.

''Kung yung tingin ni Lexir ay nakakatunaw, ang  inggiterang mga babae naman sa loob ng cafeteria na to ay nakakamatay.'' sagot ni Kassy at pinaikutan pa ng mata ang mga babaeng malapit samin na nagbubulungan.

''Ano yung binigay nya kay Lexir?''

''Ano kaya yung kinuha ni Lexir para magalit sya? panty?''

''Bobo kaba? sa tingin mo ba kukuha ng panty yang bebe ko?, baka sya pa ang magbigay ng panty!''

Ilang bulungan na narinig namin.

''Wala sa ugali ng kaibigan namin ang nagbibigay ng undies!, baka naman ugali nyo yon?'' taas na kilay ni April sa mga babaeng halos katabi lang ng table namin kaya inikutan lang sya ng mata nung mga babae.

''Bayaan mona lang sis.'' 

''Oo nga, andaming chismosa dito.'' sabi naman sakin nila Joshuelle at Zoe.

''Hindi ko naman sila pinagiintindi, ganyan naman talaga...hindi mawawala ang mga ganyang klase ng tao kahit saan ka magpunta.'' sabi ko at nginitian pa sila ng tipid.

*****

''Okey class, humanap na kayo ng magiging partner nyo, yung sa tingin nyo ay magiging comfortable kayo. Dahil ang magiging partner nyo ang makakatulong nyo, gagawa kayo ng plate kasama ang partner nyo at gusto kong maipasa nyo ito sakin next week.'' pag sabi ni professor Ronald.

Nang igala ko ang tingin ko ay nagkakanya kanya na silang hanap merong mga hindi na naghanap dahil katabi na nila ang kaibigan nila meron namang hindi na naghahanap at naghihintay na lang kung sino ang lumapit o ang matitirang wala pang kapareha katulad ko.

''Hi! may partner kana ba? kung wala pwedeng ako na lang? wala din kase akong ka-close dito.'' sabi ng taong bigla na lang sumulpot sa harap ko, sya yung laging nakakasagot sa klase lagi nga atang tinatawag ang pangalan nya.

''Sige wala din naman akong ka-close na pwede kong maging kapareha.'' sagot ko dito. '' San ba natin pwedeng pagplanuhan muna? tanong kopa.

''Ah siguro sa library muna, mas makakapag focus tayo sa pagpaplano kung dun tayo sa hindi maingay.'' sagot nya. ''Bago ko makalimutan, I'm Prince Marion Quintana.'' pagpapakilala nya.

*****

Pasensya na kung hindi ako napag update kagabi, sumakit po kase yung mata ko.

enjoy reading!



Su fuerza (Monte Silva Series 1)Where stories live. Discover now