Chapter 41 - Darwin in Danger

Magsimula sa umpisa
                                    

"I understand Kelly, pero don't bother ayokong maabala ka pa. May masasakyan naman siguro ako dito pauwi. Maybe bukas nalang tayo magkita, marami pa namang pagkakataon".

"Are you sure? Uhm just be careful huh? I heard talaga na hindi safe dyan kasi maraming bad guys dyan. If i were you, maghanap kana agad ng masasakyan para safe kang makauwi".

"I will, thanks". Then i end the call.

Jusko! Anong gagawin ko dito? Mula pagdating ko wala pa kong nakikitang sasakyan. Mukhang mahihirapan akong makasakay pauwi.

Mula sa malayo natanaw ko ang dalawang lalaki na papalapit sa akin.

Pagkakataon ko na siguro to para magtanong kung saan ako makakasakay pauwi.

But i suddenly felt unsafe when i saw them staring at me nang makalapit na sila sakin. Dalawa sila at pareho silang nakatingin sakin seems like they're going to do something bad.

"Mag-isa kalang ata dito ah, bat ka naparito?". Tanong sakin ng isang lalaki.

"Ah nagkamali lang ako ng pinuntahang address, pauwi na rin ako. Nag-aabang lang ng masasakyan". Sagot ko.

"Ahh, ganun ba? Pero pag dito kalang mag-abang ng masasakyan, baka matagalan ka, halika sasamahan ka namin kung saan ka pwedeng sumakay........yung masayang sakyan". Sabi ng isa. I don't know pero hindi talaga ako kumportable sa kanila, lalo pa't mababakasan mo ng kamanyakan yung mga mukha nila.

"Ah.... Hindi na ayos lang ako, ituro nyo nalang sakin kung saan, hindi nyo na kailangang sumama pa". At binigyan ko sila ng pilit na ngiti.

"Mas masaya kung kasama mo kami, mas marami, mas masar--- masaya". At saka nya hinawakan ang kamay ko at agad akong inakbayan.

Agad din akong kumalas at dumestansya sa kanila.

"Ah tatawag nalang ako ng kaibigan ko para ihatid ako dito". I think i should call Andrei now.

"Ah ayaw mo pala ha!". Bigla akong natigilan nang bigla nila akong tinutukan ng baril.

x

T I T A   S I E S T A

I'm so frustrated now dahil nawala sa paningin ko yung sinasakyang Taxi ni Darwin. Bwisit kasing truck yun haharang-harang!!! Grrr!

Pero i think i should drive straight lang to where they're going kanina. Dinadaanan ko ngayon ang kalsadang papunta sa Sitio Valencia. I know this place, dahil namigay kami doon ng mga cute stuff toy sa mga bata last year.  Dito kaya dumaan sila Darwin?

Bahala na! Pero bat naman magpupunta dun si Darwin? Oh well baka taga doon yung i memeet nya? Pero bat sa taga dun? I mean, bat pa sya maghahanap ng iba kung tingin ko naman ay sapat na ang anak ko para sa kanya. More than enough pa nga e.

Nabuhayan naman ako ng loob nang makasalubong ko ang taxing sinakyan ni Darwin. Ngayon sigurado na akong sa Sitio Valencia nga nagpunta si Darwin.

Nang makarating ako doon ay ganun parin ang lugar na yun gaya nung last year. Tahimik parin at mukhang abandonadong lugar. At mula sa malayo ay natanaw ko ang tatlong lalaki sa gilid ng kalsada. At isa dun ay pamilyar sakin.

Hindi kaya si Darwin ang isa dun?

x

D A R W I N

"P-parang awa nyo na.... ib-ibaba nyo yang mga b-baril nyo". I was out of words dahil sa kaba. I don't know what to do. Hindi ako makagalaw.

Ilang sandali pa ay narinig ko silang nagtawanan.

"Tama nga si Boss, Bakla nga! HAHAHA". sabi ng isang lalaki.

"HAHAHA! wag ka mag-alala bading di naman to totoong baril HAHAHAHA". Segunda pa ng isa.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nila. Pero ang ipinagtataka ko lang yung sinabi ng isang lalaki. May boss silang binanggit. At yung Bakla, isa lang yung tumatawag sakin ng ganun. Hin-hindi kaya......

"Tara na bading pag silbihan mo kami, malawak ang damuhan oh, dalhin mo kami sa langit". Marahas nila akong hinawakan sa magkabilang kamay ko. I know I'm not safe with these guys at kailangan kong makatakas.

Kaya pumalag ako at kumalas sa pagkakahawak nila saka ako tumakbo. Sa kasamaang palad ay agad din nila akong nahawakan.

Wala akong ibang iniisip kundi ang makatakas sa dalawang to kaya matapang kong sinipa sa may private part ang isang lalaki.

Ngunit nakatanggap ako ng malakas ng suntok sa tyan gawa ng kasama nya. Naging dahilan yun para mawalan ako ng balanse at matumba.

Pinagsisipa nila ako. I felt helpless. Wala silang tigil. Pakiramdam ko ay wala na ko ng lakas para labanan sila at makatakas.

Ngunit bigla silang tumigil nang biglang may bumusinang sasakyan malapit samin.

Agad silang nagtakbuhan papalayo. Isang pamilyar na tao ang nakita kong papalapit sakin. It was too blurry I can't see her clearly but I'm sure it was tita, afterwards unti-unti nang dumilim ang paligid.

good boy

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon