Chapter 4

2 0 0
                                    

Deretso kung sinagot ang tawag ng di tinitingnan kung sino ang tumatawag dahil kailangan ko ng bumalik sa trabaho, lampas na ako sa simula ng aking dapat gawin dito.

"Hello?" bungad ko ng masagot ko ang tawag.

"H-hello Mollie" si Tita Janella lang pala.

"Bakit po kayo napatawag Tita?" tanong ko agad dahil baka mapagalitan pa ako pag nagtagal ako sa pakikipag usap sa telepono.

"Ano k-kasi Mollie Ija may p-problema—" di ko na pinatapos si tita sa pagsasalita at basta nalang ibinaba ang tawag. Dahil sa pagkataranta ko sa kung ano ang nangyayari sa bahay ay di na ako nakapag palit ng damit at deritso nalang na lumabas sa kainan.

Habang naghihintay ng masasakyan ay nakita ko pa ang paglabas ng aking amo at mga kasama nito mula sa opisina ni Boss Morden pero di ko na pinansin yun at sumakay nalang sa traysekil na kakaparada palang dito sa harapan ko. Labis ang nararamdaman kung pag-aalala ngaun dahil baka nangyari na naman ang nangyari noon sa bahay.

Gabi na noon ng biglang may narinig ako na parang may nahulog mula sa kwarto ng kapatid ko kaya dali dali akong lumabas ang tumungo doon at nadatnan kung nahulog pala ang unan na nakadantay sa binti ng kapatid ko at hindi matigil sa panginginig ng katawan nya. Naka ilang tawag na ako ng tulong ay walang sinuman ang dumating sa bahay namin, hindi matigil sa panginginig ang katawan ng kapatid ko at hindi rin matigil ang pagtulo ng luha ko dahil wala akong magawa para maagapan ang kalagayan ng kapatid ko.

Pero ng gabing yun ay dumating si Jalhyl at ang nanay nya ng sandaling lumipas ang ilang minuto, tumawag sila ng tulong at dinala sa pinakamalapit na hospital ang kapatid ko na labis kung ipinagpasalamat sakanila.

Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa sakayan ng bus kaya kumuha na ako ng pera at ibinayad yun sa nagmamaneho. Halos lakad takbo na ang nagawa ko para mahanap ang bus na papunta sa probinsya namin, di rin nagtagal ay nahanap ko na ito kaya ay sumakay na ako kaagad. Habang nakaupo ay kung ano ano ang naiisip ko kung ano ang posibleng nangyayari sa kapatid ko o kay Aling Janella, nag sisi ako na di ko muna pinakinggan ang tawag ni Tita kanina hayst.

"Anong nangyari Tita?" bungad ko agad sa may pintuan ng sandaling nakarating na ako sa bahay namin, may nakita pa akong mga gamit sa labas pero di ko na yun pinagtuonan ng pansin dahil mas nag-aalala ako sa lagay ng kapatid ko.

Nang pagkapasok ko ay nakita ko ang kapatid ko na nasa wheelchair at naka upo naman si tita sa may sofa habang walang tigil sa kakaiyak.

Anong nangyari?

"Mollie! Nakung babae ka ilang buwan na kayong di nakakapag bayad sa upa ng bahay nato!" di ko napansin na nandito pala si Cha Maleng na nagbinta samin ng bahay nato matagal na panahon, pero anong ginagawa nya dito?

"Cha Maleng, ano hong sinasabi nyu'ng di nakakapag bayad ng upa e tapos na po naming bayaran ang kabuohan ng bahay at lupa dito a" paliwanag ko dahil gulong gulo na ako sa mga nangyayari.

"Aba aba! Mukang di pa pala nakakapag sabi ang magaling mo'ng ama ano, para sabihin ko sayo isinangla ng ama mo ang bahay at lupa na 'to sa sugalan dyan sa kalapit bayan" dahil sa sagot nya ay tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako sa lapag.

Kahit si Tita na nasa gilid lang ay wala ring maisip na sulosyun ukol sa problema ko at dahil sa parehas lang kami ng buhay na kaya lang kumain ng tatlong beses sa isang araw ay nagpapasalamat nalang ako dahil kahit anong nangyari sa buhay namin ay nandito parin sya at handang gumabay samin ng kapatid ko.

"Baka pwede naman nating pag usapan to ng mahinahon Cha Maleng" pakiusap ko pa muna sa matandang dalagang nasa harapan ko. Sa paglipas ng panahon ay naging mabait naman samin si Cha Maleng ket minsan ay nabubungangaan kami dahil laging nakalilihis ng araw ang pag bayad ng pera sakanya.

Mollie Maceda: SweetheartWhere stories live. Discover now