Chapter 3

11 4 0
                                    

Kinabukasan ay sabay muli kaming bumalik sa Maynila ni Jalhyl, at dahil maaga kami umalis at dumating sa bagong pagtatrabahuhan namin ay napag isipan naming libutin ang buong bahagi ng Restaurant tutal alas otso pa naman ang simula ng pag seserve namin as a waitress at ang Isang oras pa bago kami magsimula.

"Alam mo Mollie, kung patuloy mo yang paiiralin ang pagiging maldita mo baka maging matandang dalaga ka nalang habang buhay" sabi nya habang may kagat kagat na tinapay kaya napaismid naman ako dahil sa dumi nya kumain. Kita ko pa yung palaman na nasa may panga na nya.

"Tinanong ka?" sarkastikong ani ko.

"Oh tamo sinasabi ko na ngaba alam mo prend okay lang naman sakin na maging matandang dalaga ka kasi kung sakali ay wala akong reregaluhan sa pasko't bagong taon pero why why why! ket mag tataray ka dyan habang buhay may mahahakot kang lalaki na sasamba sa kababaihan mo pero ako ang ganda ko na nga—"

"Tinalo pa ang manok sa kakatalak." pagtatapos ko sa sasabihin nya dahil puro lang yun walang kwenta.

But I consider her as my Best friend, di ko lang sinasabi kaya baka lumaki lalo ang ulo.

"Hala sya yan ka naman sa pang iinsulto mo sa beautiful mouth ko pasalamat ka at mahal kita dahil kung hindi—" di na natapos ni Jalhyl ang sasabihin ng makita namin ang babaeng nasa counter na tinanungan namin kahapon. Di na namin sya nakita nung papalabas kami kaya di namin nalaman ang pangalan nya.

Mahahalata mo sa mukha ng babae ang kaba pero agad rin yung nawala ng tawagin sya ni Jalhyl kaya nabaling ang paningin nya samin, dali dali naman syang naglakad papalapit Dito sa pwesto habang may ngiti sa mga labi.

Ngaun ko lang napansin na may nunal pala syang maliit sa ilalim ng kanyang mga mata, at sa pag oobserba ko sa malapitan ay parang may kamukha sya na di ko mabatid kung sino pero ipinasawalang bahala ko nalang yun dahil baka dala lang ito ng imahenasyun ko.

"Hello ulit sainyo!" bati nya samin ng makalapit.

"Hi rin sayu gurl, oh ano bat ka guma-gala gala lang dyan di pa ba simula ng trabaho mo?"—Jalhyl.

"Hindi pa saka may ipinapa-asikaso pa kasi si Sir kahapon kaso di ko natapos kaya ngaung umaga ko nalang binalak tapusin" pag sasagot ng babae sa katabi ko pero panay lingon lingon parin ito sa paligid na akala mo ay may pinagtataguan.

𝑊ℎ𝑎𝑡'𝑠 𝑤𝑟𝑜𝑛𝑔 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑦𝑜𝑢 𝑚𝑖𝑠𝑠 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑘𝑛𝑜𝑤 𝑡ℎ𝑒 𝑛𝑎𝑚𝑒?

"Ahh ganun so pano ba yan kanina pa tayo nagkwekwentuhan dito di pa namin alam ang pangalan mo, ako nga pala si Jalhyl at ito namang kasama ko na walang pake ay si Mollie"

"Ako Naman si Rhyza, nagagalak akong makilala kayu"

"Pansin ko lang Rhyza, bat parang balisa ka?" Tanong ko.

"Ayy oo nga Rhyza para kang nakakita ng multo dyan dahil balisa ka na nga't namumutla ka pa"

"A-ahh wala t-to m-may ano lang kasi... ahm ano-" Di na natapos ang sasabihin ni Rhyza ng may sumabat sa may likuran namin.

𝑈𝑠𝑜 𝑏𝑎 𝑛𝑔𝑎𝑢𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑢𝑝𝑢𝑡𝑜𝑙 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑡𝑠𝑘, 𝑑𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑖𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚 ℎ𝑎.

"Look who's here, si Rhyza malandi at dalawang ahm what we just call that mmm mga alagad na basura" nang tingnan namin sa likuran ay may apat na babae ang kapwa makakapal ang foundation at blush on, kunti nalang masasabihan na silang mga clown sa party e.

Kagaya ng suot namin ay naka blouse rin silang kulay light blue na may linings na gray sa manggas pero kung tingnan mo Dito sa harapan namin ay maliit sakanila ang damit dahil kurbang kurba ang dalawang bundok nila sa hinaharap, ang pang ibaba naman ay dapat ay nasa hanggang tuhod lang ang haba pero sakanila ay kunti nalang ay makikita na ang singit dahil sa iksi. Unipurme paba tawag dito?.

Mollie Maceda: SweetheartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu