Chapter 1

306 15 3
                                    


5 months ago...

Nandito kami Ngayon sa Hospital, Hindi Parin nagigising si Angge ilang buwan na dahil sa nangyari sa kanya.

Na car accident Siya. Nangyari ito noong araw na nagpropose ako Kay jhonna. Actually Si nanay Bianca ang sabi sa akin Ng nangyari sa kanya.

-------------- flashback -----------

Angge's Pov:

Sana maging Masaya ka na Erik Mahal na Mahal Kita,Sana kahit anong mangyari Hindi mo ako makalimutan.

B-bakit Hindi ko Mapigil yung preno??

Merong Isang truck Na papalapit sa akin, pero Hindi Gumagana yung preno

1....

2..

3...

*BoooOgsh*

Nagawa ko pang sagutin ang tawag ni nanay Bianca,pero di ko na talaga kinaya

"N-nay"

"Nakchi anong nangyari sayo??"

"Nay Mahal na Mahal ko kayo ha? Pakisabi nalang Kay Erik. Mag iingat Siya palagi"

"T-teka,saan ka ba angge? B-bakit Ganyan ka magsalita may nangyari ba? Sabihin mo nakchi!"

"B-basta nay,W-wag Niyong K-kalimutan,M-mahal n-na M-mahal ko k-kayo"

"Nakchi? Nasaan ka? Angeline??!"

Nanay B Pov

"Erik??"

"Yes nay bakit Po?"

"N-nasaan ka?"

"Nandito sa venue nay,Teka umiiyak ba kayo??"

"K-kasi Si Anggenak"

"Oh,anong nangyari Kay angge?"

"Nadisgrasya Siya nak"

"ANO??!"

--------------

"Nay nasaan si angge?"

"Nasa emergency room,Nak Tinitinignan pa Ng Doctor ang kalagayan Niya."pag papaliwanag ni nanay.

Erik's pov:

Dumiretso ako Dito sa Hospital dahil sa nalaman Kong nangyari Kay angge. Alam din ni Jhonna ang Nangyari sa kaniya.

"Doc,kumusta Po Yung pasiyente?" Kinakabahan Kong tanong.

"Sa Ngayon, Tinitingnan pa po Namin Ang kalagayan Ng pasyente dahil Hindi pa po Siya stable. Mayroon pa po Kaming kailangan Gawin na operasyon, Pero kanina may tinatawag siyang pangalan." Pag Sasalaysay Ng Doctor sa akin.

"A-ano pong sinasabi?"

"Ah natandaan ko na,Erik ang binanggit Niyang pangalan,sabi Niya Kung pumunta ka daw Dito. Sabihin ko daw na Mahal na Mahal ka Niya tapos Sana daw wag mo siyang makakalimutan"

Para namang mabibiyak ang Puso ko Ngayon, Hindi ganito ang Inaasahan ko na mangyari sa kanya.. sa aming dalawa ..

"Y-yung lang po ba?"

"Sabi Niya rin na, Alagaan mo daw Sana Yung mama Niya kapag Wala na Siya"

"D-doc Hindi pa Siya mawawala Diba?"

"Hmm.. I hope so, Pero Ngayon kailangan muna Namin tiyakin kung maayos na ba talaga ang kalagayan Niya."

"S-sige Po Salamat Doc."

After All(TSBM#2)Where stories live. Discover now