''Okay love be safe, enjoy.'' sagot nito kaya tumango na lang ako at tinapos na ang pagkain nang pumasok din si tito elias.

''Honey, It's saturday today right? may gusto ba kayong gawin o puntahan?.'' pagtanong nito saamin.

''I already have plan.'' sagot ko ng hindi sya tinitignan. ''Kayo na lang ho ni mommy'' dagdag kopa.

''Ah sige, ingat ka.'' paalala nito sakin at nagusap na sila ni mommy sa sala kung san nila balak pumunta.

Nang tapos na akong kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto para maligo nang matapos ay nag bathrobe lang muna ako ay umupo sa harap ng vanity table ko para mag ayos ng buhok ginawa ko na lang itong messy bun at naglagay ng light make up, nang matapos ay pumasok na ako sa aking walk-in closet ang napili kong suotin ay simpleng solid crop tank top na black at ripped jeans na pinaresan kona lang ng nike air force 1 pagkatapos ay kumuha ako ng shoulder bag na babagay sa suot ko. Saktong tapos na ako ng kumatok si nanay Selya at sinabing nasa baba na daw si april kaya bumaba na din ako.

Nang makita ko sya ay tipid akong natawa dahil halos magkapareho na kami ng style ang suot nya ay ang pink nyang crop top, bag at sapatos, naka high pony tail din sya. Kaya inukutan nya ko ng mata.

''Aalis na po kame tita, tito.'' paalam nya pa.

''Alis na po kame.'' paalam ko at humalik na kay mommy.

''Daddy ko lang ang tito mo.'' sabi ko sa kanya pagkalabas namin.

''Bakit anong gusto mong itawag ko sa stepfather mo? Elias?pareng Elias? alis na po kame tita, pareng Elias? '' pilosopo naman nitong sagot. ''Tsaka 3 years nang wala si tito at 2 months na kayong magkakasama sa iisang bahay ng stepfather mo hindi kapa din ba comportable sa kanya?'' dagdag pa nito ng mapaandar nya na ang sasakyan nya.

''Alam mo namang hindi ko talaga gustong magpakasal ulit si mommy, pumayag lang ako gusto kong maging masaya sya at kahit kailan ata ay hindi ako magiging comportable sa bago niyang asawa.'' seryosong sagot ko sa kanya.

''Sa bagay kung ako din siguro ang nasa kalagayan mo e hindi din ako magiging masaya pag nag asawa ulit si mommy, iba pa den talaga pag tunay na tatay.'' sabi pa niya.

'' Ganon siguro talaga kailangan mong suportahan yung mahahahalagang tao sayo kahit ayaw mo o masakit para sayo yung gusto nila, kase buhay at desisyon nila yon kaya kung saan sila sasaya susuportahan mo pa din. Kahit hingin pa ang opinyon mo labag man sa loob mong suportahan sila gagawin mo, kase alam mong nasa isip na nila yung gusto nila hindi pa man sila magtanong sayo''  sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

*****

Nang makarating kami sa mall na sinabi niyang pupuntahan namin ay humanap muna kami ng paradahan nang makahanap ay nagtungo na kami sa harap ng entrance ng mall, nandoon na sila kassy kaya si Zoe na lang ang inaantay namin na ilang minuto lang ay dumating na.

''Sorry guys na late ako ng gising, kanina paba kayo?'' tanong ni Zoe na kakarating lang.

''Hindi naman'' sagot ko.

Nang Makapasok ay napagpasyahan naming pumunta muna ng game zone nang makita ito ay bumili kami ng 2 card at niloadan ito ng 1000 matapos ay  nag-unahan pa sila April at J.C  karaoke kaya nag kanya kanyang pasok na din.

''Swipe nyo na yung card.'' si Zoe

''Oh anong kakantahin?.'' si Joshuelle.

''Ako na pipili!'' malakas na sagot ni April, buti na lang kami kami lang ang nakakarinig dahil soundproof ito.
'' Ito What Makes You Beautiful by One Direction.''

Su fuerza (Monte Silva Series 1)Where stories live. Discover now