Umuwi muna si Blue sa mansyon nila, si Dew naman ay sumama sa bahay ni Ivory habang ako ay bumalik ulit sa unit ko.

Gusto ko munang mapag-isa.

Pero ang kagustuhan kong iyon ay hindi ko ata mararanasan ngayon.

Nasa apat na hakbang pa nga lang ako bago ang pintuan ng unit ko ay rinig ko na agad ang ingay na nagmula sa loob. Mga impakto!

Malakas akong napabuntong hininga. Ano ba ang ginagawa ng mga impaktong iyon sa bahay ko?

Tatalikod na sana ako upang hayaan na lang sila ngunit napatigil na lang ang paghakbang ko ng sakto namang lumabas si Craige sa pintuan ng unit ko.

"First.." tawag niya pa sa akin ngunit tuluyan na akong tumalikod sa kanya at humakbang pa ng ilang beses bago ko ulit narinig ang pagtawag ng iba pang impakto kasama na si Clover.

"First!" sabay-sabay nilang tawag na parang gulat pa sila ng makita nila ang nakatalikod kong katawan.

"WHAT??!" pagalit kong sagot habang nakatalikod pa rin sa kanila.

Ilang sandali silang natahimik bago ko narinig ang papalapit nilang mga yabag. Napataas pa ang kilay ko bago ko balakin na balingan sila ng tingin ngunit nabigla na lang ako ng magkabilaan nilang hawakan ang braso ko.

"A-anong ginagawa niyo?" nagtataka kong tanong na nginisian lang ng impaktong si Race. Binalingan ko din si Acid na nakahawak din sa kabilang braso ko na pabulong pang tinatawag ang pangalan ko.

Sapilitan nila akong pinapasok sa unit ko. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ngayon ay inulan na sila ng mura galing sa akin.

Nagpabalik-balik pa ng lakad si Mickey na nakakasalubong din ang paglalakad na ginagawa din ni Krys sa harap ko. Para silang impaktong sundalong nagmamartsa.

Ramdam na ramdam ko ang hiya habang nakayuko ng nakaupo sa pang-isahan kong sofa. Nanatili ang mga mata ko sa sahig kaya halos mahilo na ako sa pagmamartsang ginagawa ng dalawang impakto.

Nahihiya akong makipag-usap sa kanila lalo pa't andoon din sila ng sabihin ni Ate Sage ang nangyari noon. Nahihiya akong magtanong. Nahihiya ako kahit pa ang tignan sila ngayon.

"Get out. . Leave me alone!" sambit ko habang hindi pa rin nakatingin sa kanila.

Tahimik lang silang nanatili sa harap ko na kahit hindi ko sila tignan, alam kong sa akin sila nakatingin.

Ayoko ng ganoon. Ang awkward sa pakiramdam na nasa akin sila nakatitig gayung hindi naman sila nagsasalita kaya hindi na ako nakatiis pa at nakasimangot ko na silang tinignan.

"Hindi niyo ba ako narinig? Umalis na kayo! Lumayas na kayo sa bahay ko!" singhal ko na hindi pa rin nila binigyan ng reaksyon.

"First." si Craige ulit ang tumawag sa akin kaya pairap akong bumaling sa kanya ng tingin.

"Kung nandito kayo para itanong kung totoo ba ang nalaman niyo.. Oo! Totoo ang sinabi ni ate Sage sa inyo! Kaya umalis na kayo kung wala na kayong ibang kailangan!" singhal ko sa kanila na ikinaiwas lang nila ng tingin sa akin.

"We don't really care." maya-maya'y sambit ni Race na kinunutan ko ng noo.

"What?" taka ko namang tanong sa kanya na kibit-balikat lang niyang sinagot.

"Wala kaming pakialam.." si Acid naman ang nagsalita bago pa umupo sa sofa na nasa tabi ko lang. ..besides, it's all in the past.. weither it's true or not.. it's. all. in. the. past." pagdidiin pa niya sa bawat salita niya.

"Baliw ka ba Acid?" sambit ko na ikinaingos niya lang sa akin. "..I killed someone! I've been in the mental institution! I fuckin' lied to all of you! Tapos sasabihin mo, wala kayong pakialam!" galit kong sumbat na ikinatahimik na naman nilang lahat.

"You.. Craige.." baling ko kay Craige na kita ko ang awa sa mga mata niya. "I lied to you! Nagsinungaling din ako kay Miracle!" mapang-uyam ko pa siyang tinignan upang matinag ang awang nakikita ko sa mga mata niya. Bahagya ko pa siyang nginisian na pansin kong ikinahugot niya ng hininga.

—..Inakala mo bang malungkot lang ako nung una mo akong makita sa La Carlota?! . . pwes! Nagkakamali ka! .dahil alam mo kung ano ang totoo?! . . nasusuklam ako sa sarili ko kaya hindi kaya ng sikmura ko ang makihalubilo sa iba! Masama akong tao Craige! Masama akong kaibigan sa inyo ni Miracle. Kinaya kong iwanan kayo noon kaya bakit ka pa nandito?!" panunumbat ko na alam kong masasaktan ko siya. Gusto ko siyang palayuin sa akin. Gusto ko silang palayuin dahil sa oras na malaman ni Mama na naging kaibigan ko din sila, posibleng mapapahamak din sila kagaya ni Yaya Sabel.

"Dahil ba naaawa ka sa akin, huh?! DAMN IT! Don't look at me that way dahil hindi ko deserve ang awa mo!" sumbat ko na inilingan lang niya.

"First—

"And you. . all of you. ." sambit ko habang isa-isa silang tinitignan. "..pwede ba umalis na din kayo?! gusto kong mapag-isa! Gusto ko na kayong makalimutan kaya lumayas na kayo sa bahay ko!"

"No, we can't." napalingon naman ako sa sinabi ni Clover. "We can't leave.. call me crazy pero hindi ako naniniwalang kaya mong pumatay! Hindi ako naniniwalang masama kang tao First. .Iba ang First na nakilala ko sa kung sinong First ang sinasabi mo sa amin ngayon. . Hindi ka masama. .maldita ka lang pero hindi ka mamamatay tao." dagdag niya na di ko makapaniwalang kinunutan ng noo.

"Hindi lang pala ako ang baliw sa atin dito Clover." mapang-uyam akong napangisi sa kanya. "Inamin ko na sayo ang katotohanan pero ayaw mo pa ring paniwalaan ang sinasabi ko!"

"Dahil iba ang sinasabi ng mga mata mo First! Hindi ako bobo para hindi malaman ang kaibahan ng kasinungalingan sa katotohanan!" pagalit niyang sambit na seryoso na ako tinitigan.

"At isa pa. .Mom told me something First." sambit ni Acid na nagpaiba ng emosyon ko. Mula sa pagkakatitig ko kay Clover ay sa kanya naman napunta ang atensyon ko.

"W-what did Tita Pam told you Acid?" kaagad kong tanong sa kanya.

"Your mom is alive." seryoso niyang sambit na ilang segundo pang tumingin sa akin bago niya dagdagan ang sinabi niya. Marahil ay tinitignan niya kung anong magiging reaction ko sa sasabihin niya.

"It only means na hindi mo siya napatay noon." dagdag pa niya na nagpanatili ng tingin ko sa kanya.

"Acid is right First. ."

"Tork?" gulat kong sambit sa taong hindi ko inakalang nandito din sa unit ko sa mga oras na ito. Hindi ko man lang napansin ang presensya niya.

Payak siyang ngumiti sa akin. Naglakad siya palapit na halos ikinatigil ng paghinga ko dahil hindi pa ako handa upang harapin siya. Hindi pa ako handa upang umamin ng kasalanan sa kanya.


***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now