Chapter 29 - Warned

Start from the beginning
                                    

"Hi, Ate Riah!" aniya nang sagutin iyon." Kumusta? How's school?"

"Okay naman. Surviving," Riah smiled. Bakas sa mga mata nito ang kawalan nang maayos na pahinga. Base sa video display ay nakapatong sa dining table ang cellphone nito. They'd been talking so much these past months that she became familiar with the interior of Riah's condo, kahit hindi pa siya nakakarating doon. "Nasa bakeshop ka pa?"

"May tinatapos lang. For pick-up na kasi ito bukas," aniya na ipinakita ang bench na puno ng cupcakes na nilalagyan pa niya ng frosting. Pagkatapos niyon ay ipinatong na rin niya sa bench ang cellphone. "Anyway, nakita mo na 'yong picture ng infinity dress na pinadala ko?"

Tumago si Riah. Nagtakip ito ng bibig para itago ang paghikab. "Sorry," anito kinalaunan.

Ngumiti siya. Nakaramdam ng habang para sa babae. "Okay lang. I'll give you quick update para makapahinga ka na, Ate."

Muli itong tumango. Naghikab na naman.

"Sabi ni Nicolette ay ready na ang lahat ng dress next week. Pwede ko nang pick-up-in. Nasa akin naman na ang address ng mga bridesmaid mo, ipapadala ko na lang sa kanila."

Ngumiti si Riah. "Thanks, Pretzhel."

"At yung invitation din pala. Nagsabi na sa akin ang printer na ready na for pick-up na. Kukunin ko na bukas. Open naman daw sila ng half day kapag saturday. Sure na ba kayo sa guest list? Final na iyon? Ime-mail ko na rin kasi ang invitation."

"May madadagdag pang lima. I'll send you the names and address later."

"Okay. Mayroon pa tayong five invitations na pasobra. Let me know kung may idadagdag pa. At saka na place ko na rin ang order para sa wedding favors ninyo. I'll let you know kapag dumating na. And I'll add din yung names ng addition guest mo sa seating arrangement"

"Okay. And Pretzhel, thank you very much."

"Sus, wala iyon, Ate. Ikaw pa ba. Basta may naisip ka o gustong gawin sa wedding mo, let me know. Ako ang bahala."

Tumango ito. Muli na nang humikab. "Sorry. Malapit na ang finals kaya laging puyat at hindi na makatawag lagi sa iyo. Ako ang ikakasal, pero sa nangyayari, parang guest lang ako sa kasal namin. Basta na lang darating."

"That's okay, Ate. Just focus on your study."

"I'll be forever grateful for your help, Pretzhel."

"Sus! Wala ito. Advance gift ko ito sa inyo ni Kuya. Basta mag-rest ka lang, Ate." Napangiti siya nang makita kung sino ang dumaan sa likuran ni Riah. "Hi, Kuya Gab!"

Saglit lang muling lumabas sa screen ang kuya niya. May dala itong pinggan na ipinatong sa harapan ni Riah. Hindi napigilan ni Pretzhel ang mapangiti. At maging proud. Alam niyang magiging mabuting asawa at ama ang Kuya Gabriel niya.

"Ang cute mo, Kuya. Bagay na bagay!" biro niya nang muling lumabas sa screen ang kapatid. Sinundan niya iyon ng malakas na pagtawa.

Maging si Riah ay napatawa. "Sorry, Gab. Promise, bibili ako ng ibang kulay na apron for you. Yung hindi floral."

"No need. Sabi nga ni Pret, ang cute ko, di ba?"

Hindi nahagip ng screen ang kuya niya pero may kung anong ginawa dahil ang kasunod na nakita niya ay ang paghalakhak ni Riah. Ang kasunod na nakita niya ay pagdukwang ni Gabriel at paghalik nito sa labi ng tumatawa pa ring fiancée.

"Ewwww! Gross! Ba-bye na!" kunwaring reklamo niya. Pero ang totoo, natutuwa siyang makita kung gaano kamahal ng dalawa ang isa't isa.

"Nasa bakeshop ka pa? Gabi na, ah. Kumain ka na ba?" tanong ng kuya niya na halos sakupin na ng buong mukha ang screen ng cellphone.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now