Chapter 1

10 3 2
                                    

Catarina's POV

Tahimik lang ako habang nagpangalumbaba'ng nakikinig sa propesor namin na nage-explain tungkol sa report na gagawin by pair.

"Okay, this report of yours will be done by pair. Kayo na bahalang maghanap ng kapares niyo. The deadline will be 2 weeks from now. I'm giving you the remaining time to find a partner and start planning your report. Pass me a one-fourth sheet of paper with your names written on it after you found your partner."

As if in a cue, everyone stood up from their seat and starts to scatter around to find their partner. Tumayo na din ako at magsisimula na sanang mag-hanap ng kapares nang bigla na lang akong dinumog ng ibang kaklase ko.

"Woah, teka!" naiilang na tawang ani ko at medyo napaatras.

"Catarina, may ka-pair ka na?"

"Pair tayo, Cat!"

"Tayo na lang, Catarina!" sabay sabay na usal nila.

Napa-salit salit ang tingin ko sa apat na kaklase kong nasa harap ko at inaaya akong maging ka-partner nila. Teka lang naman!

Napakamot ako sa ulo ko at bago ko pa man mabuksan ang bibig ko, may humigit na sa aking braso dahilan para mapalingon kami sa taong iyon.

"Excuse me," nakataas ang isang kilay na saad ni Aisha.

"Ba't Aisha? Diba may ka-partner ka na?" nakataas din ang isang kilay na sagot ni Quinn.

"Meron nga. Pero pwede naman sigurong tatlo, eh. Apat naman na kayo, dalawang paresan na 'yan. Kaya kayo-kayo na lang."

Walang magawa sila Quinn kundi ang lubayan ako dahil sa sinabi ni Aisha.

Hinarap ko si Aisha at nakita siyang nakangisi. Nademonyo talaga 'tong babae'ng to. Well I couldn't deny the fact that I'm thankful for what she did. Kasi kung ako lang 'yon, hindi ko alam kung paano sila tatanggihan. Hindi naman pwedeng lima kami. But still, the way she did it was a bit rude.

"Aisha, may ka-partner ka na diba?" ulit ko sa tanong ni Quinn.

"Oo, si Craig. Craig! hali ka dito!" Sinenyasan niya si Craig na nagsusulat sa papel pero agad din na lumapit nang tawagin.

"Wow ha. Maka- hali ka dito ka, aso mo ko?!"

"Well, mukha kang aso," Aisha said in a matter of fact tone.

When they started bickering in front of me, I cleared my throat to get their attention. They stopped as they both looked at me and I raised a brow.

"So, tayong tatlo? Pwede bang tatlo? Kasi kung hindi, hahanap ako ng ibang partner. Okay lang naman sa'kin-"

"Pwede 'yan! Sus," Aisha said with hand gestures before she looked at our professor. "Ma'am, pwede tatlo kami?" malakas na tanong niya.

Kasabay ng pagtanong ni Aisha ay siya ding pagsimulang pagtatanong ng mga kaklase ko kung maaari bang mag-individual o group into three rin sila. Napabuntong-hininga ako nang makita ang pagka-di-gusto sa mukha ng prof namin dahil sa naka-kunot niyang noo.

Then her eyes drifted somewhere at the back.

"Mr. Juarez?" she called someone.

Napakurap-kurap ako at sinundan ang tingin ng aming professor. Then I realized she was looking at one of my block mates-- perhaps, the quietest in our class. I haven't heard him talk except tuwing nagche-check ng attendance or kung tinatawag ng prof. Nanatili iyong lalaking naka-upo sa table niya at tulala. Sa kabila ng mga kaklase kong busy sa paghahanap ng partners, siya lang ang nanatili sa dulo nang mag-isa at nakatulala.

InvisibleWhere stories live. Discover now