Umupo na ako sa tabi ni Andy na Vice President namin at binuksan na ang laptop ko.

''So, kailangan na nating pag-usapan ang magiging event natin after two weeks. 25 years na ang Easton University kaya kailangan na nating magisip kung anong gagawin natin.'' Sabi ni Max na President namin.

Nagbigay na ng kaniya-kaniyang suggestion ang iba pang officers kay Max.

''Hmm, pwede, ikaw, Kylie? Anong naiisip mo na pwedeng gawin sa magiging event ng school?''

''Hmm, naisip ko. Mom and Dad really likes dancing. So siguro gawin natin 'tong three days? First day ang sasayaw ay ang mga Elementary. Second day ay High School at third day ay ang mga college? Then lagyan natin ng booths and gumawa tayo ng games. Gamitin natin lahat ng nandito sa University. Gymnasium, grounds, swimming pool at iba pa.''

Nagisip naman sila at hindi nagtagal ay sumang-ayon din except kay Vanessa na ngayon ay nakapalumbaba at may ini-iscroll sa laptop niya.

''So, final na? Gagamitin natin ang idea ni Kylie at bukas na natin i-aannounce sakanila na ganun ang naisip natin for our school's anniversary?'' Tanong ni Max saamin.

''Yup.'' Sagot ng iba.

Magsasalita na sana si Max ng magsalita si Vanessa.

''But what if may mangyaring masama sa mga studyante dito dahil sa paggamit natin ng pool?'' Kontra niya.

''Nothing bad will happen dahil ang mga games na gagawin natin ay hind naman ganun kadelikado.''

''Kahit na. We don't know when cramps attack.''

''May point siya, Kylie.'' Sabi ni Gerald na P.R.O namin.

Nakita ko namang ngumisi si Vanessa sakin. Panget pa din siya. Tss.

''Hmm, cramps? So easy. Edi 'wag nating gamitin ang pool kung ganun. Marami pa din naman tayong lugar for games.''

Ngumisi siya. ''So, you lose?''

Kumunot naman ang noo ko.

''What? Pati ba naman 'to ginagawa mong laban?''

''Ha, just admit it. You lose. Hindi mo lang mataggap kaya mo sinasabi 'yan.''

Umiling ako.

''Oh God, hindi ko alam na ganiyan ka kababaw kaya pati itong paggaganapan ng mga games ay ginagawa mong laban.''

''How dare you.'' Inis na sabi ni Vanessa sakin at tumayo.

''Hey guys, tama na 'yan. Napakaliit na bagay pinagaawayan niyo.'' Sita saamin ni Max.

Nanahimik naman si Vanessa at umupo. Ako naman ay nagtype sa mga magiging plano sa Anniversary ng school.

''So back to the topic, we can still use the pool area. Parehas kayong may point pero alam kong mas masaya kapag gagamitin natin ang pool. Not that I want something bad happen to our co-students, pero alam kong may way para gamitin ang pool. Tama si Kylie, we can use it by playing games that are harmless.''

''Oo nga. Tsaka 'yung isang pool naman ang gagamitin natin. 'Yung hindi ganun kalalim para safe.'' Sang-ayon ni Annie na Treasurer namin.

''Tsaka kalat naman ang Marshalls and Officers sa bawat gaganapan ng games kaya safe pa din. Plus ang mga teachers at ibang faculty members.'' Sabat ni Paulo na Auditor.

''So settled na 'yun? Gagamitin natin lahat ng area dito sa school? What about the games?'' Tanong ni Max saamin at tumingin sa laptop niya.

Nagkaniya-kaniyang suggest na ulit ang lahat.

''Magkaron tayo ng basagang palayok!'' Masayang suggest ni Aljohn saamin. Siya ang escort namin.

''Basagang palayok? Yuck! What kind of game is that?'' Tanong ni Vanessa saamin.

Inexplain naman ni Andy ang larong iyon kay Vanessa.

''Baka may mangyaring masama sa mga maglalaro. Omg.'' O.A na sabi ni Vanessa.

''Walang mangyayaring masama dahil sa field natin iyon gaganapin. Malawak ang field at malayo-layo din ang mga manonood sa mga players kaya walang masasaktan.'' Sabi ko.

''You still don't know what will happen. Baka lumipad ang palayok at tumama sa ibang tao. Edi sagutin pa natin 'yun?''

''Palayok? Lilipad? Nakatali 'yun sa puno, Vanessa.'' Bored na sabi ni Paulo.

''Ugh. Okay! Kung san man 'yun nakatali, I changed my mind, sana nga pala may mangyaring masama sa mga studyante dito nang mapahiya ang pamilyang Dela Vega at bumagsak sila.'' Sabi ni Vanessa at ngumisi saakin.

Kinuyom ko naman ang kamao ko na hinawakan ni Andy.

''Easy, girl. Hayaan mo 'yan. Insecure lang 'yan sayo.''

''Vanessa! Stop it! Nandito tayo para pagusapan ng maayos 'tong magiging event.'' Sita sakaniya ni Max.

''Oh you shut up, Mr. President! Ayaw niyo nun? Para aangat ang mga pamilya natin at babagsak 'tong pamilya nila Kylie. They don't deserve what they have. They deserve to be poor.'' Sabi ni Vanessa.

''Alam mo, sating lahat? Ikaw ang karapat-dapat na maging mahirap. Nang makuha mo ang hinahanap mo. Maldita ka masiyado!'' Inis na sabi ni Andy kay Vanessa.

''Ohh, now I'm the bad guy here? Tss. I'm out. Ang boring na dito.'' Sabi ni Vanessa at sinara ang laptop niya bago lumabas.

Tumingin naman silang lahat saakin at hinawakan ni Andy ang kamay ko.

''Hay, hayaan mo na 'yun.'' Aniya

''Inggit lang 'yun sayo, Kylie.'' Sabi saakin ni Annie na katabi ko din.

Tumango na lang ako at ngumiti.

''Thank you guys.'' Sabi ko sakanila.

''No worries. So pagusapan na ulit natin?''

At ayun nga pinagusapan namin. Inabot kami ng ilang oras dahil sa pagiisip ng theme, games at ng surprise welcome back party kila Daddy. Sa anniversary kasi ng school wala sila Ddady at sa third day lang sila makakapunta.

''Okay na. Ayos na lahat. Annie and Paulo kayo ang bibili ng mga pang-decorate since kayo naman ang nakain-charge sa pera. Kylie and Andy naman kayo na bahala sa pagd-decorate at ikaw, Aljohn kasama mo ako at si Vanessa at ang ibang marshalls para sa paglilibot sa School.'' Paalala ni Max.

''Got it.'' Sabi ko pagkatapos itype lahat ng iyon.

''So okay na, bukas na lang ulit. Recess time na din kaya tara na.'' Sabi ni Max at nagsitayuan na sila.

''Kylie, tara na.'' Yaya sakin ni Annie.

''Sige, una na kayo. Is-save ko lang 'to.''

''Hintayin kana lang namin.'' Paulo

'''Wag na. Alam ko namang gutom na kayo e, una na kayo.'' Sabi ko sakanila.

''O sige, text text na lang ha.'' Sabi ni Andy sakin at lumabas na sila.

Pagkatapos kong isave ang tinype ko kanina ay dumiretso na ko locker ko na nasa likod ko lang at nilagay doon ang laptop ko at isinara na. Nilagay ko ang susi sa bulsa ko at hinatak ang pinto. Pero hindi ko ito mabuksan. Sinubukan ko pa ding buksan pero ayaw talaga.

''Oy, guys! 'Wag niyo nga akong pagtripan! Hindi nakakatuwa promise!'' Inis kong sigaw.

Pero wala akong narinig nasagot. Imbes, namatay pa ang ilaw kaya lalo akong natakot. Fuck shit! Hindi 'to pwede!

''U-uy, please n-naman oh, b-buksan m-mo 'tong p-pinto.'' Nagmamakaawa kong sabi.

Pero wala. Walang nagbukas ng pinto kahit ng ilaw. Napaupo na lang ako at niyakap ang dalawa kong tuhod at umiyak.

Takot ako sa dilim. Ayoko nito. Hindi ako pwede sa ganto! Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang phone ko pero naiwan ko pala sa bag ko! Shit!

Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak. Please, buksan niyo na 'tong pinto.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon