VICIENZIO 1

6 2 0
                                    

Justin

Naglalakad ako papalabas ng school, gusto ko magcutting dahil nakakaboring ang lectures ng prof namin, atsaka nag aadvance reading naman ako kaya ayos lang yun.

Nasa quadrangle ako naglalakad, walang katao tao at hinihiling ko na sana wag akong mahuli ni Miss Joy na secretary ng dean.

Nagulat ako kase biglang may naramdaman ako may bumato sa balikat napatingin ako doon si binato, isa itong Bracelet na kulay black, ang creepy niya ngang tingnan e.. Tapos may nakalawit na 'V'.

Ano kaya itoo?

Napalingon ako sa paligid, wala namang tao.. Ano to? Hulog ng langit? Maghuhulog na nga lang ganto pa ka-creepy?

Sa huli ay itinago ko iyon sa aking bulsa, baka mamaya may maghanap e. Paglabas ko ng school ay agad akong natungo papunta sa bahay, gusto ko matulog.

"Oh? Bat ang aga naman ng uwi mo?" Bungad sa akin ni Manang Kori ang personal kong yaya pero hindi ganon ang tingin ko sa kaniya, para ko na siyang pangalawang ina. "Nagcutting ka na naman?" Kunot noong tanong niya, sanay na kase siyang pagalitan ako... At sabi ni mommy wag daw akong baby-hin. "Naku malalagot ka talaga ng daddt mo!"

"Nang? Wag niyo na po ako isumbong!" Nakangusong sabi ko sa kaniya, alam kong hindi rin ako matitiis nito ni manang.

"Ay naku kang bata ka, bukas ang dating ng iyong mga magulang at pagnagtanong sila tungkol sayo ay sasabihin ko ang totoo ay hindi kita pagtatakpan, kailangan mo nang matuto hindi ka na bata pa, Jasten!" Ayun! Nakatanggap na naman ako ng sermon pero ayos lang, pagtinanong lang naman siya magsasalita, sana nga wag na sila magtanong pa.

Nginitian ko na lang siya at nagtungo na sa kwarto ko, pabagsak ko inihiga ang sarili ko sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko pero nung makapa ko ang bracelet na nasimot ko minulat ko ulit ang mata ko at tiningnan iyon.

Mukhang mamahalin iyon, napansin ko din naman nakasulat sa likod ng 'V' na Justin,,, pangalan ko? Paano nangyari iyon?

Hawak ko pa din ang bracelet ng makatulog ako....

Ken

"Ken, dali kunin mo iyon!" Kinikilig na sigaw ng girlfriend ko.

Nandito kami ngayon ni Meegan sa peryahan, dahil mayaman at puro mamahalin ang mga nakasanayan niya inakit ko siya dito sa peryahan sa bayan namin hindi naman siya nagdalawang isip na sumama at nagustuhan niya rin dito.

"O diba? Magugustuhan mo dito kesa sa mga mall!" Nakangiting tugon ko at kinuha at teddy na napalanunan niya.

"Tama ka, at saka mas masaya ang mga games dito." Nginitian ko siya at nagpatuloy sa paglalaro, nang matapos ay nag gala pa kami sa mga parke kalapit lang nitong peryahan.

"Uhm... Babi? Nasaan ang cr dito?" Napatigil kami sa paglalakad ng sabihin niya iyon.

"Doon!" Turo ko sa bandang CR. "Bakit? Sasamahan na kita."

"May dalaw ata ako!" Doon ako nagulat wala siguro siyang napkin. Parang nabasa niya siguro yung nasa isip ko.

"Wag ka magalala may extra pads akong dinala, intayin mo na lang ako sa labas!"

Pumasok na siya sa loob ako naman ay naghihintay lang. Biglang may bracelet na tumama sa paanan ko, tumingin muna ako sa paligid bago kunin iyon, wala namang nagbato sa akin.

Kulay itim iyon at halatang mamahalin, may palawit iyong 'V', lumapit ako sa mga dumadaan at tinanong kung sa kanila pa iyon pero lahat sila ay 'hindi' ang sagot.

Sa huli ay binulsa ko iyon, pero kasabay nun ang pagingay ng banyo doon ako kinabahan dahil kalahating oras nang hindi pa lumalabas si Meegan.

Dahil sa kaba at takot pinasok ko na ang banyo nadatnan ko na siyang walang malay at may saksak ang kaniyang tigmagkabilang binti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The House Of VicienzioWhere stories live. Discover now