"K-kuya...okay ka lang ba?"Medyo nabiglang tanong ni Cassy.Mukhang nabigla rin naman si Coach Dale sa ginawa niya kaya tinignan niya ang reaksyon naming lahat.

"H-ha...oo naman,I'm fine."Nakangiting sabi niya,pilit.

"Enjoy lang kayo dyan.May pupuntahan lang muna ako."Paalam niya at lumabas ng mansion nila.Kita ko pa ang huling ekspresyon niya bago siya tumalikod.I can see his rage in his eyes.

"Cash,mukhang may problema tayo dito.Nakita mo yung mata ni Coach Dale?"Napalingon ako kay Ivan nang ibulong niya iyon sa akin.

"I can see that."Sabi ko sa kanya.

"Yeah...he looks really mad and pissed off."Dagdag niya pa.Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa kanya.

"Looks like something happened."Sabi naman ni Adrian at kumuha ng juice tsaka uminom tapos sumubo ulit ng kinakain niya.

"Ikaw naman mukhang gutom na gutom."Sabi ni Alexander sa kanya.Tinapalan naman ng tinapay ni Adrian yung bibig niya.

Ilang oras na ang nakalipas mula nung umalis si Coach Dale kaya naisipan muna namin na pumunta kung saan nakita yung kotse ni Edward.Nagpaalam muna kami sa mga girls na may bibilhin lang kami saglit.Baka magtaka pa sila kung saan kami pupunta.

Ginamit na lang namin ang sasakyan ko para isahan na lang ang punta doon.Maya maya lang ay dumating na kami sa subdivision na hindi kalayuan kila Cassy.Napansin namin ang isang kotse na nakapark na sa gilid.Kotse nga ito ni Edward.Napansin din namin ang isang may edad na ring guard.

"Manong."Tawag ni Alexander dito.Napalingon naman sa gawi namin ang guard kaya agad kaming lumapit sa kanya.

"Mga ser,good afternoon po."Bati sa amin ng nakangiting guard nang makalapit kami sa kanya.

"Manong saan yung susi ni Edward tsaka yung phone?"Tanong naman ni Lukas.Ibinigay naman agad ito ng guard sa kanya.

"Pasensya na po kung ginalaw ko.Ipinarada ko lang po sa gilid yung sasakyan at kinuha ko po yung phone at susi,baka po kasi may kumuha."Sabi niya.

"May napansin ba kayong kakaiba sa sasakyan?"Tanong ko.

"Wala naman ho,ser.Nakaopen lang yung bintana sa may driver's seat,parang may kinausap siguro mula sa bintana tapos nakaparada po dyan sa gitna ng daan kahapon."Sabi niya at itinuro kung saan nakaparada kahapon yung sasakyan ni Edward.

"May cctv po kaya dito parte?"Dagdag na tanong ko.Itinuro niya naman yung cctv na nakakabit sa poste.

"Yan po,ser kaso hindi ko alam kung naayos na yan kasi nasira po talaga yan."Sabi niya pa.

"Salamat,manong.Kami na pong bahala sa sasakyan ng kaibigan namin."Sabi ni Lukas.Siya na ang magda-drive ng kotse ni Edward papunta muna sa bahay nila Cassy.

Dumaan muna kami nila Ivan sa convenient store at bumili ng snacks para naman masabi nilang may binili kami.Nauna na si Lukas at si Adrian dun.

"Teka,saglit lang.May nakalimutan akong bilhin. Bibilhan ko pala si Cassy ng chocolate."Sabi ni Ivan.Ako yung nagdra-drive.

"Ako din,bibilhan ko si Abby ng chocolate."Sabi naman ni Alexander.

"Tss."Singhal ko.Napatingin naman sila sa akin.

"Bilhan mo na lang si Nicole."Sabi sa akin ni Ivan.Tinignan ko naman si Ivan at nakangisi siya sa akin.

"Wag na.Paniguradong may dala yung si Lukas para kay Nicole."Sabi ni Alexander.

"Wag na.Para sa lahat naman itong binili natin,dami niyong alam."Sabi ko sa kanila.

"Eh,sa gusto ko ngang bilhan si Cassy ng chocolate."Sabi ni Ivan.

"Edi bumaba ka na,lakarin mo pabalik kila Cassy."Inis na sabi ko.

"Edi wow,Cash.Ayaw mo lang na malamangan ka eh."Pambwibwisit niya pa sa akin.Di ko naman siya pinansin.Bahala siya sa buhay niya.

Nakarating na kami sa mansion nila Cassy pero napansin pa rin namin na wala pa rin ang kotse ni Coach Dale sa garahe nila.Saan kaya siya pumunta? Ang init ng ulo nun eh.

"Oh? Nandito na pala kayo.Hapon na ah.Saan kayo galing kanina?"Tanong ni Abby pagkapasok namin.

"Kasasabi ko lang na may binili kami eh."Sabi ni Adrian kay Abby.

"Weh? Wala ka ngang dala nung pumasok kayo ni Lukas eh."Sabi ni Abby kay Adrian.

"Oh.Pagkain,ubusin mo."Sabi ko sa kanya.

"Oh? Galit ka na nan? Suplado nito."Sabi niya sa akin pero kinuha naman lahat ng bags na may lamang pagkain na binili namin.

"Hayaan mo yan.Ganyan talaga yan,di ka pa nasanay."Sabi sa kanya ni Alexander at umupo sa tabi ni Abby.

"Cassy,wala akong dalang chocolate.Bibilhan sana kita eh.May epal lang kasi."Parinig ni Ivan sa akin.

"Ha? Ano ka ba,ayos lang.Kumain naman kami kanina ng chocolate nila Nicole at Abby kaya okay lang."Sabi sa kanya ni Cassy.

"Walang tinira sa akin?"Nakabusangot na sabi ni Ivan.Binangga ko naman ang balikat nito bago ako umupo sa tabi ni Cassy at Alexander.

"Patay gutom."Bulong ko pa.

"You know what? Badtrip ka,Cash."Sabi ni Ivan.

"Stop fighting,please."Napalingon kaming dalawa kay Cassy.Nakangiti siyang nakatingin sa aming dalawa.

"A-ah...oo."Sabay naming sabi ni Ivan.Nagkatinginan kaming dalawa at medyo napangisi.Pagdating kay Cassy parang pareho utak naming dalawa.

Kumain muna kami ng meryenda at maya maya ay naisipan naming magreview muna.Nasa may sala si Alexander at Abby pati na rin si Nicole at Lukas kami naman ay nasa may garden nila Cassy.Si Ivan at Adrian wala naman silang gagawin ay tumambay muna sa basketball court nila sa may mansion. Nagbabasa ako ng review papers nang magsalita si Cassy.

"Saan na kaya si kuya? Malapit ng maggabi pero wala pa siya."Nabaling ang tingin ko kay Cassy nang sabihin niya iyon.

"Baka may pinuntahan lang siyang importante,don't worry about him."Sabi ko sa kanya.Nginitian niya naman ako.

"He's acting weird lately.Minsan bigla bigla na lang siyang may pupuntahan.He's close with Edward tapos mag aaway sila.Alam mo para silang magkapatid,ganun.Para niya na rin kayong mga kapatid,he cares about the team.Nag aalala lang ako kasi coach siya ng team tapos may mga importanteng pinapalakad si Dad sa kanya na hindi ko alam tsaka yung mga ginagawa niya na siya lang yung may alam.Parang andami lang prinopoblema ni kuya."Kwento niya at nangalumbaba sa mesa.

"She cares about you."Sabi ko sa kanya.Tinignan niya naman ako bago siya tumango.

"And I'm happy with that,lalo na at tinutulungan niyo rin siya.I'm thankful din kasi nandyan kayo para sa kuya ko at para sa amin nila Nicole at Abby."Nakangiting sabi niya.

"Of course."I smiled.Iniharap niya sa akin ang fist niya at itinapat iyon sa may dibdib ko.

"Thank you."Sabi niya at ngumiti ulit.Tinignan ko naman muna ng matagal iyon bago umiwas ng tingin.Baka mamaya di ko na mapigilan,mapaamin ako ng de oras.

To Be Continue....


THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now