"Are you sure? Parang may gusto kang sabihin?"Sabi ni Coach Dale pero nginitian lang siya ni Cassy at umiling ulit na ibig sabihin ay wala siyang gustong sabihin.

Lumipas na ang isang oras pero wala pa rin si Edward kaya naisipan na ni Coach Dale na ituloy na ang meeting namin kahit wala pa siya.Halata sa mukha niya ang pagkainis and at the same time he is worried.Kahit rin naman kami ay nag aalala.Simula kagabi ay hindi namin siya nakausap at ngayon ay wala na naman.Where the hell did he go? May sinesikreto ba siya sa amin? May ginagawa ba siya na hindi namin alam?

"Tomorrow is the practice game,pag uusapan namin ng coach ng Wilton ang practice para bukas and of course after that is your exam bago ang interhigh."Sabi niya pa.Tumango naman kaming lahat bilang pagsang ayon.

"And tell that to your f*ckin' Captain when you see him.Alam niyang may meeting wala siya dito."Dagdag pa ni Coach Dale at saka inilabas ang phone niya sa bulsa niya,mukhang may tinatawagan siya.Nag-excuse muna siya dahil may kakausapin lang daw siya.

"Bro,saan kaya nagpunta yung si Edward?"Tanong ni Adrian sa amin.

"Malay ko,di nga alam ni Coach Dale eh.Sila naman laging magkasama nan pero hindi niya alam kung nasan si Edward."Sabi ni Ivan.Nakaupo kaming lima sa sala at yung mga girls ay pumunta muna sa kusina para kumuha ng meryenda.

"Tawagan niyo kaya."Sabi ni Lukas.Kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa at i-dinial ang phone ni Edward.Nagriring naman ito.

"Ano na? Sumagot ba?"Tanong ni Ivan sa akin.Umiling naman ako.Nagcall end.

"Ayaw eh."Sabi ko at idinial ulit ang number niya.Nakalipas na ang ilang minuto at pangsampung try ko na natawagan siya.

"Hello po?"Nagtaka ako ng iba ang sumagot.Isang boses ng matandang lalaki.

"Hello,sino ito?"I asked.Taka naman akong tinignan ng mga kasama ko.

"Ah,guard po ito ng isang subdivision.May nakapark po kasing kotse dito sa gitna ng daan at bukas ang bintana at nandito po ang susi at phone ng may ari ng kotse.Pasensya na po kung ginalaw ko.May nagreklamo po kasi na kagabi pa po itong sasakyan na nakaparada sa daan."Paliwanag ng guard.Nabigla naman ako.Kagabi pa yan,ibig sabihin pagkatapos naming magreview dito kila Cassy at umuwi ay nawala na si Edward.

"Sige po,pakisabi na lang po kung saan yung subdivision at pupunta po kami ngayon."Sabi ko.Sinabi niya naman sa akin kung saan nakita ang kotse ni Edward.Ibinaba ko na ang phone ko at humarap sa kanila.

"Oh? Ano na? Anong sabi sa'yo? Bakit ganyan itsura mo?"Dire-diretsong tanong ni Ivan.Inis ko naman siyang tinignan.

"Teka lang,nagmamadali."Inis na sabi ko.Sinupladuhan niya naman ako.

"Ano daw sabi? Nakita nila si Edward?"Nag aalalang tanong ni Lukas.

"Nandun daw yung kotse ni Edward.Naiwan yung susi ng kotse at phone niya.Mukhang may sumundo sa kanya at saka maalaga si Edward pagdating sa kotse niya.Imposibleng iniwan niya lang yun sa daan,baka pinilit siyang sumama sa kanya."Sabi ko sa kanila.Lahat kami ay nag aalala dito.

"Oh? Anong nangyari sa mga mukha niyo? Bakit parang ang lungkot niyo?"Biglang tanong ni Abby.Nandito na pala yung mga girls at may dala silang tray na may pagkain.Umupo naman sila.

"May nangyari ba?"Tanong naman ni Nicole na nakaupo malapit kay Cassy at Abby.

"No,wala naman.Wag kayong mag alala."Nakangiting sabi ni Lukas pero alam kong ayaw lang niyang mag alala sila kay Edward.

*BAAAG!!*

Nagulat kaming napatingin sa may pintuan nang padabog na binuksan ni Coach Dale yung pintuan.Muntik pang mabasag yung double door na pinto nila dahil sa lakas ng pagkakabukas.

THE BAD BOYS AND ME Where stories live. Discover now