Kaagad niyang pinasok ang keycard at agad bumukas ang Pinto. Hindi nakakapagtataka. Nasa Ramirez residence siya ngayon. Kilala ang Ramirez Group sa Estates. Sila ang dambuhalang financer ng mga naglalakihan at dambulang condominium sa buong kamaynilaan.

Isa rin ang mga ito sa masugid mag abot ng donation sa simbahan. Kaya alam niyang masasayahan siyang gawin ang trabaho niya ngayon.

Pagpasok palang ay kaagad na sumalubong sa kanya ang living area ng condo. Hindi maipagkakailang napakagarbo ng ceiling it has 12ft standard ceiling ang taas. Ofcourse hindi mawawala ang mamahaling chandelier sa mga ganitong uri ng bahay. Alam niyang napakamamahalin at garbosa. Nakakalulang tingnan ang kalakihan ang buong silid ng condo.

Hanggang sa makuha ang atensyon niya ng mga nabubulok na amoy ng mga inaamag na pagkain sa may kusina. May tinapay na iba na ang kulay, canned goods na hindi ubos at hinayaan lang sa lababo at mga kubyertos at pinggan na hindi man lang nahugasan.

Pinakalma niya ang sarili at nagsimulang unahin sa paglilinis ang kitchen. Naisip niya na hindi siya makakapag linis ng maayos kapag may naamoy siyang di maganda. Parang babaligtad ang sikmura niya sa karumaldumal na amoy. Ayaw niyang magkasakit o magdala ng sakit.

Dahan dahan niyang inipon sa basurahan ang mga nabubulok at mga plastic bottles na hinayaan lang sa mesa.

Minabuti niyang pansinin ang refrigerator ngunit puro bottled water lang ang laman ng mabuksan niya ito. Kaya sinara niya narin lang ito agad. Ang ganda at double door pa naman ang desenyo ng ref kaso walang laman. Hanggang sa nagka idea rin siya sa susunod na gagawin.

Napahinga siya ng malalim ng matapos siya sa kitchen. Saka lang gumaan ang pakiramdam niya. Sa buong career niya sa paglilinis ng condo ngayon lang siya nakatagpo ng ganito kagulo at makatagpo ng mga nabubulok na bagay mismo sa isang marangyang condo na katulad nito. Naisip niyang kumuha ng bottled water sa freg nauhaw siya bigla.

Sinunod na niya ang salas. Kahit papano maayos naman ang living area wala masyadong kalat. Kahit ang pagkaka-ayos ng mga mamahaling sofa ay tila hindi man lang ginalaw o inupuan ng may-ari. Nakakapagtataka. Siguro mag isa lang ito sa napakalaking condo nato. Naisip niya habang inikot ang tingin sa kabuoan ng condo.

Pansin niyang lahat ng bagay mula sa palamuti papunta sa flat-screen sixty-inch TV sa gitna na inadornuhan ng dalawang malalaking sound system sa gilid na di mo mahahalata sa unang tingin. Carpeted ang buong sahig. Kaya mukhang magtatagal pa ata siya ng kaunti. Kailangan niyang padaanan ito ng vacuum para mawala ang alikabok kong meron man.

Nang matapos siya sa unang palapag ay hindi niya pinalampas ang silid naman ng may-ari. It's part of his assignment. All around naman kasi ang naka assigned sa kanya. Pagpasok palang niya ng silid ay kaagad humalik sa kanya ang halimuyak ng pambabaing pabango. He can't stop smelling the scent, napakagaang sa ilong ng pabango. Aniya sa sarili he could smell this kind of scent all day. Sigurado siya ito ay mamahalin. Hindi niya maintindihan kong bakit napakapamilyar nun sa kanya. Samantalang hindi niya naman kilala ang may ari ng condo.

Tumikhim siya ng tuluyang makapasok. Kailangan niya lang isaayos ang mga kagamitan at ilagay sa tamang kaayusan. Bilang huling gawain niya. Lumunok siya.

But he can't hide how expensive ng napakalawak na silid. It is a Grand master suite. A luxurious bedroom na kadalasan sa isang exclusive hotel suite lang niya nasaksihan. Lahat ata ng nakikita niya ngayon ay nagkakahalaga ng milyon. Kaya pala tinawag na Ramirez Group.

Siguro ay unica hija ng Ramirez Group. Sigurado siya na babae ang umuukupa rito. Dahil sa mga pambabaing kagamitan at kung anong anik-anik na pagmamay-ari ng isang babae.

Hindi nakaligtas sa kanya ang isang bote ng wine. Pansin niyang nasaid na pala ang buong laman nito. Agad niya itong dinampot upang iligpit. Napapailing na lamang siya.

Lumapit siya sa malawak na kama. Na kayang ukupahin ng limang tao. Mabilis ang galaw niya. He makes sure na maayos ang kamang hinihigaan nito. Pinalitan niya rin ang kobre kama ang punda ng unan pati carpet ng sahig. Hanggang sa marating niya ang closet kung saan ang pinaka magulo sa lahat. Mga mamahaling damit na gulo-gulo. Sa may last part na siya ng pag-aayos ng may mahagip ang mga mata niya. Pinaka pamilyar na mukha sa lahat---ang nakababatang kapatid na si Nika? Kinusot niya ang mga mata ngunit nagkamali lang pala siya. Malabong si Nika dahil wala itong sunglass at hindi nakapuson ang buhok. Medyo may hawig lang pala sa kapatid niya. Ngunit Napansin rin niya ang katabing picture ng isang lalake naka tuxedo ito. Kung saan may nakaturong pangalang Juan Miguel sa gilid.

Umigkas ang kaliwang kilay niya. It's not usual for him to do that but it feels odd. Pamilyar sa kanya ang lalake. Lalong lalo na ang kausap nitong babae.

****************

AN/ PLS VOTE AND COMMENT DOWN. THANK YOU!!!!!

Oh My PRIEST!Where stories live. Discover now