Pagbaba niya ng elevator ay mamataan niya si Tanya ang mahiwaga niyang assistant.

Pinanood lang niya ito sandali sa pingakaka-abalahan nito. Busy ito sa pag set up ng appointments niya this week. She inhale deep at pumasok sa kanyang opisina. Kailangan niyang pag isipan ang mga gagawin para mahawakan sa leeg ang kuya niya.

She decided to look online. May kailangan siyang hanapin. Kaso inabot na siya ng isang oras ay wala talaga siyang mahanap. Napahilamos siya sa mukha.

Sumandal muna siya sandali sa swivel chair niya ng makaramdam ng sunod-sunod na katok.

"Yes. Bukas yan."

Agad na pumasok si Darla. Mahinhin nitong isinara pabalik ang Pinto. Di niya maiwasang mapailing rito.

"Ah boss. Natapos ko na pala ang slambook."

Napataas ang kilay niya. Oo nga pala may pinambaon siya ritong trabaho. Agad nito iyon inabot sa desk niya. Tinanguan na lamang niya ito and dismissed her. Tatalikod na sana ito para lang humarap ulit ng may mapansin siya at natitigan ito ng matagal.

"Ah boss yung appointment nyo po pala hito. Muntik kong makalimutan. Pasensya na kong ngayon ko lang naabot sa inyo. "

Napakurap siya ng mapansing inaabot pala nito ang IPad upang ma aprubahan niya. Tinanggap niya iyon kaagad.

Tumikhim siya, "Naku wala yon Sandra. Pwede ko bang malaman ang home address mo?"

Tatalikod na sana ito."H-ha, ah yun lang ba boss. Akin na isusulat ko." Lihim siyang napangiti. "Dito mo isulat," Agad ay inabot niya ang papel at ballpen. Sabay upo niya ng tuwid na tuwid. Iwan ba niya. Pero natutuwa talaga siya sa pagkakataon.

"Ito na po." Matapos nitong sulatan ang papel.

"Salamat dito." Aniya na kinagulat ni Nika. Alam nitong never siyang magpapasalamat sa kahit na anong pabor na ginawa niya rito.

Saka nito itinaas sa ere ang slambook. Na gets naman niya mukhang nagpapasalamat sa paggawa niya ng slambook. Nagpaalam narin siya kaagad kay Olivia. Parang kinikilabutan siya sa klase ng ngiti nito.

Sa kabilang banda ayaw magmukhang creepy ni Olivia sa harap ng sekretarya niya pero natutuwa talaga siya. Mukhang umaayon sa kanya ang pagkakataon. Natatawa na naman siya.

Kaso napatda siya saglit. May natanggap siyang mensahe mula sa Home Grooming Cleaning Services. Naalala niya ngayong araw niya pala binabalak palinisan ang buong condo niya. Kaso may naalala siyang ihabilin sa mga ito. Dapat hindi nila pakialaman ang silid niya. Kaya lang nakalimutan niyang ihabilin iyon.

Dali-dali niyang hinablot ang mamahaling bag at ang car key ng kotse niya. Halos matisud siya sa paglalakad. Kinakatok na niya ang Pinto ng sekretarya niya. "Ikaw na bahala rito may pupuntahan lang ako. " di paman ito nakakatango ay natakbo na siya papasok sa elevator.

May kalahating oras din ang binyahe niya ng marating ang condo niya. Alam niyang maabutan pa niya ang tagapaglinis. Kahit hingal na hingal ay kaagad niyang tinungo ang silid. Pero tila nahuli na siya dahil wala na doon ang sketch plan niya para Kay Juan Miguel. Parang katapusan na niya sa loob ni Olivia. Anong gagawin niya ngayong may ibang tao na ang nakakaalam sa plano niya?



HINDI naman sa excited si Sam magsimula sa isa na namang raket niya. Ito lang naman kasi ang isa sa mga sideline na malakas mag abot ng tip sa kanya kaya inagahan na niya ang trabaho. Sa katunayan nahihiya narin siya sa Mama niya kasi naliliitan rin siya mensan sa mga inaabot niya rito.

Huminga siya ng malalim at nagdesisyong gawin ang home makeover na gusto ipagawa ng may ari ng condo. Nagsuot siya ng gloves sa magkabilang kamay at nagsuot ng PPE suit para hindi dumikit sa kanya ang mga alikabok.

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon