Ikaunang Parte

36 3 0
                                    

Las Islas Filipinas, Agosto 1857

Mayroong isang pagdiriwang na nagaganap mula sa bayan ng Malolos. Ito ay pagdiriwang ng anibersaryo ng mag-asawang Hidalgo na si Don Filimon at Donya Emilia.

Kilalang pamilya ng mga doktor ang mga Hidalgo sa lungsod ng Bulacan. At bukod sa pagiging sikat na mga doktor, kilala rin sila sa iba't ibang lungsod at baryo dahil sa mga ugnayan nila sa mga gobernadorcillo mula sa iba't ibang lungsod. 

"Kuya, kanina ka pa hinahanap ni ama."

Nilingon ng binatang si Joaquin ang malaking orasan na nakatayo sa sulok ng kanilang munting librarya, tila nakalimutan ang oras dulot ng kaniyang pagbabasa ng isang nobela na nagmula pa sa Britanya.

"Paumanhin aking hermano, tila ako ay dinaanan ng oras habang binabasa ang mga ito." wika ng binatang si Joaquin habang tinuturo ang patong-pato na libro mula sa kaniyang lamesa.

Napakamot na lamang sa batok ang nakababatang kapatid na si Benjamin.

"Hindi na ako magugulat kung makakayanan mo na hindi lumabas sa silid na ito sa loob ng isang taon dahil sa iyong hilig sa pagbabasa." wika ni Benjamin na nagbigay ng dahilan upang tumawa ng marahan ang binatang si Joaquin.

Totoo na mahilig siya sa magbasa ng mga libro. Nakatutulong din naman ang kanyang hilig sa pagbabasa sapagkat ang kursong kaniyang kinuha ay medisina. 

Nang makarating ang dalawang magkapatid sa kanilang salas, agad silang sinalubong ng kanilang ama na napapaligiran ngayon ng mga bisita

"Joaquin! Mabuti naman at naisipan mo na lumabas sa iyong silid." sarkastikong panimula ng kaniyang tatay na si Don Filimimon. 

Hinawakan ng kaniyang ama ang mga balikat ni Joaquin bago hinarap at ipinakilala sa kanyang kausap.

"Heto nga pala ang aking panganay na anak na si Joaquin. Bibihira lamang siya dito sapagkat siya ay nag-aaral pa sa Maynila." Nagbigay galang si Joaquin sa kaibigan ng kanyang ama na si Don Mateo.

"Kumukuha rin ba siya ng kursong medisina?"

Agad itong sinagot ng kanyang kaibigan at sinabing, "Aba'y oo naman aking amigo. Alam mo naman na kami ay pamilya ng mga doKtor kaya tama ang desisyon ng aking anak na kunin ang kursong medisina." Pagmamalaki ni Don Filimon sa kanyang kaibigan.

"Hijo, ilang taon ka na nga ba ulit?" tanong ni Don Mateo kay Joaquin.

"Mag-bebente dos na ho sa susunod na buwan." Lalong lumawak ang ngiti ng isa pang Don sa sinabi ng anak ng kanyang amigo. 

"Aba'y tamang-tama! Ang aking pinakamamahal na anak na si Celeste ay diecinueve na! Malapit ang inyong edad, Joaquin."

Binigyan na lamang ni Joaquin ng isang maliit na ngiti si Don Mateo. Batid niya sa kanyang kaisipan na ibig siyang maging manugang nito. Nagpaalam muna siya saglit sa kanyang ama at kay Don Mateo upang magpahangin muna saglit.

Matapos maglakad ng mga ilang sandali, narating na ng binatang si Joaquin ang hardin na puno ng mga iba't ibang uri ng mga bulaklak na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Umupo siya sa mga upuan sa kanilang hardin, tinatamasa ang sariwang hangin na bumabalot sa kanyang mga mukha at ang pagiging mag-isa. Ngayon lang muli ni Joaquin naranasan magkaroon ng pahinga at magkaroon ng kalmadong sandali sa kanyang buhay.

Dahil kahit masaya siya sa kinuha niyang kurso, kailan ma'y hindi niya maiiwasan ang bigat na dala ng mga ito sa kanyang buhay. Lalo na ngayon na ipinagmamalaki siya ngayon ng kanyang pamilya at bumibigat ang kanyang kalooban sa tuwing iniisip niya ang bigat ng kanyang responsibilidad na panatilihing maayos ang imahe ng kanyang pamilya sa pagiging mabuting mag-aaral at doktor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Paramour (A Short Story)Where stories live. Discover now