"Soon," she smirked. Itong babaeng talagang to.

"Bagal mo!"

"Eh ikaw musta jowa mo? Pang entertainment parin?" Sya naman nagtanong.

Yes, I do have a boyfriend but not seriously. Parang act lang yon at dahil sa bored ko nakiride ako. Hindi ko naman talaga boyfriend yon, kumalat lang na magjowa kami hanggang sa dumami yung issue ayon nakipagdeal si gago maglaro daw kami. Okay lang naman, di big deal sakin.

"Oo, gago yon eh." Tumawa sya sa reaction ko.

"Change topic tayo, ang aga ng tapos ng training ninyo ngayon ah?"

"Pinagpahinga kami ngayon. Nakastress lang may nagsabunutan kanina." Sabi ko. Nag-away kanina sila Shina at Kaye, teammates ko, iisa lang daw boyfriend nila. Ewan ko ba sa mga yon.

"Sino nagsabunutan?" Napatingin kaming dalawa sa nagtanong, si Roxy kasama sila Chevs, bagong dating lang.

"Late kayo, Roxy babe."

"Traffic sa Jills!"

"Oo tapos tinakas pa namin sa jowa nya yang si Roxy, puro daw sya inom" tumatawang sabi naman ni Gail na katabi na ni Kriz ngayon.

"Puro nga sya babae eh," sabat ni Roxy at uminom sa baso nyang kabibigay lang ni Kriz.

"May bago ulit?" Natatawang tanong ni Kriz, inabutan nya ako ng shot pero tinggihan ko. "Kj mo talaga, Anais."

"Tanga, may exam ako bukas bawal." Pagdadahilan ko, okay lang namang uminom kaso ayaw ko lang talaga. Good girl kaya ako hindi lasenggera minsan lang.

"Sorry my bad haha!" Inusog nito ang kamay nya para kay Cheska na lang, kinuha naman nya ito at ininom. Isang lagukan girl, isa lang talaga.

I know Kriz grade conscious din sya katulad ko, pressure sa pamilya kaya hindi mapabayaan ang pag-aaral. Mahirap talaga maging mayaman at nag-iisang anak sayo lahat ng expectations ng magulang. Oh well may kuya pala sya pero hindi na nakatira sa kanila, kapatid nya sa nanay.

"Gail, yung ex mo oh." Tinuro ko yung lalaking nakikipagtawanan dun sa isang couch marami sila roon.

"Baliw, di ko talaga alam kung bakit nagpauto ako dun. Gago yung jowa mo Roxy, naisahan ako." Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi nya. Gail and Roxy are friends, itong long time jowa ni Roxy may pagkaplayboy jinowa si Gail tapos nung nagkabukingan doon sila naging magkaibigan. Ironic right? Naalala ko kinuwento nila na hindi daw makatingin ng ayos itong si boy kay Gail kapag magkakasama silang tatlo sa isang lugar kasi sa sobrang awkwardness, nakatikim pa nga sya kay Roxy ng palatok dahil sa kagaguhan nito.

Nagpatuloy sila na mag-inuman habang ako taga-tawa at taga-kwento lang. May mga time na tatlo na lang kaming natitira sa couch dahil nagkakalat sila sa dance floor pero bumamalik din naman, para mag-aya o kaya naman kumuha ng shots. Nagpaorder nga ako sa kanila ng juice para naman hindi matuyo ang lalamunan ko need ko din naman ang maiinom hindi nga lang alak.

"Lawrence, Hi!" tawag ni Cheska dun sa lalaking dumaan may kasama itong dalawang babae kausap nya, tatlo lang kami ngayon na narito sa couch si Cheska, ako at si Angel. 

"Hi, Gel! Zup, Ches!" Bati nito bumaling ito sakin at ngumiti, "You're Miss Zero two ng LSU, right? Hi" He's pertaining to my jersey number, tumango ako at ngumiti.

"Anais," pakilala ko.

"Nice meeting you, beautiful Anais. Lawrence is the name."

"Stop your flirtatious attitude, Law." Natatawang ani Angel. Napailing na lang ako.

"Bro, what?" Dipensa nito agad, "LA, here!" Napatingin kami dun sa lalaking tinawag nya na papalapit na ngayon dito. I know him.

"Aries! Nasaan si Mak?" Tanong nitong si Cheska dun sa lalaki.

"Marko? Lumabas smoke daw sya." Kibit nitong sagot. Nagmadali namang nagpaalam si Ches na ipinagtaka ko, tumingin ako kay Angel na nagtatanong perk nagkibit balikat lang sya na kagaya ko ay wala ring alam.

"Pwede maki-upo?" tanong nung guy  na si LA daw sabi ni Lawrence. Tumango ako at umusog para maka upo sya.

"Ikaw ang Captain ng Flaming Lions diba?" Tanong ko, Flaming Lions ang name ng basketball team ng MCU

"Di ka sure? Di mo ko kilala?"

"Hindi. Ano sa tingin mo sa sarili mo? Kilala ng lahat?" Tumawa sya sa pagiging sarkastiko ko. Totoo naman diba? Hindi lahat ng tao kilala sya. Actually kilala ko sya sa mukha pero sa mukha lang. Hindi naman ako na nanonood ng Basketball kapag may laban, wala akong interes.

"Okay its my time to leave. Bye Anais, see you when I see you may sundo ako ngayon!" Tatawagin ko pa sana si Angel ng mabilis itong mawala sa paningin ko. Baliw na babaeng yun.

"Ako rin, mukhang maa-out of place ako dito makaalis na nga." Para namang babaeng sabi ni Lawrence at umalis.

Seriously?

"Kilala mo pala sila Angel?"

"Kaklase ko sila dati nung Senior High. Minsan minsan nagkikita kita.

We talk some more kahit na nakakailang pero nawala yon dahil sa mga kalokohan at kakornihan nya.

Lance Aries Ramos, yan ang pangalan nya.

——
(slow ud)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLAY HARDER | Anais San PedroWhere stories live. Discover now