"Ay jusko. Kebata-bata pa ng mga ito ay may mga anak na. Hindi muna mag aral."

Nagkatinginan naman kamk ni Blake at sabay kaming natawa. Family? Kung alam lang nila na kapatid ni Blake itong si Brenna.

Pumasok na kami sa Jollibee at naghanap na kami ng mauupuan habang si Blake naman ay umorder na.

Nang makahanap kami ay umupo kami agad doon at hinintay si Blake na dumating.

Pagkadating ni Blake ay hinalo ko na ang spaghetti ni Brenna at sinubuan na siya.

"You're ready to be a wife." Sabi ni Blake saakin.

"Loko! I want to finish my studies first. Then kapag nakapagipon-ipon na. Dun pa lang ako magpapakasal."

"Kanino naman?" Tanong ni Blake saakin.

"Syempre sayo. Alanga namang sa ibang tao diba?" Sabi ko at umiling.

Tinignan ko naman siya at nakita kong ang sama ng tingin niya sakin kaya tumawa na lang ako at pinisil ang ilong niya.

"Aray! Ang hilig mong kurutin ang ilong ko ah." Reklamo niya.

"Oh bakit? Angal ka?"

"Hindi naman po e." Sagot niya at kumain na lang.

Tumawa na lang ako at sinubuan na ulit si baby Brenna na ngayon ay kinakausap ang teddy bear niya.

"Ang cute ng family na 'yun oh! Ang pogi ng Daddy at ang ganda ng Mommy! Kaya tignan mo 'yung kinalabasan, ang ganda ng anak nila!"

"Oo nga. Pero kasing edad lang natin sila ah?"

"Hayaan mo na. Mukhang masaya naman sila at mukhang tanggap naman ata ng parents nila."

"Sabagay. Ang ganda talaga nung bata! Mukhang manika!"

Omg. Mukha ba talaga kaming family?

"Ate Kylie, they thought we are a family." Sabi ni Brenna saamin.

"Kaya nga, baby, e." Sabi ko at uminom ng coke.

"Maybe it's time to build our own family already?" Sabi bigla ni Blake.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Okay. Okay. I'm just joking."

Umiling at tumawa na lang ako sa sinabi niya. Nang matapos kaming kumain tatlo lumabas na kami at dumiretso sa department store para bilhan ng mga damit si Brenna.

"Gusto ni Mommy bilhan ng dress si Brenna." Sabi ni Blake.

"Okay. Tara. Akyat tayo sa third floor."

Pagkaakyat namin ay pumili na ko ng mga bagay kay Brenna na dress habang si Blake ay tulak tulak ang mini cart na naglalaman ng mga napipili ko.

"Ah, miss, meron ba kayong medium size nitong dress na 'to?" Tanong ko sa sales lady.

"Meron po Ma'am. Para po ba diyan sa anak niyo?"

Ay hindi! Para sa anak ng kapitbahay namin! Jusme! -.- pero teka, anak?

"Po? Hindi po. Kapatid po siya ng boyfriend ko."

"Ay akala ko po anak niyo Ma'am."

"Masiyado pa pong maaga para dun." Sabi ko at tumawa.

Tumawa din naman ang saleslady at kumuha na ng medium size ng dress na napili ko.

"Do you like this, baby?" Tanong ko kay Brenna.

"Yes, ate. Ang cute po ng designs niya."

Tumango ako at ngumiti.

"Miss, kunin po namin 'to."

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon