Kabanata 9

117 8 0
                                    

Sure

Late na akong nagising kinaumagahan dahil sa kakaisip ng nangyare kagabi. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng bumabagabag sa isipan ko. At hanggang ngayon ay gulong-gulo parin ako dahil sa mga sinabi ng lalaki na iyon sa akin.

Tama pa bang ipagpatuloy ko ang plano na to? Fuck!

Nagdesisyon na akong tumayo at kumilos na, pumasok na agad sa banyo at nagsimula ng maligo. Bumaba na din ako pagkatapos kong maligo at magbihis. Plano kong kausapin ito at tanungin sa mga bagay na ginawa nya kagabi.

I need to clarify something. Mababaliw ako kapag ganito.

Habang naglalakad pababa ay may narinig akong nagtatawanan. It's Eila and Cain. Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang dibdib ko habang naririnig na tumatawa ito kasama ang babae na yun.
Nakalimutan nya na ba ang nangyari kagabi? O sadyang wala lang siyang pakealam doon?

Damn it! Bakit nasasaktan ako! Fuck!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nasa sala pala ang dalawang haliparot. Nakangiwi ko itong tinignan, hindi ko na nakita ang tingin ni Cain dahil umiwas na agad ako ng tingin sa mga ito. I don't want him to see me like this.

Mabulunan sana kayo ng sarili nyong laway! Bwisit!

Dumiretso na ako sa kusina upang tignan kung may pagkain pa, baka kasi inubusan na ko ng dalawang yun, tsk.

Pagkarating ay nakita ko si Nimfa na mukhang nag-aalala sa akin. Tumingin ito sa akin ng mariin bago nagsalita.

"Ma'am, kain na po. Hindi ko na po kayo ginising, dahil alam kong pagod po kayo." makahulugang turan nito sa akin. Tumango ako dito at nagsimula ng umupo sa upuang nakahanda para sa akin.

"Ma'am..." hinintay ko itong magsalita pero tinigil lang din nito ng tumingin ako sa kanya.

"What is it Nimfa?" tanong ko dito.

"Eh kasi Ma'am, ano po kasi...." hindi nito matuloy na sabi.

Tumingin ako dito ng parang napipikon na. Gutom ako at inis dahil sa nakita ko palang kanina. Ayokong binibinitin ako ng salita.

Huminga ito ng malalim at lumapit sa akin, nagulat pa ako sa kinilos nito.

"Eh kasi Ma'am, may kasamang babae si Sir.. Ah..Eh..ayos lang po ba 'yon sa inyo?" halos hindi ko na marinig na bulong nito.

Parang nahihiya pa ito at lumayo agad ng nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Nimfa, come here. I want to tell you something." sambit ko dito sa mahina rin na boses.

Natatakot itong lumapit sa akin, para pa itong nag-aalangan kung lalapit ba o hindi. Ngumiti ako dito upang hindi ito kabahan.

Mukha namang gumana ang ngiti ko dito dahil malugod na itong lumapit.

Inilapit ko ang tenga ko sa kanya at bumulong ng nagpagulat dito.

"Nimfa. I want to kill someone." bulong ko ditong ikinalaki ng mata nito. "That woman and that fucking asshole. Silang dalawa ang uunahin ko."

Napaatras ito sa sinabi ko habang nanlalaki padin ang mga mata nito. Nakita ko pa itong tumiigin kung nasaan ang pwesto ng dalawang malandi bago ibalik ang tingin sa akin na kinakabahan.

"Seryoso ka dyan Ma'am?" tanong nito sa akin nito habang kabado parin. Nginitian ko lang ito at nagsimula ng kumain.

Habang hinihiwa ko ang ang nakahandang pagkain ay hindi ko maiwasang mainis. hindi ko namalayan na halos madurog na pala ang karneng hinanda para sa akin ni Nimfa.

The Substitute Wife (Saldivar Sister) ON-GOINGWhere stories live. Discover now