Kabanata 2

136 7 0
                                    

The Wedding

"Anak, you really look beautiful today." puri ni mommy saken. Ngumiti ako dahil ito ang gagawin ni Selene kung sya ang nandito.

"Thank you mom, kayo din po." balik kong puri sa kanya. My mom loves compliment.

"I'm so proud of you Selene, sana nga lang ay gumaya sayo ang kambal mo." nakangiti parin nitong sabi. Nairita ako sa sinabi ni mommy, hindi ko lang pinahalata dahil baka maghinala sya.

"How i wish Serene's here." di ko mapigilan ang inis sa boses ko.

"Ah mabuti nga eh wala ang kapatid mo. Baka gumawa pa yun ng gulo. Ayokong mapahiya sa mga amiga ko." halata sa boses nya ang pagkainis.

Di ko mapigilang masaktan, ganon nya ba talaga kaayaw saken. Ganon ba ko kawalang kwenta? Minsan napapaisip ako kung talaga bang anak ako. Mabuti na lang at kambal kami ni Selene kaya naisip kong hindi naman.

"Anak mo rin ako." bulong kong may halong inis.

"May sinasabi ka Selene?" takang tanong nito.

"Nothing mom." ngumiti ako dito hiding my anger.

"Ma'am, kailangan na po nating umalis. At tsaka tumutunog po yung cellphone nyo kanina pa." sabi ng secretary ni Mommy. She's Inerva if i am not mistaken.

"Osige susunod na ko." sagot nya dito.

Tumigin ito sa akin at ngumiti kala ko aalis na ito ng nagsalita ito ulit.

"Remember Selene, ikaw ang pag-asa ng kompanya natin. Matututunan nyo ding mahalin ang isa't-isa." makahulugang sabi nito bago umalis.

My smile suddenly faded napalitan ito ng pagkainis at lungkot. Finally, makakahinga na din ako. Naiinis ako habang nakatingin sa sarili ko. I'd never imagine na magsusuot ako ng wedding dress, magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal. Akala ko nakatakas na ko dito ganon padin pala, dito pa din ang bagsak ko. But thankfully di naman to magtatagal. After that i can finally go back to my life.

"Damn this dress! Ang bigat bigat!" inis na sabi ko.

Napatitig ako sa sarili ko, no wonder hindi ako nakikilala ni mommy. I really look like my sister. Napatingin ako sa labi ko, and it hit me.

"Fuck! Don't tell me kailangan naming magkiss ng lalakeng yun!" napatayo ako sa naisip.

"Oh no, no, no. Hindi pwede!" sigaw ko.

Andaming pumapasok sa isip ko habang nakatingin sa buong pagkatao ko.

"How bout' the honeymoon? Do we need to have sex? Do we need to cuddle all the time? Oh dang it! Hindi pwede!" kinakabang tanong ko sa sarili.

"I hate you Selene! Wala to sa usapan natin." naiinis na sigaw ko tama lang sa pandinig ko dahil baka may ibang taong makarinig.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkainis dahil sa naiisip ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Ma'am tara na po, malapit na po magsimula." nakangiting sabi ni Amy, secretary sya ni Selene.

"Sure Amy" nakangiting wika ko dito. Tinitigan ako nitong mariin, para bang may nawawala sa mukha ko. Napatitig ako dito pabalik.

"Why? Is there something wrong? Anong meron sa mukha ko?" naguguluhan kong tanong.

"Wala naman po ma'am, naninibago lang po ako." nakangiti ngunit nakatitig parin nitong sabi sa akin.

The Substitute Wife (Saldivar Sister) ON-GOINGWhere stories live. Discover now