"Hindi na kailangan." Ngumiti ito. Hindi ko alam bakit nagpunta sa amin si Estelle. Ano kayang pakay niya?

...
"She really enjoys her time here." Tumingin ako kay Estelle sa sinabi niya. Nakaupo kami sa swing sa playground habang pinapanuod namin si Gracie na nakikipaglaro sa mga kalaro niya sa amin. Natutuwa ako at nararanasan ito ngayon ng bata. Para kasi sa akin ay mas maganda na nasa labas ng bahay ang bata sa palagay ko kesa nakakulong lang sa loob. Masyado kasing kulong lang si Gracie sa bahay kaya hindi ganoon kahusay ang social skills niya at wala siyang ganoon kaibigan.

"Noon nasa ospital kasi Sac dinadala ko siya rito. Madali naman nagkaroon ng kalaro si Gracie." I remember the first I brought her home. Nakatingin lang siya sa mga batang naglalaro at ayaw magpababa sa pagkakarga ko sa kanya hanggang lumapit sa kanya ang eight year old na si Matty na anak ng dentista sa subdivision namin at niyakag siyang makipaglaro. Kunwari pang nahihiya si Gracie pero bumaba rin ito sa akin at sumama kay Matty.

"He was relieved that you were the one who took care of Gracie." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Estelle. "He knows that you love her as your own." Natigilan naman ako sa pag-ugoy ng swing.

"Kahit din naman ikaw Estelle alam kong mahal mo si Gracie. Hindi naman mahirap mahalin ang bata."

"I hated her at first." Tumingin ako rito at tumingin siya sa akin at ngumiti. "Her mother was the cause why Sac and I didn't end up together. And Gracie is the reason why he cannot leave Hannah." Tinitigan ko si Estelle pero wala naman akong makitang bitterness sa mga mata niya. Palagay ko naman ay move on na talaga siya sa palagay ko kahit gaano kasakit pa man iyon. "Ako ang nawala bigla sa picture eh ako naman ang legal na fiancee." Nakatawa siya sa sinabi niya. "I was furious! Hay! I was so young then. Hindi ko alam kung anong nakita niya kay Hannah. I thought that she must have been so beautiful that Sac was so smitten to her and it turned out that she is. She was very pretty but I know, not that I am too proud but I know I  am also beautiful because I take care of myself but then...he still chose her. There must have been something." Hindi naman ako makakibo sa sinabi ni Estelle. Sabagay hindi ko rin maintindihan kay Sac kung bakit nangloko pa siya. Sobrang ganda ni Estelle para sa akin at mabait pa siya anong mali rito? "Tinanong ko nga kay Sac bakit pero hanggang ngayon di niya ako masagot." She laughed. " I asked him was it because of the sex? I mean did he find me boring?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko naman gustong malaman ang sex life nila ni Sac. "I was a virgin Rachel when he took me and I am thinking maybe because I was inexperienced that he find someonelse that is more experienced..." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin. "Natatawa na lang sa akin si Sac kapag tinatanong ko ito. He said it wasn't about the sex. If it wasn't about the sex then maybe because I don't know how to cook? And then I found out Hannah has this small restaurant and that is where they met. So maybe it's about that." Tumawa pa ito. "Pero again sabi ni Sac hindi raw iyon. I gave up. Mukhang wala nga siyang balak sabihin sa akin kung bakit." Ngumiti ako rito. "Siguro nga sabi nga ni Ed Sheeran 'people fall inlove in mysterious ways'." Ngumiti ako ng malaki. May punto siya. Minsan natututunan nating mahalin ang isang tao sa isang least likely na sitwasyon.

"Sobrang sakit 'di ba?" Iyon na lang ang nasabi ko at tiningnan lang ako nito. Naalala ko na naman ang experience ko kay Dave. Isa na rin sa case ng falling in love in mysterious ways ang pagkainlove ko kay Dave. Ngayon ko na lang napagtanto ngayon gising na ako bakit nga ba minahal ko ito.

"Niloko ka rin? Aba, dapat pala tayo ang magkaibigan." Natawa ako sa sinabi nito. "What happened?" I can see the concern in her eyes. Mukhang nag-aalala ito na fresh pa ang nangyari.

"I found out he is gay." Nanlaki ang mga mata ni Estelle sa sinabi ko. "Ang sakit lang sa parte na kahit anong gawin ko wala akong laban. Lalaki ang gusto niya." Halata ko naman ang paglungkot ng mga mata niya at empathy na halata ko sa mukha niya.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon