Clash of Clan

1.2K 43 24
                                    

Kahit san ako tumingin puro kaklase ko na hawak ang cellphone nila ang nakikita ko at Anong ginagawa nila ano pa eh di ang sikat na sikat na Online games ang COC o Clash of Clans palibhasa kasi Wifi zone ang buong school for rich people kasi.

" Oh nakasimangot ka na naman dyan "

Sabi ni Sarah

" Ano ba kasing meron sa COC na yan "

" Laruin mo kaya para malaman mo "

Sabi sakin ni Jolo isa sa mga kaklase ko.Hindi pa pala ako nagpapakilala.Hi My name is Crysten Candovas 16 years of age at First year college.

" Eh hindi ko nga alam kung pano laruin yan "

Sabi ko sabay humalumbaba sa mesa ko.

" May instruction naman Crysten "

Sabi ni Eric.Pansin nyo ba puro mga lalaki ang kausap ko mas marami kasing lalaki akong kaklase at lahat sila naglalaro ng COC ay maliban lang pala sa isa dyan si Cristoff Castillo.

" Uy Eric sali ka sa clan namin nagbibigay dun ng dragon "

" Sige ba visit lang ako Lance "

" Hindi ba kayo nagsasawa dyan? "

Tanong ko sa kanila

" Hindi kasi may makakachat ka naman na ibang tao dito kaya di boring you can gain alot of friends "

Sabi ni Francis

" Tingnan mo si Sarah naglalaro din "

Napatingin ako kay Sarah

" Yes level up again "

Sabi ni Sarah.Napasabunot nalang ako sa buhok ko.Stupid games that make people Addicted and crazy.Halos hindi na natutulog mapalevel up lang.

Tinatanong nyo kung bakit ko alam yan Hello.Naglalaro din kaya nan si Kuya CJ lagi nga yung puyat dahil sa war war na yan na malay ko ba kung ano.

" Pasahan kita Crysten may Instruction naman yan kaya madali lang yan "

Sabi ni Jolo

" No Thanks "

Sabi ko sabay simangot.

" Omg! omg! Omg! "

Napatingin ako kay Sarah anyare dito

" Anyare sayo? "

" Omg!! Crysten kasi tinanong ni Darkranger yung Asl ko... "

Napakunot ang noo ko

" Age sex and Location "

" Then? "

" Pati FB so ayun inadd nya ko kakakita ko lang ngayon and Shocks ang Gwapo nya tingnan mo "

Hinarap sakin ni Sarah yung phone nya.Okay magsisinungaling pa ba ko gwapo nga so swerte nya.

" Maglaro kana dali malay mo dito mo mahanap yung True Love mo "

Napaisip ako dun well NBSB po kasi ako pero may mga crushes hello abnormal ka kapag wala kang crush.

" Papasa "

Biglang tumahimik sa buong classroom.Okay what's going on.

" What? "

Tanong ko sa kanila aba lahat sila nakatingin sakin.Hininto ang pagC-COC at tumingin sakin.Emotionless tapos sabay sabay na ngumiti.

Clash Of Clan (One-Shot)Where stories live. Discover now