CHAPTER TWO

2 1 0
                                    

Chapter Two

     "Sa susunod ayoko nang makarinig muli ng mga ganitong pangyayari!" Inis na ibinato ng punong guro ang makakapal na papel sa mukha ng mga lalaking nasa harapan ko.

     "Linisin niyo itong lahat! Hindi kayo pwedeng umalis sa loob ng silid na ito hanggang hindi pa 'yan nalilinis!" Striktong sigaw nito at 'saka dumiretso papalabas kaya dali-dali akong sumunod dahil ang sama ng tingin ng mga lalaki sa akin— sa amin, kasama ko pa rin pala ang lalaki kanina.

Naramdaman ko rin namang naka sunod sa akin ang lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan, hindi ko na inalam pa ang pangalan nito dahil wala naman akong balak at interes na kaniya.

     "Ma'am! Maaari naman na po siguro akong bumalik sa klase ko?" Pagtatanong ko rito.

Tumango lang ito sa akin at tinapik ang balikat ko.

     "Maaari na, pero sabihin mo nalang pag naulit ang mga pangyayaring ganito, ha?" Sambit nito.

Tumango lamang ako rito at nagpa-alam.

Tatalikod na rin sana ako ng makaramdam ako ng hilo, muntik na akong matumba mabuti nalang at may nakapitan ako. Ngunit nang maging maayos na ang pakiramdam ko doon ko lang nakita kung sino ang nakapitan ko. Nakahawak ako ngayon sa braso ng lalaki kanina, at habang nakahawak dito ay tila may dumaloy na kuryente sa katawan ko at doon pumasok ang mga hindi pamilyar na pangyayari sa utak ko.

Shit, not again.

'Paano pag wala ka?' Tanong ng isang babae.

'Hindi ako mawawala.' Aniya ng kausap nito.

Unti-unting tumulo ang luha ko sa mga nasasaksihan ko kaya agad ko itong itinulak para mapabitaw at tumakbo sa kung saan.

Nakarating ako sa bandang likuran ng paaralan, at sumandal sa isang puno roon.

Its weird, too weird to make me cry.

Napatingin ako sa mga kamay ko, sa mga sandaling iyon ay gusto ko na lamang putulin ang sarili kong mga kamay. Ang mga kamay na nagdala ng kamalasan sa aking buhay, ang mga kamay na nakasasaksi ng kamatayan. Napaupo ako sa damuhan doon, at 'saka iniluha ang lahat ng nangyari sa buhay ko.

Ang mga ala-alang kailan man ay hindi ko malilimutan.

Patuloy lang ako sa pag-iyak at hindi na inalala ang klase namin ngayong araw, papalubog na ang araw ng mapagpasiyahan kong umuwi na. Nakayuko ako habang naglalakad, kaunti nalang ang mga studiyante roon nang maabutan ko. Tahimik ang daan at sinasalubong ako ng malamig na simoy ng hangin.

Ang daming tao na magkakasama, magkakasamang naglalakad, nagkakasiyahan.

Mga buong pamilya. .

Mga kaibigang magkakasama. .

Sana ganyan din ako.

Huminga ako ng malalim at napangiti sa gitna ng  kawalan.

Ngunit laking gulat ko nang may biglang humawak sa braso ko, gulat akong napa tingin dito.

Siya yung lalaki kanina!

Hindi ito tumitingin sa akin pero itinapat nito ang patalim sa mukha ko, ito ang kinuha niya kanina. Kinuha ko na lamang ito at naglakad na papalayo sa kanya, pero ganoon na lamang ang gulat ko nang magsalita ito.

Until When Will You Stay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon