Gabb's Pov

Nagtext ako kay Ella at nagpasalamat ako sa pag chicheer up niya kanina sa akin habang sobrang down na down ako dahil nga nahihirapan akong gumawa ng puntos.

Hindi naman niya need na umabot pa doon dahil okay na sa akin na pumayag na talaga siyang magpanggap na girlfriend ko dahil din sa parents namin.

Nagkita na yung parents ko at mommy niya tapos suportado naman yung mom niya pero halatang gulat na gulat siya ng malaman iyun.

Sabi pa niya ako daw ang kauna unahang pinakilala ni ella sa pamilya niya at sakto pa dahil nga magkakilala pa sila ng parents ko at may tiwala daw siya sa akin.

Magbabago siguro ang lahat ng mga naiisip nila pag nalaman nilang nagpapanggap lang kaming dalawa ni ella na magkarelasyon.

Anyway back to the topic nasa mall din daw sila ella kasama niya yung kaibigan niyang si lara , kaya naisipan ko ding magpunta nalang doon.

Nang sa ganun ay mapasalamatan ko siya through dinner i guess? Argh ewan nakaramdam lang ako ng pagka excite.

Pumayag naman siya at magkita nalang daw kami sa yellow cab , ayun kasi yunh paborito niyang restaurany na kainan sabagay masasarap naman kasi yung mga pagkain doon.

Sa di inaasahang pagkakataon ay may natanaw akong 3 babae na nag aantay sa may parking lot palapit ng palapit yung sasakyan ko kaya namumukhaan ko na silang tatlo.

It was Coleen , Frances and lyza like anong ginagawa din nila dito? Haha baliw kana ba gabbo? Hindi lang naman ikaw ang pwedeng tumungtong dito sa parking lot ng mall ah.

Nakangiting bumaba ako nang kotse ko at nakita din naman nila ako kaya lumapit na ako sa kanila , napatingin ako kay coleen ang ganda naman ng baby gurl ko na yarn.

"Hey may inaantay kayong tatlo?" Tanong ko sa kanila habang napapatingin sa may paligid ko ngayon , sino kaya inaabangan nila?

"Oo kayo , hindi pa ba nasabi ni jaydee na sasabay kami sa inyo ngayon para magpunta sa arcade?" Nagulat naman ako , what the heck nagdesisyon na naman yung mukong na yun nang hindi sinasabi sa amin.

"Ah hindi pa----" naputol ang nais kong sabihin nang biglang dumating si gia na may malawak na ngiti.

"Oy hello girls!" Masayang sabi niya nginitian din naman siya ng tatlo , nag aabang lang kami ngayon kay jaydee na dumating.

"Hi girls! Im sorry nahuli , sorry gabb sasabay pala sila sa atin ngayon hindi ko na nasabibkasi ang bilis niyong umarangkada"

"Ah okay edi tara na sa loob" sabi naman ni gia at inakbayan niya pa si lyza itong si jaydee nakigaya na din at hindi naman pumalag si frances.

Mas nagulat ako nang biglang mag link arms sa akin si coleen, like may boyfriend siya oh paano nalang kung may makakita sa amin? Baka maissuehan pa kaming dalawa.

Nginitian niya nalang ako at napalunok nalang ako ng laway dahio humihimlay na naman ako sa ganda niya ngayon.

Argh my heart went oops😬 naglalakad lakad lang kami papuntang arcade ngayon at masaya lang kaming magkakasama.

Naglaro laro lang kami doon at masaya ako dahil kaming dalawa lang ni coleen ang magkasama parang naging date ang nangyari sa amin at sobrang saya ko nga dahil doon.

Hanggang sa umabot na ng gabi at isa isa na kaming nag si uwian pero hinatid na muna namin sa kanya kanyang bahay yung mga bebeloves namin.

"Thank you sa paghatid sa akin gabb , nag enjoybakong kasama ka mag ingat ka pauwi ah" sabi niya sa akin at ikinagulat ko nang halikan niya ako sa may pisnge , omg i cant breathe!

Agad na siyang pumasok sa loob at ako naman ay nakatulala lang , maya maya ay napangiti akong pumasok nalang sa kotse ko.

Nagdrive na ako hanggang sa makauwi ng bahay , ngayon ko lang naalala na dapat pala ay magkikita kami kanina ni ella sa mall fudge , tarantado ka gabb bakit nakalimutan mo yun?









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

SHE'S INTO HER (UNIPHANT)Where stories live. Discover now