c h a p t e r e i g h t

Začít od začátku
                                    

Exasperated, I groaned. "Ano nanaman? Nandito na tayo? Ano pang demands mo?"

"Ganito ka ba palagi?" He tilted his head to the side, observing me. Sa hindi malamang dahilan, parang naubusan ako ng sasabihin at nakaramdam ng consciousness sa bigat ng titig niya. I briefly glanced at him.

Okay, medyo cute naman pala kasi 'tong mokong na 'to. Very, very light. Normal lang naman na reaksyon ang matahimik sa harap ng isang taong cute. Nothing special.

"Anong ganito? Define ganito. Maganda? Maingay?"

He chuckled which surprised me. "Tama ka roon sa maingay, pero ibig kong sabihin, lagi ka ba talagang nakikipag-away?"

"Away? Ako?" I pointed at my chest and blinked at him. "Dine-defend ko lang 'yong sarili ko. Hindi ba 'yon sa 'yo tinuro noong elementary ka? Defend yourself against your oppressors?"

"So kaya ka nakipag-away sa akin kasi sa tingin mo opressor ako?"

I scoffed. "Ano sa palagay mo?"

"Baka nakakalimutan mo ikaw ang may kasalanan sa akin hindi ako. Hindi ka man nga lang marunog magpasalamat na pumayag akong gawin 'tong napaka kumplikado niyong project."

"Alam mo," I started, shaking my head. "Hindi ko dine-deny na may kasalanan ako sa 'yo. Sorry kung nabasa ko 'yong plates mo at kung anupaman ang naging dulot ng katangahan ko sa 'yo noong araw na 'yon at lahat ng araw after that, okay? Sorry. Thank you rin kasi pumayag ka na pakinggan ang proposal namin at magpasa ng portfolio kahit na obviously away mo." I gave him a quick bow. "Thank you po, Sir."

He rolled his eyes but I ignored him. Moment ko 'to. Tumuwid ako ng tayo at taas-noong nginitian siya. "Pero, the fact na ginagamit mo ng paulit-ulit 'yong inosenteng pagkakamali kong iyon para pahirapan at konsensyahin ako, doesn't that make you an oppressor?"

Natahimik siya at nakita ko ang pag-tagis ng kanyang bagang. Ha! Mukhang naka one-point ako roon, ah!

I smirked at him. "So? Pasok na tayo sa opisina?"

Nilagpasan niya ako at dire-direstsong itinulak ang pinto nang hindi man lang umiimik. As I watched the glass door swing after his wake, a satisfied grin spread over my face. Akala niya siya lang may sense? Batang uhugin 'to, 'no!

-

"Pogi pala 'yong Theo 'di mo naman sinabi," ngumunguyang sabi ni Vince. Late Lunch break nanaman at gaya ng naging tradisyon naming tatlo, nasa kantong lamesa na naman kami ng cafeteria, malapit sa may aircon at lamesa ng condiments.

Naunang umikot ang mga mata ni Weng sa akin. She gave me a look that said, tingnan mo 'tong tangang 'to, bago kumagat sa burger niya. Alas dos na ng hapon pero ngayon pa lang kami nabigyan ng pagkakataon na makapag-lunch. Sa haba ng monologue kanina ni Tito Erning. When it finally ended, hindi nakapagtataka na mas mabilis pa sa bisita ng piyesta ang pag-alis ni Theo.

I sighed and dug my fork into a sad plate of spaghetti.

"E ano naman kung gwapo?" tanong ni Weng. "Bet mo ba, Vince? Akala ko ba si Tasha ang crush mo."

"Ano ba kayo, siyempre tinitingnan ko lang kung may kakumpetensya ako. Nakita niyo naman 'yong itsura ni Tasha nung dumating 'tong si Megan saka 'yong Theo." Huminga si Vince nang malalim. "Para talagang nagka-crush 'yong crush ko sa crushable na si Theo. Tangina."

Hindi ko naiwasang mapangiwi. Kadiri. Sa dalawang taon na katrabaho ko sila Vince at Weng, hindi na sa akin bago ang mga sikreto nilang hindi naman masyadong tago. Tulad na lang ng pagkakaroon ng crush ni Vince sa Managing Director at Design Consultant na si Tasha.

His LossKde žijí příběhy. Začni objevovat