I Found The One (Short Story)

8 5 0
                                        

Simula bata palang ako lahat ng tao tinatawag akong malas. Lahat ng taong naka paligid sakin puro masasamang salita ang sinasabi sakin. Ultimo mga magulang at kapatid ko malas at walang kwenta din ang tingin sakin kasi daw simula daw nung dumating at ipinanganak nila ako puro kamalasan nalang daw ang nangyari sakanila.

Minsan nga inisip ko na ang unfair napaka unfair. Kasi syempre hindi ko naman kasalanan na ginawa nila ako hindi ko kasalanan na ipinanganak ako ng nanay at hindi ko kasalanan na dumating ako sa buhay nila at mas lalong hindi ko kasalanan na nabuhay ako sa mundong ibabaw. Hindi ko naman kasalanan na minamalas sila no. Baka nga sila talaga yung malas at hindi ako eh. Kaya huwag nilang itapon at isumbat sakin yung kamalasan na natatamasa nila ngayon.

Bago ako bumaba sa kwarto muli ko munang pinagmasdan ang imahe ko mula sa loob ng salaming saka isinuot ang salamin kong hindi naman kataasan ang grado. Naglabas muna ako ng isang malakas na hanging mula sa aking hininga at saka bumaba.

"Oh ma! Andyan na yung malas lumayo layo na kayo masyadong maganda ang mood at ang araw ko para paltanniya lang ng kamalasan!" pagpaparinig ni ate Kimmy

Ganyan nalang palagi ang set-up namin. Pagdating naman sa hapagkainan aalis na sila pag sasabay na ako sa kanilang kumain. Masyado nila akong pinandidirian at nilalayuan akala mo naman ang lilinis nila. Pero kahit na ganon sila mahal na mahal ko parin sila kasi kung di dahil kay mama at papa wala ako ngayon dito sa tinatapakan ko ngayon. Iniisip ko nalang na talagang eto talaga yung buhay na ibinigay sakin ng Diyos at kailangan ko na lamang pasalamatan at tanggapin kasi kahit papano ay hinayaan niya kong mabuhay.

"Alis na po ako" malumanay na pagpapa alam ko kay mama at papa pero nung akmang hahalik na ko sa pisngi nito ay bigla niyang inilayo yung muka nya. Hindi ko na lamang pinansin yun at nginitian na lamang siya

Naniniwala ako na darating ang araw na may makaka appreciate sakin. Na darating ang araw na yung malas na tinatawag nila ngayon ay magiging matagumpay sa buhay. Sabi nga nla diba kung sino yung taong nagmamataas siya yung taong ibinababa at kung sino yung taong nagpapakumbaba ay siyang iniaangat.

Oo masakit na salot, malas at kung ano ano pa ang tingin ng mga tao sakin pero mas masakit dun yung taong dapat na nasa tabi ko na dapat na nagpapatibay ng loob ko ay isang salot at malas din ang tingin sakin. Masakit lahat yun pero mas masakit na pati ang pamilya mo na kailangan mo ayaw sayo.

Hindi pa ko masyadong nakakalapit sa room namin narinig ko na ang sigawan nila na nandito na ko.

"Magsi ingat kayo andyan na yung malas na nerd!" sigaw ni Kevin pamangkin nung isa sa mga investor ng school namin

Napa iling nalang ako sa inasta ni Kevin nung makita nya ko. As usual nung nakapasok ako sa silid aralan namin nagging center of attraction kaagad ako. Ultimo yung mga naglalaro ng kung ano ano at naghahabulan tumigil sa mga kanya kanyang ginagawa para lang tignan at titigan ako. Araw araw ganyan ang nangyayari kaya kahit papano sanay na ko. Tumagal din kami ng ilang oras bago sila bumalik sa mga pinag gagawa nila kanina bago pa ko nakapasok.

Napabuntong hininga nalang ako at napa iling muli bago nakapasok ng tuluyan at umumupo sa sulok at kinuha yung earphone ko saka nakinig na lamang sa mga kanta. Tinignan ko yung mga kaklase ko na masaya habang kausap yung mga kaibigan nila. Minsan nga naiisip ko kung tao pa ba ako o multo na kasi parang hindi ako nag eexist sa mumundong ibabaw. Minsan din na iisip ko na malamang kung napapanis lang yung laway malamang bata palang ako panis na panis na yung laway ko.

Syempre, nakakainggit na wala kang kaibigan. Minsan nga naiisip ko kung anong wala sakin na meron sa kanila para tratuhin nila ako ng ganito. Ay oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Kaya nga pala ganon kasi nga pala malas ako at sila swerte kaya sino nga bang swerteng tao ang may gugustuhing kumausap ng isang tulad kong malas. Ultimo nga pamilya ko na dapat nasa tabi ko para paga angin yung pakiramdam ko malas din ang tingin sakin eh.

I Found The OneWhere stories live. Discover now