Chapter 21 - Priceless

Start from the beginning
                                    

Huminga ito nang malalim. "Payag ako, sweetheart. Mabilis lang naman ang six months. Ang mahalaga, nagmamahalan tayong dalawa at nagtitiwala ka na ulit sa akin. Okay na ako roon, Pretty."

"Naniniwala naman ako sa iyo, Cliff. At naa-appreciate ko ang katapatan at pag-amin mo sa mga pagkakamali mo noon. At panghahawakan ko ang pangako mo na hindi ka gagawa ng mga bagay na ayaw at ikagagalit ko. At hindi ka na sisira sa mga bibitawan mong pangako."

Tumango ito. "You already have my heart, Pretzhel. You can have my word, too."

At ang ngiting kanina pa pinipigilan ni Pretzhel ay tuluyang gumuhit sa mga labi. "Okay."

Mula sa malamlam na liwanag ay kita niya ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa labi ni Clifford.

"Okay? Ibig sabihin tayo na ulit?" Kahit pabulong ang salita nito ay halata naman ang saya.

Kinagat niya ang labi saka tumango. "Uh-hum."

Sinapo nito ang mukha niya. "Bawal nang bawiin 'yon, sweetheart," bulong ni Clifford.

"Hindi na. I promise." Masuyong ngumiti si Pretzhel.

"My pretty Pretzhel," Clifford murmured as he kissed the back of her hand.

Binawi niya ang kamay na hawak nito. Kumapit siya sa polo shirt sa tapat ng dibdib ni Clifford. Itinaas niya ang mukha saka hinigit palapit sa kanya ang binata.

"Shit, sweetheart!" Kaagad na yumuko si Clifford. At kasabay nang paglalapat ng mga labi nila ay ang pagpikit niya.

Pretzhel moaned. She felt as if a live wire touched her body. Clifford kissed her softly. His tongue seeking entrance, teasing the seam of her lips. Pretzhel sigh before she opened her lips and darted her tongue out. Clifford groaned. Heat spread throughout her body when his tongue played with hers.

Pretzhel anticipated his kiss to turn hot and heavy. But it didn't. Nanatili ang marahang pag-angkin nito sa labi niya. Maging ang kamay nito ay nanatili lang na nakasapo sa kanyang mukha.

Ang kamay ni Pretzhel na nakakapit sa tapat ng dibdib ng binata ay bumaba. Hinigit niya ang laylayan niyon sa pagkaka-tuck sa patalon. Pero bago pa niya maipaloob ang kamay sa damit ng binata ay kaagad nitong nahawakan ang kamay niya.

Naguguluhang tumingin siya kay Clifford.

"May parating, sweetheart," anito na kaagad ding nakaatras palayo sa kanya. Muling bumalik sa pagkakasandal sa kabilang dulo ng duyan.

Saglit lamang ay narinig niya ang tinig ni Julius. Hindi niya kita ang pinsan dahil nakatalikod siya sa gawi nito. Idagdag pang malapad talaga ang duyan.

"Ano, Cliff? Nakakain ka na? Pwede nang tumagay?"

Sumulyap sa kanya si Clifford. Itinaas niya ang kilay bilang tugon.

"Pass muna ako, bro."

"Sus! Sulyap lang ni Pretzhel, takot ka na? Para ka namang hindi military captain niyan," tudyo ni Julius.

Tumawa si Clifford. "Hindi naman sa takot. Pass lang talaga muna ako ngayon, bro. Next time na lang."

"Iba 'yong ngayon, iba' yong next time. Halika na!"

Nang tumayo si Pretzhel ay tumayo na rin sa duyan si Clifford. Kahit ayaw pa niyang umuwi ang nobyo ay wala silang choice. Kung hindi aalis si Cliff ay tiyak na hindi ito tatantanan ng pinsan niya. Baka nga mamaya ay hindi lang si Julius ang sumundo sa binata.

"Magda-drive pa ako pauwi sa Bulacan. Hindi ako pwedeng magpalipas ng gabi ngayon dito at maaga akong bibiyahe pa-Albay," paliwanang nito. Pagkasagot ay bumaling sa kanya si Clifford. "Uwi na ako, sweetheart."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now