⚜️KABANATA UNO⚜️

7 0 0
                                    

“This is your content project, Amari!” Nilapag ni Neggy ang mga folder na kulang na lang ay maging kasing taas na ng Mount Apo sa dami.

“Wow, hindi kaya ako ma-overdose nito sa dami?” ngiting aso kong saad. Tinitingnan ko pa lang ang mga papel na nasa harapan ko ay mukhang magkakasakit ako ulit. My gosh!

“May gana ka pang magreklamo? Aba, Amari, hindi purki anak ka ng CEO at President nitong kumpanya ay pwede mo na akong ganyan-ganyanin. Baka nakakalimutan mong ibinilin sa akin ng Daddy mo na turuan ka ng leksyon, pero anong ginawa mo?”

“I got sick, Negg. Oh my gosh! Can you stop nagging at me!” inis kong sabi. Nakakairita talaga ang boses ng baklang 'to. Kapapasok ko lang ulit sa trabaho pagkatapos kong maratay ng isang linggo dahil sa—

“You didn't get sick, Amari. That's just a hangover. One week hangover! Pandemic ngayon pero nakuha mo pang makipag-party. Hindi ka man lang natakot sa Covid? Pasalamat ka hindi ako nagsumbong sa Daddy mo, or else—”

My eyeballs rolled up and point at him. Nakita ko kung paano siya lumunok nang tingnan ko siya ng masama. Good for him. Hindi purki ibinilin ako sa kaniya ay pwede na niya akong pagsalitaan ng kung anu-ano.

The nerve!

“Ano ba kasi 'to!? Ang dami-dami, ha. Dinaig pa 'yong thesis ko nung college.” Hinarap ko ang papel at pakunyaring pinagbubuklat iyon.

“Content project para sa Hollowen Special,” tipid nitong tugon. Hindi ko alam kung nalunok na talaga niya ang dila o talagang natakot siya sa titig ko. Oh well, I couldn't blame him naman because I could barely throw a death glare. Lalo na sa mga katulad niyang atribidang bakla.

“Content project tapos ganito kakapal? Seriously, Negg, pinarurusahan mo ba ako?”

“Hindi marami 'yan, Amari. OA ka lang talaga.”

Automatic na lumipad ang paningin ko sa pinto nang marinig ang boses na iyon. Gayon din ang pagkalukot ng pagmumukha ko nang masilayan ko kung sino ang epal na nagsalita.

“Hayyzt, buti naman Yani at nandito ka na. Ikaw na nga ang kumausap dito sa kababata mo, naku! Hindi ko na kaya... konte na lang duduguin ang matres ko d'yan!”

Natawa ang walanghiya sa litanya ng baklang si Neggy na siyang supervisor ng SBT Network. Habang ako ay mapaklang nakangisi lang sa bagong dating na si Yani, just Yani. Wala ako sa mood para banggitin pa ang apelyido niya and I don't fucking care.

“Bakit ka ba nandito!?” maasim pa sa sukang tanong ko. Naiirita talaga ako sa pagmumukha niya kapag nakikita ko siya. Bukod kasi sa pakialamero siya at epal. Madalas ay nakikita ko rin siya sa mga lugar na pinupuntahan ko. Hindi ko nga alam kung dapat na ba akong magduda na baka spy siya ni Daddy para bantayan ako.

“Well of course, para magtrabaho. Ano pa ba sa tingin mo ha, Amari?”

“Hindi rito ang office mo, Yani. Doon ka sa pwesto mo, huwag dito dahil naaalibadbaran ako sa face mo!” pranka kong sabi. Ilang beses ko na siyang sinupla nang ganyan pero ewan ko ba kung bakit sobrang kapal ng mukha ng lalaking ito at hindi yata tinatablan ng kahit anong sabihin ko.

“Sa gwapo kong 'to, naalibadbaran ka pa? Samantalang 'yong ibang babae dito sa office kulang na lang ipa-frame 'tong mukha ko!”

“Yuck! Kadiri. Umalis ka na nga! Hindi ako nakikipagbiruan ha! Wala ako sa mood, baka sayo ko pa maibunton ang inis ko sa baklang 'yon!”

“Hindi ako pwedeng basta umalis nang hindi nasasabi sa iyo na aalis tayo bukas ng umaga.  Eight o'clock in the morning ang flight natin via Cebu Pacific.”

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya at sinalubong lang niya iyon na para bang wala lang sa kaniya kahit halos umusok na ang mukha ko sa galit. Talagang sinusubukan ng lalaking ito ang pasensya ng isang Amari Forbes.

“At sinong may sabi sayo na sasam—”

“You have to, my love! Balita ko aalisan ka raw ni Tito Ramon ng access sa credit cards at pati na rin allowance mo puputulin—”

“No! He can't do that!” Kinakabahan kong sabi. Hindi pwede 'yon! Paano na ang night life ko, ang pambili ko ng mga merch ng favourite boy group na ini-stan ko. No! I cannot!

“He could, Amari. He's your Dad, remember?” anito na halatang iniinis talaga siya.

“Lumabas ka na nga ng office ko, impakto ka! At huwag mo akong matawag-tawag na love. It's so grossed, yuck! Kadiri!”

“Bakit nagagalit kang tawagin kitang Love, ha!? Sooner or later naman mapupunta ka rin sa akin. Remember that, Amari!”

Isa iyong banta, at palaging ginagawa ng walanghiyang iyon na igiit ang kasunduan iyon sa pagitan ng mga lolo naming dalawa. Kasunduan na sila lang naman ang may gusto. I will never like this kind of man and I will never ever let him. Over my dead gorgeous body!

Nang umalis ang epal na si Yani ay binalikan ko ang files na nasa harapan ko. I am the segment producer of the highest rating documentary show dito sa network na pag-aari rin naman namin. Ewan ko nga sa Daddy ko kung bakit sa halip na Vice President, o hindi kaya ang Chief Operating Officer ay ganito kababang posisyon ang ibinigay sa kaniya. Kung nabubuhay lang siguro ang mommy niya ay nungkang mahirapan pa siya ng ganito.

Kainis!

Ibinalik ko ang atensyon sa mga files. Ang totoo, tatlong folder lang talaga iyon. Pero para sa kaniya ay madami na iyon. Inis niyang binuklat iyon at binasa.

“Lookwood's Forest?”

May ganoong gubat ba sa Pilipinas. Ang tagal na niyang tao but she never heard of that forest. Saang lugar ba ito? Binasa niya ang unang buong pahina. At kunot-noo siya sa pagtataka.

“Zamboanga?”

Akala ba niya ay para sa Halloween Special ang gagawin nilang segment. Kung ganoon, hindi ba dapat ay sa Visayas sila magpunta dahil nandoon ang mga Aswang, Manananggal at mga kung anu-anong lamang lupa na may dalang kababalaghan di-umano. Then why the heck that the location is in Zamboanga. Hindi ba't sa Mindanao 'yon?

“My God, Daddy! Why are you doing this to me!? Malapit na ang eighteenth birthday ko tapos ganito?” maktol niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE LOCKWOODSWhere stories live. Discover now