"I'm sorry, I'm just making you smile you looked stress"

tama nga siya dahil sa gulo kong buhok na hindi pa naliligo at mukang stress talaga ako ngayon dahil dumagdag pa siya

"Nag re'review ako e"
sagot ko nalang

"I know and It's our responsibilities pero sana wag mo pababayaan ang sarili mo"

sabi niya habang nilagay niya ang mga pinambili niya sa lamesa at nilapitan ako sabay ayos ng buhok ko dahil sobrang gulo iyon at kinuha ang scrunchies na nasa kaliwang kamay ko at tinalian niya ako, kumain lang kami at sinabi niya sakin na dito raw siya mag re'review at dito na rin daw siya matutulog, hindi na lang ako nagreklamo dahil matatalo din naman ako kapag nakipagtalo pa ako sa kanya

"So ganito yan this X will be out if you put this Y in this method, You already know the formula right?"

tumango ako at binalik sa kanya ang atensiyon ko, nagpapatutor ako ngayon sa kanya, medyo nagulat pa ako dahil alam niya pa lahat kahit dati na iyong topic ano kaya vitamins nito?

"Ako rin magpapaturo"
taka akong nag angat ng tingin sa kanya, seryoso siya kaya seryoso ko din siyang tinignan

"So my question is, How to be yours?

"Aw, enough alright alright"

tawang tawa siya dahil binugbog ko siya sa braso, nag fofocus ako e, bumalik na ako sa pag re'review at ganun din siya

matapos ang ilang oras natapos ko na din e finalize lahat kaya niligpit ko nalang ang mga gamit ko at tinignan si zach na nag la'laptop, ang gwapo niyang tignan he's wearing black sweater and grey trousers, kaya kinuha ko ang phone ko at pinicturan ko siya, sinave ko lang iyon, napansin niyang tinitignan ko siya kaya tumigil siya at tinignan rin ako

"What now?"

"Wala, dito kaba talaga matutulog?"
baka kasi nabingi lang ako kanina ng sinabi niya iyon

"Of course? This is our house"

seryoso niyang sagot, ano ba talaga trip nito sa buhay at ganito to? napalingo nalang ako sa mga pinagsasabi niya, kaya naisipan kong maligo na muna dahil tapos na akong mag review at nag dinner na kami kanina

"I'll be back"
pagpapaalam ko sa kanya ng lampasan siya

"Where to?"
tanong niya habang nakataas ang kilay

"I'll just take a bath"
paalis na ako ng magsalita siya

"Bilisan mo, papasukin talaga kita kapag nagtagal"

alam kong joke ang sinabi niya pero bakit pakiramdam ko ang init ng pisngi ko? is it just me?

"Pervert"

natawa siya sa reaction ko
naligo na lang ako at nag bihis ng pantulog, pagka labas sa living area hindi na siya nag aaral at nakita ko siyang nag ce'cellphone lang, hindi niya pa yata ako napapansin dahil nasa likod niya ako kaya lumapit ako ng konti sobrang bango niya, sumilip ako sa cellphone niya at nakitang nag titingin tingin lang siya ng mga painting, napansin niyang nasa gilid niya ako kaya bigla siyang lumingon at hinalikan ako sa pisngi

"Ay ang bastos grabe"

"What?"
natatawang tanong niya sakin habang pinupunasan ko ng wet wipes ang pisngi kong hinalikan niya

"Ew laway, LC pa naman ako!"

reklamo ko habang nagpupunas pano ba naman hinalikan niya ako sa pisngi sabay labas dila niya sa pisngi ko, kaya mas lalong nakakadiri, kaya tinignan ko siya ng masama habang nagpupunas, tinataasan niya lang ako ng kilay niya!

The End (on going)Where stories live. Discover now