Napangiti na lang ako.

I wrapped the dry towel around my body as I stepped out of the bathroom. Natigilan pa ako nang mapagtanto na mukhang wala pa rin si Darryl. Wala akong damit na maisusuot.

Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa ng hinubad ko. I was biting my lower lip while scrolling through my contact list. I tried to call Pamela but it was unattended.

Oo nga pala. Naibato ko ang kanyang cell phone sa sobrang galit. Wala naman akong ibang ka-close dito. I mean... meron naman. Pero ang weird kapag sa iba ako nag-request.

I drew a deep breath. Well, I guess I have no choice but to wait for Darryl. Nanatili ako sa kwarto ni Ulrich. Wala namang nagbago rito dahil hindi ko nga alam kung nagamit ba niya.

Nagsusuklay ako ng buhok habang nakatingin sa salamin. Nilalamig pa rin ako pero hindi gaya kanina na nanginginig talaga.

A knock on the door startled me.

"Riza?" tawag ni Ulrich sa labas. "The food is here."

"How about my clothes?!" pasigaw kong tanong.

"Wala pa si Darryl. Pwede ka munang magtapis ng tuwalya," suhestiyon pa niya. "Come on. Baka lumamig na 'tong pagkain natin."

Hinigpitan ko ang kapit ng tuwalya sa katawan ko. Kinalma ko ang sarili bago pinihit ang hawakan ng pinto. Sumilip muna ako sa labas. Malinis ang salas. Malamang na nasa kitchen si Ulrich.

I stepped out of the room completely. Malakas ang pintig sa dibdib ko. Kahit na mahigpit naman ang kapit ng tuwalya sa dibdib ko ay nakahawak pa rin ako rito.

I went to the kitchen. Naabutan kong nakatalikod sa akin si Ulrich habang nagtitimpla ng kape. He was only wearing a grey sweatpants. Wala siyang damit pang-itaas. Magulo rin ang kanyang buhok na basa.

"Do you like a cream on your coffee?" he asked.

"Y-yeah..."

He chuckled. "Why stutter, baby?"

I sat down on the chair. Halos kalahati rin naman ng katawan ko ang natatakpan ng lamesa. Gano'n pa man ay lilitaw ang mga tinatago ko kapag naalis ang tuwalya.

Tumikhim ako. I made myself comfortable first. Baka sa sobrang kakaisip ko sa tapis na tanging bumabalot sa hubad kong katawan ay ako pa mismo ang makatanggal nito.

"Matatagalan pa ba si Mr. Cortez? Malapit lang naman ang office ko—"

"And?" Humarap sa akin si Ulrich. Nakataas ang kanyang mga kilay nung lumapit siya sa akin para ipatong ang kape ko sa tabi. "Let you out with only that?"


"Ulrich!" I glared at him when he tried to take off my towel.

He chuckled. "Kidding."

"Bakit wala kang damit? Hindi ka ba nilalamig?"

Tinukod niya ang dalawang kamay sa harapan ko saka umiling sa akin. He leaned forward to kiss the tip of my head. Saka siya dumiretso sa kanyang upuan.

"My body, my choice," he smirked.

I sipped on my coffee. Nauna nang kumain si Ulrich kaya gumaya na rin ako. Kaunti lang naman ang nakain ko. Halos maubos naman ni Ulrich ang mga pagkain.

"Damn. I'm full." He leaned his back on his chair. "Are you on diet?"

"So... hindi ka na a-attend sa meeting mo?" pag-iiba ko agad sa usapan. Niyakap ko ng mga palad ang tasa ng kape para maramdaman ang init nito.

"Nah. I canceled all my meetings for the whole week." Kinuha niya ang tasa ng kape saka uminom. "I want to spend more time with you."

"I have work..."

Wicked HeartsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora